Chapter 16: Paranoia

1.6K 49 33
                                    

Anne's POV

"Do you love me?" she asked but instead of answering, I slowly moved my hand downward and squeezed her butt.

"Ihh laki saraaaaap!"

"You're so naughty!" she said laughing while looking at me.

"It's because I love you hihi" I said.

"HUY ANNE!"

I opened my eyes and I found myself lying in her bed and she's hugging me from the back. Everything else was just a dream.

"HUY ANNE! Gising ka pa ba? Ano ba 'yan. Daldal ako nang daldal dito 'di ka na pala nakikinig."

"Uhmm uhh.. sorry, I fell asleep." I said and faced her.

We were just staring at each other and suddenly, I felt something. Something really weird and I just can't find the right words to explain whatever it is I am feeling right now.

"What?" she suddenly asked. I shook my head.

"Uhmm.. goodnight. Goodnight ate K" I said and hugged her again. "Happy Birthday"

Kinabukasan...

"Ah so ano'ng ginawa mo dun sa cake?" tanong ni Vhong

"Of course, I ate her cake. Why would let somebody else to have it? It tastes so good!" sagot naman ni Anne na naging dahilan ng pagtawa ni Vice at Vhong.

"What's so funny?" taas kilay na tanong ni Anne.

"Wala wala Anne, parang iba lang ang dating pag sa'yo nanggaling." natatawang sabi ni Vhong.

Inirapan nalang ni Anne ang dalawa.

"Pero teka." sabi bigla ni Vice na medyo natatawa-tawa pa rin. "Para kanino nga ba 'yung cake?"

Sumama naman bigla ang tingin ni Anne kay Vice. Iniisip pa nga rin niya kasing para kay Vice ang cake na ginawa ni Karylle.

"Bakit mo ba ako kinakausap? Bati na ba tayo??" pagtataray bigla ni Anne kay Vice na pinagtawanan lang naman ng huli.

"Hoy Anning! 'Wag ka ngang paranoid. Jusko! Pake ko dyan kay Karel! Mas maganda ako sa kanya ano. At saka wala naman siya ng hanap ko." deretsahang sabi ni Vice.

Si Anne naman, nagmaang-maangan at kumunot-noo bigla.

"Sige Anne, magmaang-maangan ka pa. Nako kutusan kita dyan e." sambit ni Vice na tila ba gigl na gigil.

Si Karylle naman na kadarating lang sa kung nasaan ang tatlo ay nadatnang akmang sasaktan ni Vice si Anne kaya dali-dali siyang lumapit.

"Vice!" sigaw bigla ni Karylle. "What are you doing to Anne!?"

Ngumiti naman si Anne dahil nga nagaalala si Karylle sa kanya kahit na alam rin naman niyang 'di naman siya sasaktan ni Vice.

"Nagaaway na naman ba kayo!?" tanong ni Karylle habang pasalit-salit na tinitingnan ang dalawa.

"Si Vice kasi ehh" pabebeng sambit ni Anne.

"Si Vice kasi ehh" panggagaya naman ni Vice sa pagdadrama ni Anne. "Nako Anne! Umayos ka nga! Ako pa talaga ha. Hoy, pag nalaman ni Karel 'yan. Tingnan natin kung kampihan ka pa niya." makahulugang sabi ng baklang si Vice.

Napatungo nalang si Anne at wala nang nasabi habang hawak siya ni Karylle. Si Karylle naman ay tila napapaisip sa nais ipahiwatig ni Vice sa kanyang sinabi.

"Ay K." singit bigla ni Vhong. "Belated happy birthday nga pala" nakangiting sabi ni Vhong at inabot sa kanya ang keychain na may nakasulat na 'Karylle'.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now