⚜️
Current 4th Place Holder,
23rd Contestant of the Altersky's Quarterly Ranking Contest
Kishia Santa Ana
17 years old
Section 1
⚜️
Sphere
Umabot na sa pinakatagong sulok ng campus kung paano ko natusta si Kishia sa challenge na siya mismo ang naghanap. The Rule Freak of Code Violet Class. That's how they labeled me. Ni hindi nila pinansin na isa lang akong bagong salta.
I lazily leaned on my chair dahil pinagbawalan ako ni Drayven na lumabas. Students were waiting for me to come out at gusto yata nila akong interview-hin. Sa totoo lang, sobrang sama nito para sa purpose ko. If they'll find out na isa akong totoong judge sa ranking contest, mas lalong magkakagulo ang buong campus.
“Hi, Era.” Napatingin ako sa kaklase kong nagbigay no'ng notebook kay Drayven kahapon. He wore some glasses and his hair was cut like in korean-way.
“Era?”
He nodded saka binuhat niya ang upuan niya at nilapag 'yon sa harap ng mesa ko. “Yes, you. Sphere doesn't sound girlish kaya naisip kong Era na lang ang itawag sa 'yo.”
Hindi ko alam kung sa'n niya napulot ang nickname na 'yan but that isn't a big deal kaya tumango ako. “Yeah, call me whatever you want basta hindi 'yon curse word at pangit.”
Kuminang naman ang mga mata niya saka inilahad ang palad niya. “I'm Jayce Fuentebella, people call me Ice. 17 din ako gaya mo.”
Hinawakan ko ang kamay niya saka nakipag-shake hands. Siya 'yong nabanggit ng mga babae naming kaklase kahapon, his good at situational contest. . . 'yon ang sabi nila.
“Nice to meet you, Ice.” I moved my hands away after a few handshake at hinayaan naman niya 'yon.
“Kahapon, alam mo bang sobra-sobra akong naging proud sa pinakita mo? You're a newbie pero kabisado mo ang Rules and Regulations ng Altersky. Also, you didn't opposed Kishia. Grabe, idol na kita, Era,” pag-e-exaggerate niya sa nangyari kahapon.
“Santa Ana got some points so I only corrected and added some supports to her statement. Isa pa, may advantage talaga ako dahil ako ang nagha-handle ng peace and order sa dati kong school. Kaunti lang din ang pagkakaiba ng rules niyo rito,” paliwanag ko kahit hindi naman kailangan.
A person who only craved for knowledge without being on the actual situation, as a judge in that context, will never understand how things work. Pero hindi na 'yon mahalaga. Kahapon na kasi 'yon.
Tumango naman siya dahil mukhang na-gets niya na ayaw kong pag-usapan ang tungkol do'n. “Anyways, thank you nga pala for defending our section. Sobra kaming nag-alala.”
Oo nga pala. Kishia also wants to take this section down kaya maswerte sila na nasa mood ako kahapon.
“You're the Code Violet Class. Kinatatakutan kayo pero bakit may mga estudyanteng gusto kayong mawala?” tanong ko.
Nawala ang enthusiasm sa mga mata ni Ice saka sumandal siya sa upuan niya na kahawig ng office chair ni Sir Abella. “Palagi kasing kino-compare ang mga nasa ranking sa 'min. Sinasabi ng iba na nakuha lang nila ang rankings dahil hindi kami sumali sa contest but that's just an exaggeration. We're not strong without each other.”
YOU ARE READING
SECTION 5: The Code Violet Class
Teen FictionLybralle Sphere Rondilla, the clever and resourceful Vice President of the Student Council of Stellar NHS, is offered a once-in-a-lifetime chance to be a secret judge in Altersky Private High School's prestigious ranking contest. The task is simple:...
