Chapter 2: Anne

2.3K 68 3
                                    

Bright lights, loud music, alcoholic drinks everywhere, dirty dancing in every corner, everyone is getting wild.. Yes, they are at the bar even though it's Monday night and they still have class early on the next day but... who cares? They're here to have fun!

"WOOHHH PARTEH PARTEHH!!" sabi ni Anne habang sumasayaw sayaw at saka tinungga ang alak mula sa shotglass.

"Para talaga 'tong sira! Huy tumigil ka na nga dyan teh! Lasing ka na ohh"

"SHATAAAHHP BAKLA!" natatawang sabi ni Anne sa kaibigan niyang si Vice at patuloy pa rin na nagsasasayaw kahit na wala naman siya sa dance floor. Ang mga kaibigan niyang kasama niya ngayon ay nanatiling nakaupo lang at tinitingnan si Anne.

"You know what Anne? I think you should go home now." sabi ng isa pang kaibigan ni Anne na si Angel at tumayo para alalayan si Anne nang bigla nalang siya nitong hatakin at halos magkalapit ang mga mukha nila.

Nag-smirk si Anne kay Angel habang si Angel naman ay medyo lumayo dahil medyo nailang siya sa ginawang paghatak sa kanya ni Anne.

"Ganda mo pala lalo sa malapitan" sambit ni Anne kay Angel at kinindatan ito. Napabuntong hininga nalang ang huli at muling naupo katabi ang kanyang nobyong si Vhong na kaibigan din ni Anne.

Napangiti nalang si Anne sa mga kaibigan at muling uminom ng alak.. Tumigil siya kasasayaw at naupo na muna siya sa isang tabi at tiningnan ang kanyang cellphone.

"As expected, No text message from him" sabi niya at nagkibit balikat bago itinago ang phone sa kanyang bulsa at nagsindi ng sigarilyo.

"Bakit? Sino bang hinihintay mo magtext sa'yo?" tanong ni Vice.

"Sino pa ba? Eh 'di yung walang kwenta kong ama! Usually, he would be the first one to greet me.. not until he became busy with..another woman. I guess?." sagot ni Anne na muling nagkibit balikat.

"Eh akala ko ba, sinusuportahan ka pa rin ng dad mo, kasi kung hindi eh 'di sana naghihirap ka na"

"Yes, but I hate him for acting as if he's single. But then.. I still hope that he'll be with me tomorrow for my birthday" malungkot na sabi ni Anne at isinandal ang ulo niya sa balikat ni Angel.

"Huy Anne, girlfriend ko 'to ah. Kanina ka pa" pabirong pagbabanta ni Vhong kay Anne habang nakaakbay pa rin kay Angel.

Umayos naman ng upo si Anne at pilit na tumawa habang patuloy sa paninigarilyo.

"I know kiddo.. she's all yours" sambit niya.

"Hayy, you know what guys, umuwi na tayo, maka-asta kayo para kayong mga walang pasok sa ekswela bukas ahh" sambit ni Angel.

"Aba magaleng! Porket graduate ka na Gel, ginaganyan mo na kaming mga prends mo!" biro ni Vice.

"Sira, syempre gusto ko rin naman na makagraduate na rin kayo ano. Puro kasi kayo pagbubulakbol at inom e. Sige na umuwi na tayo"

"Gel, you know that it's my damn birthday in a while 'di ba? Treat ko na nga 'to ehh" sabi ni Anne na medyo nairita sa pagpipilit ni Angel na umuwi na.

Si Anne at ang mga kaibigan niyang sina Vhong at Vice ay pareparehong nagaaral sa IST University. Kasama rin nila noon doon si Angel pero nauna itong makapagtapos dahil hindi siya tumulad sa kanila na bulakbol at hindi pala-aral. Kung ibabase rin lang naman sa edad ni Anne ay dapat nakapagtapos na ito ng kolehiyo, ngunit dahil nga sa paguugali niyang iyon ay 'di pa rin siya umaabot ng 4th year sa kolehiyo.

"...and who the hell cares kung 'di pa kami maka-graduate? I mean, duhh ikaw, naka-graduate ka na nga maganda ba trabaho mo? Hindi naman 'di ba?" dagdag ni Anne sa sinabi niya kay Angel.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now