Code Violet I. Judge

16 3 0
                                        

Lybralle Sphere Rondilla

Isang linggo na rin mula no'ng umalis ako sa Stellar High at lumipat dito sa Altersky Private High, a realm of hungry wolves. Hindi naman sa nanakit sila pero palaging puno ang library ng mga estudyanteng nagre-research. Pati na rin mga computer laboratories, wala na yatang bakante but that's the least of my concern dahil lahat ng kailangan ko provided ng Altersky.

Mahal ang tuition dito kaya once in a lifetime ang chance na makapag-aral ang mga kagaya kong average lang. Luckily, may scholarship programs naman sila at exception lang din ako dahil napili akong maging isang judge.

“Ill be providing everything you need. Gadgets, books, and even pagkain sa school canteen. O kahit pagpapasok sa high school na 'yon. I'll pay for your tuition at ire-recommend kita. Be one of the secret judges for our quarterly rankings. If you do well, bibigyan ka namin ng position sa student council ng Altersky.” Halos lumuhod na 'yong taong nag-offer sa 'kin no'ng araw na 'yon mapapayag lang ako. If I remember correctly Neil Abella yata ang pangalan no'n, class adviser ng section na kinabibilangan ko ngayon.

Ang totoo niyan, maliit lang talaga ang chance na mapili ako bilang judge pero dahil bestfriend ni Mr. Abella ang school ng Stellar High, tumaas 'yong change na 'yon.

Pero I'm not that greedy. Tinanggap ko ang offer, maliban sa position ng student council, at nag-take ako ng scholarship examination dahil hindi naman pwedeng iasa ko lahat kay Sir Abella and, of course, nakapasa ako. My score wasn't that high pero sapat para mapasali ako sa section kung sa'n oblivious ako.

Ang section five na china-challenge ng mga gustong tumaas ang rankings at bumango ang pangalan sa mga judges na napili ng Altersky.

“So, kumusta ang first week mo rito sa Altersky?” Nakangiting tanong ni Sir Abella habang nire-refill ang tea cup ko.

“Hindi ko na nagagawa ang mga bagay na ginagawa ko no'ng nasa Stellar pa ako. I'm a little bored, honestly.” Sumandal ako sa office chair na nasa harapan ng table niya saka pinaikot-ikot ito. Lahat ng teachers dito may kanya-kanyang private space, an individual room specifically as their office, kaya okay lang kung pag-usapan namin ang tungkol sa business namin.

He chuckled nervously kaya tumigil ako upang maayos ko siyang matingnan. The smile on his lips also vanished. Paano ba siya naging teacher sa ganitong school kung gan'yan siya? “May maitutulong ba ako sa 'yo? What do you want me to do para mawala ang boredom mo? Should I introduce you to any school club—”

“No.” Hindi ko na siya pinatapos saka kinuha ang tea cup nang matapos siyang i-refill ito. I sipped a little and placed it back on the small plate. “If you're worried na aatras ako sa pagiging judge, then, rest assured na hindi 'yon mangyayari. Altersky is my dream school so I won't back out.”

Nakahinga naman siya ng maluwag saka umupo sa swivel chair. “Buti naman. Alam mo kasi, pahirapan ang pagkuha ng judge para sa ranking contest rito.”

“And why's that?”

“Students are capable of buying votes and rates. May iba ring gumagamit ng dirty tactics para makuha ang top 1. They're all crazy about it dahil sa fame at reputation. Family pressure na rin siguro ang iba.”

Sa lahat ng nabanggit niya, dirty tactics lang yata ang tila pumukaw sa atensiyon ko. Just how badly does those students wanted the rankings? Kung sa bagay, may makukuha nga silang privilege kung nasa taas sila.

SECTION 5: The Code Violet ClassDonde viven las historias. Descúbrelo ahora