Code Violet III. Section 5

Start from the beginning
                                        

“Sa'n ka nga pala pupunta?”

Inangat ko ang paningin ko sa mukha ni Dray. Nakatingin lang din siya sa 'kin, naghihintay ng sagot ko.

Ano na ang gagawin ko ngayon? I can't tell him na kailangan kong mag-submit ng scores ko sa mga contestants. Maling-mali na pumayag akong isama siya.

“Ihatid mo na lang ako sa office ni Sir Abella.”

He didn't asked further questions at tumango lang. Nauna siyang maglakad at para siyang prinsipe dahil lahat ng estudyante sa paligid ay binigyan kami ng daan.

Nakakapagtaka. He wasn't saying anything to them pero bakas ang takot sa mga mata nila. For a section known for their unmatched wits, those fearful gazes doesn't match with section 5's description. Ano pa kayang mayroon ang section na kinabibilangan ko?

Are they just scary because of their knowledge o may bagay na itinatago sa 'kin si Sir Abella?

Nakarating na kami sa tahimik na bahagi ng building. Walang nga estudyante dahil may mga CCTV sa paligid. Wait. . . Walang CCTV sa hallway at classroom ng Section 5. Hindi naman sila outcast na ini-ignore ng campus.

Bakit ba walang sense lahat ng naiisip ko?

“Wala ng mga estudyante rito, Dray. You can leave me here at bumalik ka na sa classroom.” Tumigil naman siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako. Hinarap na ako ng may ngiti sa labi.

“You're really stubborn, aren't you? Malay mo may naghihintay pala ng pagkakataon para i-revenge si Kishia.”

“Bakit ba gan'yan katindi ang influence ni Santa Ana?”

“Hindi mo alam?” Ibang boses ang sumagot sa tanong ko. If that person's goal is to get Dray's attention, then, I should congratulate him.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at may tatlong lalaki ang nakatayo sa hallway. Lahat sila kasali sa ranking contest. No. 304, Kenton Vargas. No. 211, James Carlos Javier. No. 79, Micco Lee kapatid ng No. 15, Maica Rose Lee. Aba, bakit gustong-gusto nilang gawing target ang isang judge?

Kung sa bagay, wala naman silang alam.

“Para sa mga 'yan, Kishia's a princess. A star. She's every man's dream,” bulong ni Dray kaya napatawa ako ng bahagya.

Every man's dream? Mas bagay yata sa ma-attitude na babaeng 'yon na maging clown. Honestly, maganda naman talaga si Santa Ana, ang kaso lang, magaspang ang ugali but she, undeniably, does sympathize. No wonder nakuha niya ang mga title na 'yan.

“Dray, ibigay mo na sa 'min ang babaeng 'yan. We don't want to mess with Code Violet Class.”

Napaatras naman ako nang hinila ako ni Dray papalapit sa kanya. “Get lost. Hindi ko 'to ibibigay sa inyo. And to correct your phrase, messing with her means messing with Code Violet.”

Tumawa naman ang tatlong halatang mga basag ulo. They may passed the requirements para maging contestants pero dito pa lang, eliminated na sila. Base sa mga research ko, kasali ang tatlong to sa one hundred fifty na eliminated sa listahan ko.

“Dray, maybe, letting her go is the best option for you.”

“Tama. Baka, magbago ang isip ni Kishia at makikipagbalikan siya sa 'yo.”

“Think about it carefully, Dray—”

“Shut it! Babalik siya sa 'kin hindi dahil sa mga pinagsasabi niyo. She'll realize how much she needs me,” sagot ni Dray dahilan upang magsitayuan ang balhibo ko sa katawan.

Para akong manok na magdamag na naligo sa ulan. I already had the feeling na may history si Kishia at Dray pero hindi ko alam na isang malaking red flag pala ang founder ng Section 5. Manipulative.

Inalis ko ang kamay ni Dray sa balikat ko saka dumistansya sa kanya. Baka mahawa pa ako. “Kailangan ko ng umalis. May mahalaga pa akong gagawin.”

“Stop acting mighty, newbie!”

“Kapag umalis ka, sisiguraduhin naming hindi ka na makakauwi sa inyo.”

“Enough or else, you'll experience code violet,” pagbabanta ni Dray sa kanila.

Hindi na maganda ang sitwasyon na 'to. Isa pa, tumatakbo ang oras at kailangan ko na ring mag-submit. I guess, I have no other choice.

“Kenton Vargas, I'm telling you na pagsabihan mo 'yang mga kasama mo kung ayaw mong sabihin ko sa kanila na dini-date mo ang kapatid ni Micco Lee na girlfriend ni James Carlos Javier. Ano ulit ang pangalan no'n? Maica Rose Lee?”

“Ano? Totoo ba 'yang sinabi niya Kenton?”

“Wala ka bang alam sa bro code?”

“No! Ang babaeng 'yan. She's all making it up,” pagtatanggol ni Kenton sa sarili niya pero bakas ang takot at guilt sa mga mata niya.

“What are you saying?” bulong ni Dray so I shrugged my shoulders habang nakangiti sa tatlo.

Hindi ako magsasawang paulit-ulit na sabihin 'to. Hindi porket matalino ang isang tao, hindi na pwedeng maging tanga. Love and admiration has always been every man's weakness.

My research also paid off na pati personal issues nila nahalungkat ko. The reason why I eliminated them out of my list. Hindi sila honest sa mga kaibigan nila at nagsasak-sakan sila patalikod.

“How did you know our names? At ano'ng patunay mo?” tanong ni James na halos lumabas na ang ugat sa leeg dahil sa galit.

I smiled more. “Try mong tingnan cellphone ng kaibigan mo or you can ask your girlfriend directly. By the way. . . I'm the least of your concern. Unahin niyo na muna ang friendship niyo. And don't be violent, okay? May CCTV rito.”

Matalim akong tinitigan ni Kenton habang sinisigawan siya ng dalawa niyang kasama. I waved at him saka tinalikuran sila. “Problem solved.”

I can't believe na walang magse-sermon sa 'kin kahit gawin ko 'yon dito. That made my day interesting at nawala lahat ng boredom ko.

“What did you just do and how did you know all of that? Stalker ka ba? Psycho?” di makapaniwalang tanong ni Dray habang naglalakad kasunod ko.

“May kailangan pa akong gawin kaya ginamit ko lang ang pinakamadaling paraan. For your second question, it's just a coincidence na nalaman ko 'yon. In my defense, I'm not a stalker nor a psycho. I'm a person who keeps peace and order,” sagot ko.

“Coincidence? You know the school rules, brave enough to face Kishia, and you even know their secrets. Tingin mo maniniwala ako sa 'yo?”

Tumigil ako sa paglalakad nang nasa harap na kami ng silid ni Sir Abella. Before opening the door, humarap ako kay Dray. “Yes. Coincidence lahat ng 'yon. I didn't mean to know all of that. If hindi ka maniniwala, it's up to you. But don't worry, I'm not planning to know your relationship with Santa Ana, the woman of your dreams. I'll excuse myself now. Thanks sa pag-escort sa 'kin.”

Binuksan ko na ang pinto at bago pa sya makapasok, I closed it. That's a lot of information for today pero hindi pa sapat para makilala ko ang buong Section 5.

Hindi ko nasabi pero specialty ko? I'm good at making research. At sisiguraduhin kong malalaman ko kung ano talaga ang ibig sabihin ng Code Violet.

“Oh, nandito ka ba para mag-submit, Sphere?”

SECTION 5: The Code Violet ClassWhere stories live. Discover now