Code Violet IV. First Placer

10 0 0
                                        

Sphere

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang bumungad sa paningin ko ang isang malaking chandelier na nakasabit sa kisame. My head ached a bit kaya napahawak ako ro'n. The last time I remembered, I was at Sir Abella's office upang mag-submit ng mga napili at eliminated na contestants para sa 'kin.

“Have some tea.” Oo nga pala! Pagkatapos kong inuming 'yong tsaa na lasang kahoy ay nawalan ako ng malay. That clever rat! Nagawa niya talaga sa 'kin 'yon?

Umupo agad ako saka naman dumapo ang paningin ko sa isang lalaking nakapatong sa maliit na circular glass table ang paa niyang naka tictac shoe. Halos matakpan din ang mga mata niya dahil sa curtain bangs niya. He greeted me with a cold demeanor habang nakatayo naman sa gilid niya si Sir Abella na hindi makatingin sa 'kin ng deretso.

“Nasa'n ako?”

“In my humble abode,” sagot ng lalaki na akala mo nagbubuga ng niyebe. “You can leave now, Mr. Abella. I'll handle the rest.”

“Yes, young master, Rhy.”

I rolled my eyes. Ang lalaking 'to. May red strand ang buhok. Grey at black ang kulay ng pupils. The best among the best. No. 01 at ang current. . . no, the first placer for 3rd consecutive times. Rhydean Gallarde.

“Don't even think of leaving, Miss Rondilla. This is my territory kaya hindi ka makakaalis,” pagbabanta niya.

“I know. I'm not dumb.”

“So, ikaw pala ang isa sa mga secret judges. Oh? Hindi na pala secret. . . I already know.” Seryoso pa rin ang mukha niya kahit iniinsulto niya ako at 'yon ang nagpakulo ng dugo ko.

Bakit ko nga ba hindi naiisip na i-eliminate siya? Well, I didn't have the reason to do so! Hindi ko siya nahanapan ng dark side. Lahat sa kanya, neutral.

“Just get straight to the point. Ano ba'ng kailangan mo sa 'kin?”

“Section 5. Code Violet Class,” sagot nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Lahat na lang ba sila gustong pabagsakin ang Section 5? Oo nga pala. Jayce told me na pinag-iinitan sila ng mga nasa rankings dahil sa comparison ng public.

“Bakit naman? I'm not interested to work for you kahit pa galit ka sa kanila.”

He sighed. “Hindi ko sinabing galit ako sa kanila.”

“Then, why did you bring me here. . . to your humble abode at binanggit mo ang section 5?”

“I'm the co-founder of the code violet class,” kalmado niyang sagot na akala mo ang gaan-gaan ng mga binanggit niya.

Seryoso ba 'to? Akala ko ba magkagalit ang mga kagaya niya at ang section 5 tapos ngayon malalaman ko lang din na co-founder siya? Wala kasi 'yon sa mga nabasa ko. As if people didn't know na connected siya sa section na 'yon.

“I know it sounds weird but listen, Section 5 is in terrible danger. Hindi mo lang alam pero may dahilan kung bakit nasa end class sila.”

“Bakit sinasabi mo ang lahat ng 'to sa 'kin?”

“Because you're now part of it. Unless, lumipat ka ng section when still got the chance.”

SECTION 5: The Code Violet ClassWhere stories live. Discover now