Code Violet IV. First Placer

Start from the beginning
                                        

“We're not close pero, tingin ko, pwede ko siyang hingian ng tulong.”

Rua laughed. “I believe him but you? I've heard a lot of comments about you sa Stellar NHS. You expelled a lot of students. Isa kang malaking sagabal sa kasabihang “kabataan ag pag-asa ng bayan”. You've done a lot of dirty works.”

“Excuse me?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Warnings lang lahat ng binigay ko sa kanila. They just got scared and admitted their sins themselves. Eventually, they got what they deserved.”

“You sure?”

“Of course! Kung nandito ka lang para guluhin ako, lumabas ka sa silid ko.”

At dahil matigas ang ulo ni Rua, hindi siya nag-abalang tumayo man lang. “Look, Libra. Those students were expelled like you wanted. . . like you planned. Sa tindi ng kagustuhan mong magpatupad ng peace and order, you became a monster yourself. You noticed but you don't accept it.”

Para akong sundalong balot ng armor pero sa kung ano'ng paraan, nagawa pa ring tumagos ng espada sa dibdib ko. Alam ko naman 'yon. I manipulated everything with my power, as the Vice President, to keep peace and order. Ginusto kong mawala ang mga sagabal and I used schemes.

“I'm not saying na dapat tumigil ka. It's your weapon kaya dapat kang magpatuloy sa Altersky. Malay natin, ikaw ang maging dahilan para magkabati ang Cartelle siblings at ang section 5 dahil sa 'yo. I'm just here to remind you na lahat ng 'yan gamitin mo sa nakabubuti.”

“Alam ko 'yon.”

He nodded saka pa siya tumayo pero hindi siya nakontento na i-lecture lang ako. Lumapit siya sa 'kin saka ginulo ang buhok ko bago dumistansya sa 'kin.

“And by the way, this is the chance for us to become a family, again. Our parents really hoped.” Lumabas na rin siya kaya namayani na uli ang katahimikan sa paligid.

I clenched my fist habang dinarama ang kapayapaan sa paligid ko. They're hoping? Well, I don't. Isa lang ang kinikilala kong pamilya at 'yon ay si Lola Magdalyn, our grandmother.

Becoming a family, huh? Not a chance. Masaya na ako sa buhay ko. Walang nakakaalam na isa akong Cartelle and it's just part of the past. After that incident, mas pipiliin ko pang maging isang simpleng tao kaysa maging isa sa kanila.


⚜️
Altersky PHS Student Council President
Rua Cartelle
18 Years Old
Section 1

First Placer
No. 1:
Rhydean Gallarde
19 years old
Section 1
⚜️

⚜️⚜️⚜️

The Trio Friendship Discovery
A Week Ago
Sphere's 1st Day of School
(A Short Snippet)

No. 304: Kenton Vargas.
No. 211: James Carlos Javier.
No. 79: Micco Lee.
No. 15: Maica Rose Lee.

Kalalabas ko lang ko sa Section 5 dahil wala naman akong gagawin ro'n. My classmates don't even care kahit labas-pasok ako at baguhan lang ako. Well, that's better nang hindi maabala ng kahit sino ang pagiging judge ko.

As a secret judge, dinala ako ng mga paa ko sa harap ng isang napakalaking library na siyam yata na classrooms ng public school ang kasya. Pumasok ako saka binigay sa librarian ang ID ko nang mai-record niya ang pagpasok ko. As expected of a library in an expensive High School, napakaraming libro ang nandito. Kahit mga limited edition books o mga matatandang copies.

At hindi lang 'yon, lahat ng naririto, as in halos lahat ay nasa listahan ng mga contestants. I can observe them better this way at malalaman ko kung sino ang dapat kong i-eliminate na kulang ang details sa list na natanggap ko. My time will not be wasted.

Habang palihim na nakamasid sa paligid at nagkukunwaring naghahanap ng libro sa mga shelf, napunta ako sa isang sulok na madalang lang ang mga estudyante. But I didn't expected what I will witness. Two of the contestants were intensely kissing habang nakapikit ang mga mata nila. No. 304, Kenton Vargas at No. 15, Maica Rose Lee.

Agad akong nagtago sa isang shelf nang humiwalay sila sa isa't-isa. Uminit din agad ang mukha ko kahit hindi naman ako 'yong nando'n. They should've atleast searched for somewhere more private.

“Hindi ba 'to malalaman ni Carlos? I don't want you to have a fight with him. Magkaibigan kayo,” parang natutunaw ang babae habang nagtatanong no'n. Her voice sounded soft and seductive.

The guy laughed. “It's okay, Maica. Kaya nga dapat sabihin na natin sa kanya sa mas lalong madaling panahon nang maghiwalay na kayo. For sure, he'll understand.”

“You're right. Bukang bibig niya kasi lagi si Kishia. I got irritated but you, you're only looking at me.”

Bago pa man ako maka-witness ng kung ano pa ay nilisan ko na ang bahaging 'yon ng mas malala pa ro'n. My innocence! My beloved innoncence!

Pero teka, may boyfriend 'yong Maica Rose Lee na Carlos ang pangalan na bestfriend ng affair niya na si Kenton Vargas. There's only one Carlos na kasama ni Kenton sa mga pictures niya sa social media at sa details niya sa list of contestants. No. 211, James Carlos Javier. And that Maica is Micco Lee, No. 79's sister.

Oh my gosh! Sasabog ang utak ko sa impormasyon na 'to. I can't believe I just found out someone's cheating issue at love triangle!

SECTION 5: The Code Violet ClassWhere stories live. Discover now