Code Violet IV. First Placer

Bắt đầu từ đầu
                                        

“Era naman! Nanghingi na nga ako ng tawad sa 'yo. You're ruining the mood!”

⚜️

My whole day fed me lots of information. Tungkol sa ibang contestants, sa first placer na akala ko kalaban ng Section 5. . .na 'yon pala co-founder code violet class, at ang division ng campus. At kailangan ko pang ihanda ang sarili ko dahil baka ako ang susunod na target ng Cartelle siblings.

Sobra-sobra para lang sa loob ng isang araw. Kung sakaling magba-backout ako, papayag kaya si Sir Abella? He can hire another person for the job naman.

Tinakpan ko ang sarili kong mukha ng isang malaking unan. Parang gusto ko na lang maging punong-kahoy ngayon. Wala pa ako poproblemahin kahit buong buhay ko nakatayo, nasisinagan ng araw at nababasa ng ulan. “I can't do this anymore!”

“Sumusuko ka na, Libra?” rinig kong tanong ng isang lalaking boses at ramdam kong gumalaw ang hinihigaan ko.

Sa lahat ng oras, ngayon niya pa talaga naisip na guluhin ako?

“I don't like it anymore. I want to escape while I still can. Alam mo 'yon? Iiwas na lang ako bago pa man magsimula ang gulo?”

He chuckled saka pwersahang inalis ang unan na nakatakip sa mukha ko kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. Nakangiti lang siya at mukhang hindi man lang naapektuhan sa death glare ko.

Kainis talaga! Dumagdag pa siya.

Umupo ako sa kama saka inagaw sa kanya ang unan at niyakap ko 'yon. “Pakiramdam ko kasi mas gusto ko sa Stellar National High School. Lahat do'n nagagawa ko.”

“Why don't you trap the Cartelle siblings? I mean, mag-ipon ka ng panlaban sa kanila just in case they'll mess with you.” A smirk formed in his lips kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

After all those years na magkalayo kami, he still knows me a lot. Alam niya kung paano ako mag-survive.

Rua Cartelle. Altersky's Office of Student Leader's President. He's my brother. . . biological brother. Pinsan namin ang Cartelle siblings na kalaban ng section 5—based on Rhydean's story. Pero hindi kami close.

I cut off my ties with them after an incident but they offered me na dito na rin titira habang sa Altersky ako pumapasok. I was with my grandmother no'ng nasa Stellar pa ako pero dahil malayo at wala naman akong gano'n kalaking pera para tumira mag-isa sa isang boarding house, I accepted it.


Pero hindi ibig sabihin no'n, makikisiksikan ako sa pamilyang 'to.

“I know their weaknesses. Gusto mo tulungan kita?”

I shook my head dahil ayaw kong magkautang na loob sa kaniya. He's cunning and he must be up to something as well. . . we're siblings after all. Hindi man halata pero tingin ko, nasa panig siya ng mga pinsan namin. “Hindi na. May mga tao naman akong malalapitan. I can call anyone from my section at kahit ang first placer pwede ko ring kausapin kung sakali.”

“Close kayo ni Rhy?” tanong niya at base sa tono ng pananalita niya, sa isang nakataas niya ring kilay, sinasabi niyang bad influence si Rhydean.

I shook my head dahil sa totoo lang, baliw din ang lalaking 'yon. Sa halip na imbitahin ako ng maayos, inutusan pa talaga niya si Sir Abella na patulugin ako tas dalhin sa kanya.

SECTION 5: The Code Violet ClassNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ