Chapter 9: Misinterpreted

2K 62 28
                                    

"Ate K gumising ka na please~" sambit ni Anne na kasalukuyang nasa kwarto ni Karylle. "Dali na gising na~ koochie koochie kooboo~" sabi pa niya habang kinikiliti ito sa tagiliran

"Ehh.. Anne mamaya na.. natutulog pa ako e" 

"Anne? Bakit Anne?" nakasimangot na sambit ni Anne.

"Alright.. baby Anne.." sagot niya at panandalian imunalat ang kanyang mga mata para tingnan saglit si Anne.. Hinatak naman niya bigla ito papuntang kama kaya napahiga rin sa tabi niya. "Five minutes. matutulog pa ako. And please stop pouting your lips you're so cute. Nanggigigil ako." sabi niya habang nakayakap pa sa kanya.

Si Anne naman ay napangiti nalang at tiningnan ang kanyang ate K na katabi niya ngayon at nakapikit pa rin.

"Uhmm.. Ate K?"

"Hmm?"

"Thank you ha"

"Thank you for what?"

"Basta.. thank you" sinserong sabi ni Anne na hahawakan sana sa pisngi ang kapatid ngunit natigilan siya nang bigla nalang hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya.

"Errr nanggigigil talaga akoooo" sabi muli ni Karylle bago kumalas sa kanyang pagyakap kay Anne at saka bumangon.

Umupo na rin sa kama si Anne at saka tiningnan lang ang kanyang ate K na naguunat -unat at humihikab pa.

"Dali na maligo ka na bonding tayo today right?" paglalambing ni Anne at saka muling sumimangot na naging dahilan para mapangiti na naman si Karylle.

"Alam mo, ang cute cute cute mo talaga" sabi niya at muli na namang kinurot si Anne sa magkabilang pisngi. "Sa sobrang gigil ko sa'yo gusto kitang kainin e."

Nabigla at napakunot noo naman habang nakangiti rin si Anne sa sinabing iyon ng kanyang kapatid.

"What exactly do you mean by that?"

"Maliligo na ako, ikaw magluto ng breakfast for me. Please?" paglalambing naman ni Karylle pabalik.

"But I'm not good at cooking ate K. I'll make you a sandwich nalang. Would that be fine?"

"Ipagluto mo na ako sige naaaaa.. 'pag 'di ka nagluto ikaw kakainin ko. Rawrr!" natatawang biro ni Karylle at nagmala-tiger claws pa.

Si Anne naman ay tawang tawa sa pinagsasasabi ng kanyang kapatid.

"Seriously ate K, you have to stop saying that." nagpapailing iling na sabi ni Anne bago nilisan ang kwarto ni Karylle.

~

"Bakit 'yan ang pinili mo?"

"Ito talaga favorite flavor ko e. Oreo" 

"Hmm.. Try this one." sabi bigla ni Karylle na sinubo muna ang kutsara niyang puno ng ice cream bago nag-iscoop ng panibago at hinarap kay Anne. Kasalukuyan kasi silang nasa Dairy Queen at kumakain ng Blizzard.

Napataas kilay naman si Anne sa ginawang iyon ni Karylle dahil 'di siya sigurado kung ano bang gagawin niya doon. 

"Try mo. Mas masarap kaya itong KitKat"

Kinuha naman ni Anne ang sarili niyang kutsara at akmang babawasan ang ice cream ni Karylle ngunit inilayo niya ang cup niya dito.

"Dali na try mo na 'to" nakangiting sabi ni Karylle na nilalapit pa rin ang kutsara niya sa bibig ni Anne.

Wala naman nang nagawa si Anne kung hindi isubo na nga ang ice cream na nasa kutsara ni Karylle. 

"Sarap 'di ba?" tanong niya at sinimot muna ang natirang ice cream sa kutsara bago nag-scoop ng panibago.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now