Code Violet II. Challenger

Start from the beginning
                                        

This is her weakness. Masyado siyang umaasa sa kinatatayuan niya ngayon. Thinking that she can cover all her dirty works just with her nerdy appearance. Let's say matalino siya but it doesn't mean na hindi pwedeng maging tanga ang matalino.

I took a deep sigh saka nginitian siya. “I'm a transferee student at nabibilang ako sa section na 'to. They way you say it, parang gusto mo na yata kaming ipasara.”

I can draw confusion from the eyes of her body guards. “If you're a student in this class, then, that means ikaw ang available na hamunin ni Kishia.”

“Oo nga naman,” pagsang-ayon ng lalaki habang patango-tango.

Ngumisi si Kishia at binigyan ako ng mapanlait niyang mga titig. Siguro ang fragile kong tingnan ngayon. “Then, prepare yourself. I, Kishia Santa Ana, will challenge you. . .”

“Sphere.” Pagpapakilala ko but she just rolled her eyes. Ang taas din ng kompyansa niyang matatalo niya ako without knowing her ranking may fell once sa kanya ko ibigay ang pinakamaliit na rating. Challenging a judge is a pretty bad strategy.

“Whoever you are. Wala ako paki. I'll give you 30 min—”

“We'll do it now. Ikaw ang magsi-set ng kung ano'ng gusto mong paglabanan natin,” panghahamon ko kaya agad na napalitan ng matalim na titig ang mapaglait niyang tingin. Emotions aren't your friend in times like this.

“Oh my gosh, sino ang babaeng 'yan at siya ang hinahamon ni Kishia?”

“Mukhang bagong estudyante lang siya rito, ah.”

“What's going on here?” Ipinikit ko sandali ang mata ko nang lumapit sa 'min ang buong section 5. Naririnig ko rin kasi ang mga chismis ng mga manonood sa paligid. “Kishia, ako ang gusto mong makalaban hindi ba? Then—”

Hinila ko ang braso ni Drayven kaya tumigil siya at may pag-aalalang nakatingin sa 'kin. Of course, hindi kakayanin ng founder kung madudungisan ang pangalan ng inaalagaan niyang section. But she challenged me herself. Mas nakakahiya kung tatanggi ako.

“I already accepted her challenge. Wala ng bawian. I'm just waiting kung kailan niya sasabihin sa 'kin kung ano ang gusto niyang maging topic.”

“She's right, Dray. Huwag kang makialam.”

Ginulo ni Drayven ang sarili niyang buhok at bumuntong hininga. “Fine. Let's do it inside our room.”

Hindi na umangal pa ang iba naming kaklase nang pumayag na rin ang founder. Nauna akong pumasok at sumunod naman sila. Ang ibang mga estudyante ay nasa labas lang, hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

Nang naayos na ang space na paglalabanan namin, umupo ako sa upuan na nasa harap ni Kishia at nginitian siya kahit parang gusto na nila akong tadtarin ng buhay.

“I want situational,” matapang niya sabi habang sinusubukang i-intimidate ako ng tingin niya.

Tumango lang ako saka tiningnan si Drayven na siyang magiging mediator. Sinenyasan naman niya ang isa sa 'ming kaklase at lumapit ito sa kanyang may dalang notebook.

Ramdam ko ang tensyon sa paligid. They must be expecting na babagsak ako dahil nanggaling ako sa isang public high school. I really love it when people try to underestimate me.

SECTION 5: The Code Violet ClassWhere stories live. Discover now