25. The Kiss (Part 2)📱

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Can we not have this conversation?"

Bigla ko na namang naalala ang libro ni Alma Young.

Inamin niya sa huling bahagi ng ika-sampung kabanata ng bago niyang libro na posibleng nagkamali lang siya ng inisip, na hindi rin naman siya totoong sigurado sa nakita niya. Na baka hindi totoong nakikipaghalikan si Aki sa ibang babae nang gabing 'yon. But that thought crossed her mind after a year when she saw him again. Too late. At doon na natapos ang libro niya. Bitin, 'di ba?

"No, Ken. I should go now. Kailangan ko nang makausap si Aki." Hindi pa ako nakakaupo sa puwestong napili namin.

"But do you believe me now? That Mary and I were not actually kissing that night."

"Hindi ko alam, Ken. Basta ang alam ko lang ngayon, totoo man o hindi ang nakita ko, wala nang mababago. You now have Mary, and please don't break her heart," pabulong kong sabi para hindi marinig ng ibang taong nasa loob ng café.

Binabalak ko nang lumabas ng café nang biglang tumunog ang mobile ko. Bigla akong napangiti. "Sabi ko na nga ba 'di ako matitiis ni Aki," bulong ko habang si Ken ay nakatitig lang sa mga taong dumadaan sa tapat ng café.

Pero nagulat ako nang makita ko ang screen ng mobile ko. "Oh, hello. Magkasama lang tayo kanina. Anong problema, Ara Sue?"

"Wala akong problema, Mica Mae. Pero ikaw mukhang mayro'n."

"Teka anong sinasabi mo? Pinapakaba mo ako."

"Na-confirm ko na. Tayo ngang dalawa ang tinutukoy ni Alma Young sa libro niya. Naaalala ko na. You were so drunk that night. Although 'di ko maaalala kung paano tayo nakauwi noong gabing 'yon, may ilan pa ring mga alaalang malinaw sa akin hanggang ngayon. Mek, you kissed a stranger that night. When I say you kissed him, ikaw talaga mismo ang lumapit dito. You were so wild. Naaalala ko pa nga ang gulat na gulat na mukha ng lalaking hinalikan mo. Turns out, that stranger is nor other than Aki Rushton."

Hindi ako makahinga. "No. Hindi p'wede. At pano mo nalihim sa akin ang bagay na 'yon sa loob ng dalawang taon?"

"Mek, he's still your first kiss. At kung sinabi ko sa 'yo 'yun dati, magiging hysterical ka. I know you. Mahalaga sa 'yo ang first kiss mo kaya natakot ako na 'pag nalaman mo iyon, lalo ka lang ma-depressed. Pero hindi ito ang pinupunto ko ngayon. Ayokong isipin na ikaw ang dahilan kung bakit 'di na nagpakita si Alma Young kay Aki simula ng gabing 'yon. Kung bakit naudlot ang love story nila."

"Gaano ka kasigurado?"

"I know that's us. Sigurado ako. Teka nasa'n ka ba ngayon? Kailangan nating magkita ulit at pag-usapan ito nang personal."

"'Andito ako ngayon sa Kismet Café. Kasama ko si Ken," agad kong sagot.

"What the??? Anong ginagawa nyo d'yan? Mek, ex mo siya. May boyfriend ka. 'Di ka ba nag-iisip? At katabi lang 'yan ng buildings ng FATE. God!"

At bigla na nga akong nagulantang nang makilala ko ang lalaking nakaupo sa dulong bahagi ng café. Ibinaba niya ang hawak niyang libro na siyang nagkubli sa mukha niya.

Gusto nang malaglag ng mobile ko sa sahig. Parang ako, gusto ko na lang ding sumabog at mawasak nang mga oras na iyon. Tumayo si Ken mula sa kanyang pagkakaupo. Ramdam ko ang paghawak niya sa balikat ko. Naririnig ko pa ang boses ni Ara pero mas malakas ang tunog ng kaba sa dibdib ko.

"Tapos na kayo?" seryosong bati ni Aki. Bakas sa boses niya ang bahagyang panginginig. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya at saka ko pa lang napagtanto na ang libro pala niyang binabasa ay ang bagong libro ni Alma Young. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang inis. Ayokong mabasa niya iyon.

"So nabasa mo na pala?" mataray kong tugon. Pero ramdam ko ang pagiging defensive ng tono ko.

"Oo tapos ko na."

"So tama nga ako, naaalala mo nang lahat," hinuha ko. "Kaya naman pala hindi mo sinasagot ang tawag ko. Busy ka pala sa libro NIYA. Choices."

"Parang hindi naman. Para ngang mas BUSY ka."

"Teka dude," sabad ni Ken. "Wala kaming ginagawang..."

"H'wag ka nang sumabad dude," bulyaw ni Aki. Nagulantang ang ibang mga kostumer sa loob ng café. "I know what I saw." Nakakatakot ang mga mata niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang gano'n.

Kinabahan ako. "Ang dumi-dumi ng isip mo." I won't be in that café kung sinagot niya phone niya, 'di ba?

"At least, malinis akong tao." At 'yon, nawasak na ako. Kulang na lang ay sabihin niyang madumi akong tao. Tapos na ba niya ang libro? Alam na ba niya agad na ako ang dahilan kung bakit 'di na muling nagpakita sa kanya si MM o si Alma Young. Ayoko nang makipagtalo pa sa kanya, baka lalo lang maging magulo ang sitwasyon. Ang gusto ko na lang ay matapos na ang sandaling iyon.

Patakbo akong lumabas ng café. Pero hindi niya ako hinabol. Lalo kong binilisan ang pagtakbo. Daig ko pa ang humahabol sa isang snatcher. Kahit si Ken, nawala na lang rin. Wala na talagang nagmamahal sa akin. Naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagtulo ng luha ko habang nakatayo ako sa gitna ng park. Mas bumilis ang paghinga ko. Hindi ko na rin maalala kung nasaan ang phone ko, kung naiwan ko ba 'to sa café o nalalag ko lang ba ito habang tumatakbo palayo sa kanila.

One Day He Wrote My Name (PUBLISHED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ