Sunod naman ang babaeng isang ponytail lang ang buhok with bangs. “Wenalyn Zamora, by the way. 17 years old. Mas gusto kong tawagin mo akong Zamora.”
And lastly, the girl with wavy hair. “I'm Fiona Traquria, 18 years old. Please, call me Ana.”
“We're done with self introduction. Maglinis na tayo,” utos ni Fyn kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa ginagawa nila. I've cleaned a lot of times kaya hindi naman naging mahirap para sa 'kin.
Saktong natapos namin ang paglilinis, nagsidatingan ang mga lalaki naming classmates. At gaya ng nakasanayan ng lahat, nagkanya-kanya na sila sa mga ginagawa nila. Ako naman, naglabas lang ng notebook na dalawang pages lang ang may laman.
Mga details ng Cartelle siblings. I also included their photos. Para akong stalker sa ginagawa ko but I can't let my guards down. Nyx had his hair down, lahat sa likod ang direksyon. He looked decent here and he didn't showed a lot of emotions. Iisipin ng kahit sino na mabait siya at gentleman, cold and mysterious. Brian, on the other hand, the older brother of Nyx, had his hair messy. Isang malaking ngisi din ang naka-display sa mukha niya na animoy may masamang binabalak.
No matter how many times they'll take pictures o kahit ilang taon na ang lumipas, gano'n pa rin ang vibes nilang dalawa. Walang nagbago.
“Fan ka ba ng Cartelle siblings, Era?” Agad kong isinara ang notebook ko nang ramdam ko ang paghinga ni Jayce sa tainga ko. Buti na lang at hindi ko siya naisipang sapakin.
“Hindi, ah! Nakinig lang ako sa warning ni First Placer sa 'kin kahapon.”
Lumayo naman si Jayce saka nilapag ang upuan niya sa harapan ko. Ipinatong niya rin sa mesa ko na nasa pagitan namin ang laptop niya habang nakangiti. “Oo nga naman. Sila ang dapat hindi mo lapitan. Alam mo kung bakit?”
Hindi ako nag-react sa tanong niya. I can't guarantee na hindi ko malalapitan ang dalawang 'yon. May malaking kasalanan sila sa 'kin.
“Siyempre hindi niya alam, Ice. Galing kasi siya sa Stellar NHS, sa probinsya 'yon,” sumali naman sa usapan namin ang isa pang lalaki naming kaklase. “Grayson Echeverria, by the way. Ray ang madalas itawag ng mga kaklase natin sa 'kin.”
Paano naman niya nalaman ang tungkol do'n? Ang nabanggit ko lang naman ay galing ako sa isang public school. Stalker kaya siya?
Nakasuot siya ng itim na jacket na may hood, may headphone din sa leeg na umilaw-umilaw ang gilid. He placed his chair next to Jayce pati laptop niyang may rainbow color ang keyboards.
“Wala ba kayong sarili niyong table?” Nagkatinginan lang ang dalawa saka nagkanya-kanya sa pagta-type ng kung ano.
Umasta ang dalawa na para bang wala ako sa harap nila kaya agad kong isinara ang laptop ni Jayce. “Ano ba?!”
“Okay. Okay. Magpapatuloy ako sa pagpapaliwanag.”
“Hindi 'yon—”
“Alam mo bang parang mga magician ang Cartelle siblings? Nagagawa nilang i-brainwash ang ibang mga estudyante. Kagaya na lang no'ng bestfriend ni Ray na taga-section 1. Pagkatapos makipag-usap sa Cartelle siblings, nag-iba na siya.”
Ray let out a heavy sigh saka tumigil din sa pag-clack ang keyboard niya. He closed his laptop too saka mukhang binagsakan ng universe kung makatingin sa 'kin. “She was kind. But that day, pinahiya niya ako sa buong campus.”
Siguro nasa bloodline na namin ang bagay na 'to but for sure, Nyx and Brian are using their skills to harm others. Hindi 'yon magic. The right word? Blackmail.
Kung wala lang ang dalawang 'yon, malamang, matagal na akong nag-enroll dito. I was even about to reject Sir Abella's offer kahit dream school ko ang Altersky but Lola Magda told me na baka oras na para harapin ko sila and she's right. I couldn't let those two influence my dreams.
KAMU SEDANG MEMBACA
SECTION 5: The Code Violet Class
Fiksi RemajaLybralle Sphere Rondilla, the clever and resourceful Vice President of the Student Council of Stellar NHS, is offered a once-in-a-lifetime chance to be a secret judge in Altersky Private High School's prestigious ranking contest. The task is simple:...
Code Violet V. Disaster
Mulai dari awal
