⚜️
The Founder of Code Violet Class
Drayven Ignia Villamiel
18 years old
⚜️
Sphere
“Ano 'to?!” Paisa-isa kong tiningnan ang mga kaklase ko ngunit lahat sila nakangiti lang sa 'kin. Wala na akong makukuhang sagot sa kanila kaya ibinaba ko ang paningin ko sa isang bundle ng mga bondpapers sa ibabaw ng mesa ko.
Are these people being for real? Maabutan ako ng susunod na buwan sa examinations na 'to.
“Code Violet Class has no room for weakness. Lahat kami may kanya-kanyang specialty and we cover each other's weaknesses. And one requirement of our section is specialty,” paliwanag ni Drayven habang kinuha ang pinakaunang questionnaire at binigay sa 'kin.
Hindi ko pa man nasimulang basahin ay sumasakit na ang ulo ko sa mga nakalagay ro'n. His specialty. Mathematics. Sa dami ba namang numbers, letters, at operation symbols, mas gusto ko pa yatang bumalik na lang sa Stellar High.
I sighed saka itinabi ang papel. Inangat ko ang paningin ko sa kanya. “I don't like math. Wala na ba kayong iba d'yan?”
Kinagat ni Drayven ang ibabang labi, halatang nagpipigil ng galit. Oh, I see. Kaunti lang pala ang pasensya ng lalaking 'to.
After few seconds of silence, ngumiti siya sa 'kin. “It's a shame but it's fine. Hindi lahat ng tao gusto ang math. Who would love solving other's problems? Ganito na lang, since may meeting kami mamaya, sagutan mo ang gusto mong sagutan. Ignore those you don't like. We'll review kung sa'ng aspect ka nag-excel.”
⚜️
Isang oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin ginagalaw ang mga papeles. I've already taken the entrance exam at wala na akong balak na sumagot pa ng kahit anong tanong. Wala ring magagalit sa 'kin dahil lahat sila pumunta sa meeting.
I took a deep sigh bago tumayo. Inayos ko lang din ang mga bondpapers saka tumungo sa pintuan palabas. I moved the sliding door upen saka bumungad sa 'kin ang isang babaeng maikli ang buhok pero wavy, may bangs, at yakap-yakap ang isang libro.
Sa likod niya, may isang babae na may bagsak na straight hair at lalaking naka-undercut. Hindi pamilyar sa 'kin ang dalawa but I know the girl before me. Bago ako pumasok rito, binigyan ako ni Sir Neil ng mga listahan ng sasali sa elimination round. There were 378 of them and this girl is the 23rd.
Her name? Kishia Santa Ana. Grade 12. She joined since first year at naprotektahan niya ang 4th spot ng ranking. Wala siyang eksaktong specialty na nakasulat sa libro but may aspect kung sa'n siya may pinakamataas na grade. Flexible din sa kahit ano'ng subject.
“Nasa'n na ba ang mga estudyante ng Section 5?” tanong niya sa 'kin. Her voice sounds soft but the tone sounds rude.
Para bang lahat ng estudyante ng section na 'to ay design lang para sa ranking system. Kung sa games, pangpa-level up ng player. That's insulting but instead of scolding her, I shook my head. “Umalis sila. May meeting daw kasi sila.”
“Oh? At times like this?! Sinabihan na sila ng head na kailangang handa sila at all times sa kahit sinong challenger. They'll regret this. I'll make sure of that. Kahit kailan talaga, walang kwenta si Drayven.”
YOU ARE READING
SECTION 5: The Code Violet Class
Teen FictionLybralle Sphere Rondilla, the clever and resourceful Vice President of the Student Council of Stellar NHS, is offered a once-in-a-lifetime chance to be a secret judge in Altersky Private High School's prestigious ranking contest. The task is simple:...
