Chapter 13: Fireworks

1.5K 57 7
                                    

5:36pm

"Hayy ang tagal naman. Inaantok na ako" sambit ni Anne habang humihikab.

"Sabi ko sa'yo dapat naglibot-libot nalang tayo dito sa campus para 'di ka ma-bore eh" sabi naman ng kasama niyang si Billy.

"Ehh sus! Alam mo naman na ilang taon na ako sa unibersidad na 'to. Sawang sawa na ako kalilibot dito ano!" sagot ni Anne na ikinatawa ni Billy.

"Oo nga. Malapit ka na ngang maging Magna e."

"Magna? magna Cum Laude?"

"Hindi.. Magna-nine years sa college! " biro ni Billy at saka tumawa nang malakas. "Or pwede rin namang Suma. Sumasampung taon" biro niya ulit.

Hinampas naman siya ni Anne at saka sumimangot

"Hmp! Ang bad mo!" sabi ni Anne at saka sumandal bigla sa balikat ni Billy. "Pasandal ha. Antok na ako e."

Bigla namang nakita ni Anne ang dalawang babae na bumababa ng hagdan. Siguradng sigurado siya na ang mga babaeng 'yon ang tinutukoy ni Karylle na tinuturuan niya. Kaya naman, tumayo na siya at humarap kay Billy.

"Uy, andyan na yata si Karylle. Hmm buh-bye na salamat sa pagsama ha?"

"Uhmm ganun? Ayaw mo ba ako ipakilala?"

"Ehh.. baka magalit yun e. At saka next time nalang. Magbobonding pa kasi kami" nakangiting sagot ni Anne kahit na ang totoong dahilan kung bakit ayaw niya ipakilala si Billy sa kanyang kapatid ay baka kasi magkagusto rin siya dito.

"Ahh.. okay sige. Una na ako ha" pamamaalam ni Billy kay Anne.

Nang nilingon ni Anne ang kaninang pinaggalingan ng mga babae ay nadatnan niya si Karylle na may kasamang isang lalaki. Napakunot noo tuloy siya ngunit nilapitan niya pa rin sina Karylle.

"Ate K ang tagal mo." sambit ni Anne habang matalim na tinitingnan ang lalaking kasama niya.

"Hala wait lang." sambit naman bigla ni Karylle habang kinakalkal ang bag niya. "May naiwan yata ako sa library. Teka lang ha"

"Ako na kukuha. Ano ba 'yun?" sambit ng lalaking kasama niya.

"Hindi na. Ako na. Wait lang Anne ha." sabi ni Karyle at dali daling umakyat ulit sa library. Naiwan tuloy si Anne na kasama yung lalaki.

"Sino ka?" mataray na tanong ni Anne

"Ako?"

"Sino pa ba?"

"Kaklase mo ako sa Algebra 'di ba.. at saka uhmm"

"Eh ano ngayon kung kaklase kita sa Algebra? Sino ka nga!?"

"Miguel..Migz nalang, Migz tawag sa'kin ni Karylle eh." nakangiting sabi ng lalaki at nilahad ang kamay niya kay Anne pero tiningnan lang iyon ni Anne at 'di nakipagkamay sa kanya.

Napangiti nalang tuloy ang lalaki at napakamot sa kanyang batok.

"Apilyido?"

"de Guzman."

"May gusto ka kay Karylle?" deretsahang tanong niya.

"Ha? A-ako?" kabadong sagot naman ni Miguel

"Kasama ka sa tinuruan ni Karylle kanina 'di ba?" taas kilay na tanong ni Anne.

"Uhmm.. oo kasama nga ako dun."

"Look, alam kong matalino ka. Bakit kailangan mo pa magpa-tutor din kay Karylle?" pagsusungit pa rin ni Anne.

"Ha.. uhmm ah-ehh.. kasi kanina sa isang subject namin may hindi talaga ako nainindihan.. absent kasi ako kahapon at saka nung isang araw uhm at uhmm at ahh... ano... ayun medyo tinulungan ko rin siya magtutor dun sa mga kaklase namin kanina kasi alam ko rin naman yung iba.. hehe ayun.."

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now