Code Violet III. Section 5

Start from the beginning
                                        

I gave him a nod. Kahapon kasi, kulang na lang magpapalipad ng confetti si Sir Abella no'ng sinabi niya kung gaano kabagsik ang section na 'to. Students who don't abide by the rules.

“Lahat kami, may kanya-kanyang specialty gaya no'ng sinabi ni Dray. . . but we can't fight on our own. No'ng gumawa ng proposal si Dray, sobrang saya namin. We can focus on where we are good at.”

⚜️

Gaya nitong nga nakaraan, walang teachers na pumasok para mag-lecture hanggang sa nag-ring na ang bell. Nagkanya-kanya lang kasi ang buong Section 5 sa pag-aaral dahil iba't-ibang fields ang focus nila. Samantalang ako, nakaupo lang at walang ginagawa. Inaatake na naman ng boredom.

Buti na lang at may pagkakaabalahan ako ngayon. Kailangan ko kasing mag-submit kung sino-sino ang dapat ma-eliminate sa 378 na contestants, sa point of view ko. Hindi ko alam kung sino ang ipapasa ng ibang mga secret judges.

Wala naman akong dalang kahit ano kaya tumayo na ako saka tumungo sa sliding door. Before I could move it sidewards, open, humarang naman si Drayven.

“May marami pang estudyante sa labas. What do you need, uutusan ko na lang si Jayce?”

“Huwag mo na siyang abalahin. Busy siya sa pag-a-analyze ng records ng family business nila.”

Hahawakan ko na sana ang pinto nang hinawakan naman ni Dray ang kamay ko. “Don't be stubborn. Hindi mo ba alam na hati ang opinyon ng mga nasa labas sa 'yo? Kishia's fans surely hate you.”

“Alam ko 'yon but I'm the rule freak sabi nga nila. Violence isn't an option,” sagot ko.

“Fine, sasamahan na lang kita. You'll be fine with an escort.”

Umiling-iling naman ako saka inalis ang kamay niya sa kamay ko. “Hindi na kailangan. What if may challenger na dumating?”

“No one will come pagkatapos mong durogin si Kishia na fourth placer. Also, I will only allow you to leave kung magpapasama ka sa 'kin.”

Ang tigas din ng ulo ng 'sang 'to. But may point siya. Kahit gaano kagaling ako sa pagti-take advantage ng kahinaan ng iba, if Kishia's fans will decide to crash me, I'll be outnumbered.

“Pumayag ka na kasi, Sphere!”

“Oo nga. Minsan lang 'yan mag-o-offer si Dray.”

“Mas safe ka kung kasama mo si Founder.”

“Oo na!” sigaw ko nang tumigil na ang mga kaklase namin sa pag-iingay. Kaka-decide ko lang na papayag na ako.

“'yan! Good girl pala 'tong si Sphere, eh.”

“Era ang itawag natin sa kanya.” Bumuntung hininga na lang ako saka hinayaan si Dray na buksan para sa 'kin ang sliding door.

Nauna siyang lumabas kaya nagsi-atrasan naman lahat ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay. Despite being known for academic freaks, may mga estudyante pa rin na chismis lang ang alam at field. Specialty nilang mangalap ng mga balitang pwede nilang pag-piyestahan.

Sumunod ako kay Dray habang umiiwas ng tingin sa mga nasa paligid. Rinig na rinig ko rin ang mga pag-uusap nila. Some praised what I did but some cursed me. Mga die hard fan siguro 'yon ni Kishia.

SECTION 5: The Code Violet ClassWhere stories live. Discover now