⚜️
Analysis and Situational Master of Code Violet Class
Dray's Right Hand Man
Jayce Fuentebella
17 years old
Section 5
⚜️
Sphere
Maaga akong pumasok ngayon saktong kaunti pa lang ang mga estudyante. Hindi na rin ako pumunta sa office ni Sir Abella dahil nag-decide ako na via chat na lang ako makikipag-usap sa kanya. Mahirap na't baka maulit ang pangyayari kahapon. I've fallen for the trick once and I can't afford to let it happen twice.
Nakakasira ng pangalan.
I moved the sliding door sidewards at bumungad sa 'kin ang apat na babae na parte din ng Section 5, wala pa yata ang mga lalaki. Although may school janitor naman, nagwawalis at nagma-map pa rin sila ng sahig.
“Good morning, Era!” pagbati ng isa na mukhang nahawa na kay Jayce. Ginawan ba naman ako ng nickname na ang layo-layo sa pangalan ko?
“Good morning din.” Pumasok na ako saka isinara ang pinto. “Bakit nga pala kayo naglilinis?”
“To help the staffs. The school is too wide. I know binabayaran sila but we won't die if we help them a little,” paliwanag ng babaeng naka-ponytail pero may bangs.
“Help us, Era.” Bago pa ako makatanggi, ibinato ng babaeng nakalugay ang wavy hair ang isang walis sa 'kin. Luckily, I reacted on time at nasalo ko 'yon. If I didn't, baka natamaan niya ang mukha ko. How reckless?
“Tama, mas marami mas madali natin 'tong matatapos,” napapalakpak naman ang isa na may dalawang ponytails. Mukha tuloy siyang 6th-grader tapos hindi pa siya gano'n katangkad. Mga 4'9 siguro.
I took a sigh saka tumungo sa upuan ko na nasa centermost ng mga upuan sa pinakahuling row. “I'm not cleaning.”
“And why?”
Binalingan ko ng malamig na tingin ang babaeng ponytail times two. “I'm not just doing it.”
“No! Dapat lahat tayo magtulong-tulong. That's the main goal of Code Violet Class. Please cooperate, Lybralle Sphere Rondilla,” sinamaan ako ng tingin ng isang pang babaeng kaklase namin na sobrang curly ng buhok at naka-ponytail. Name drop?!
Nakakatakot din ang titig niya. Pakiramdam ko babalatan niya ako ng buhay kapag hindi ako sumunod sa kanya. Gan'to ba talaga ang mga estudyante sa section na 'to? Kung sa bagay, they're the feared Code Violet Class. Masyado pang maaga para makipag-away ako sa kanila.
I raised both of my arms while nodding. “Okay, fine. But can you introduce yourselves first?”
The curly-beast nodded at siya ang nauna. “I'm Raphynne Alexandria. You can call me Fin. I'm 19 years old, the oldest of this section.”
19? Dapat nasa college na siya ngayon sa mga ganyang edad. Mga first year o second year siguro. Bumagsak kaya siya?
“If you're thinking na dapat college na ako at baka bumagsak ako ng ilang academic years, no. That's not right. Hindi ako agad pumasok ng high school dahil gusto ko ng manahin agad ang kompanya ng parents ko. But they forced me to come here and it took them 2 years to convince me,” paliwanag niya kahit hindi ko naman hiningi.
Mind reader ba siya o halata sa mukha ko na sobra akong nagtataka. Well, age doesn't matter in studies. Hindi naman tatakbo ang eskwelahan. Pero buti na lang na-handle siya ng maayos ng parents niya 'no?
“I'm Ashtrid Viejo, 16 years old. The youngest here. I badly want to graduate early kaya nag-aral ako ng maaga,” pagpapakilala ng babaeng may dalawang ponytail. Smiley siya at mukhang friendly. Polar opposite ni Fyn. “Call me anything you want.”
YOU ARE READING
SECTION 5: The Code Violet Class
Teen FictionLybralle Sphere Rondilla, the clever and resourceful Vice President of the Student Council of Stellar NHS, is offered a once-in-a-lifetime chance to be a secret judge in Altersky Private High School's prestigious ranking contest. The task is simple:...
