Code Violet IV. First Placer

Start from the beginning
                                        

I know a lot of things pero may mga bagay pa rin na hindi kasali sa mga nalalaman ko. “Then, why are they in danger? . . or should I say, we?”

“This school has split into halves. Ang isa'y sa pamumuno ni Drayven, ang buong section 5, while the other is under the government of the Cartelle siblings.”

Cartelle? Hindi ko makakalimutan ang apilyedong 'yan kailanman.

“No. 150, Yrbrian Cartelle at No. 02, Nyxiville Cartelle?” Mga estudyanteng mahirap bigkasin ang mga pangalan sa anumang dahilan na naisip ng parents nila. Yrbrian is currently 3rd sa rankings while Nyxiville ranked 2nd.

Tumango naman siya. “Those two were once part of Section 5 pero naisip nila na mas magaling sila. Code Violet despised the ranking system the most making them the best class for challengers to gain popularity kaya umalis sila, lumipat ng ibang section at sumali sa ranking contest. Kishia Santa Ana, Dray's ex-girlfriend, siya ang ginamit ng dalawa para muntikan ng mapasara ang section 5.”

Hindi pala gano'n ka-simple ang sitwasyon na napasok ko sa campus na 'to. If I did some research from the very beginning, then, hindi ko na kailangang maipit sa sitwasyong 'to. But it's too late for ifs.

“The Cartelle sibling's influence is wider than the code violet but I'm more powerful kaya naisalba ko ang section 5 but that doesn't mean I can protect everyone in it. I am telling you all of this para maging handa ka sa mga susunod na araw. Transferring to other section is no longer an option dahil sa ginawa mo kay Kishia. You have to fight, head on.”

Now I get it why Drayven wanted to escort me at ayaw niya akong palabasin ng classroom namin. I must be grateful to him dahil sa pagpo-protekta niya sa 'kin. And to this guy dahil naging malinaw na lahat kung bakit tinawag silang Code Violet.

“Rhydean!” Sabay naman kaming napalingon ni Rhy sa malaking entrance nitong silid at naro'n si Drayven, Jayce, at tatlo pang mga lalaki ng Section 5.

“Oh? Nandito na pala ang sundo mo. Sorry for taking a lot of your time,” bulong ni Rhydean saka siya tumayo. “Hi, Dray!”

“Ano'ng naisip mo't ginawa mo 'to? This is kidnapping!” Umalingawngaw sa buong silid ang malakas na sigaw ni Dray kaya tinakpan ko ang tainga ko.

“I know, bro. Just testing kung magagawa niyo siyang iligtas,” natatawang sagot ni Rhy at naglaho na ang mala-niyebe niyang ugali.

Tumakbo naman si Jayce sa 'kin saka parang x-ray kung maka-scan.  “Ayos ka lang ba, Era? Did he do something to you?”

“Jayce, hindi ako gano'ng klaseng lalaki,” depensa ni Rhy. “But I told her everything I know. Sinabi ko naman sa inyo kahapon na kung hindi niyo gagawin, ako ang gagawa.”

Nag-iba naman agad ang ihip ng hangin. Umatras din si Jayce habang nakayuko. “Sorry, Era. Ayaw lang kasi ni Founder na madamay ka sa gulong nasimulan niya kaya sinabihan niya kaming itago 'yon sa 'yo.”

Tumayo ako saka inayos ang kuwelyo ng uniform ko. Nilapitan ko siya saka ginulo ang buhok niya. I also laughed dahil para siyang batang nakabasag ng pinggan habang naghuhugas.

“Stop acting like that, Ice. Naaalala ko sa 'yo 'yong aso namin na pinaglaruan 'yong tsinelas ko.” Agad niyang inalis ang kamay ko saka nag-pout siya at sinamaan ako ng tingin. Tumawa naman ang ibang mga kasama namin kahit si Rhy maliban kay Dray.

SECTION 5: The Code Violet ClassWhere stories live. Discover now