“Malalaman mo rin kung hindi ka magba-back out. Palagi ka kasing nasa labg. Try mong mag-stay ng kahit isa buong araw sa classroom niyo. You'll know what I mean,” sagot niya na halatang pinagmamalaki niya talaga ang section five.
Maybe I should give a try knowing my classmates. No'ng nalaman ko kasing walang papasok na teacher dahil may sariling mundo ang klase namin, lumabas lang ako't nag-observe. Ni hindi nga ako nakapag-introduce ng sarili ko sa kanila.
“Bakit nga po pala hindi isa sa kanila ang kinuha mo bilang judge? I'm not saying that I don't like the position. I'm, honestly, grateful and honored. I'm just curious.”
He nodded at nagbago na naman ang facial expression niya. Not a smirk. Not a fearful smile. Nor the serious one. Parang mas dismayado nga siya, e. “I tried. I mean, we tried. Unfortunately, walang nakapasa sa kanila. Lahat ng sumali nagsi-atrasan at dinurog nila. Ang ending? Walang ranking results sa quarter na 'yon.”
“Tama ngang nasa end class sila. Mga sakit ng ulo rin pala sila.”
“Tama ka diyan.” Tumingin siya saglit sa relo niya saka ibinalik niya ang paningin niya sa 'kin. “Break is almost over. Bumalik ka na sa classroom. Try to make friends there, too, Sphere. Section five is the kindest so try.”
I nodded saka tumayo na. “Thank you po sa pagsagot ng mga tanong ko. I'll make sure na magagawa ko ng maayos ang trabaho ko bilang judge.”
⚜️
Bago pa man mag-ring ang bell ay saktong nakapasok na ako sa classroom namin. I've been here for a week pero parang strangers pa rin silang lahat sa 'kin. Lahat abala sa kanya-kanya nilang ginagawa. May isang mukhang gumagawa ng music, may nagsusulat. . . kaya wala akong time para magpakilala sa kanila, e!
Wala pa ngang isang oras ay ramdam ko na ang spirit of boredom. I have nothing do here as well. Kung hobby ang pag-uusapan, planning schemes is what I love. Pero hindi ko 'yon magagamit sa section na 'to.
“I thought naligaw ka lang pero mukhang hindi.” Lumingon ako sa lalaking nasa gilid ko ang upuan. He wore a warm smile on his lips while exchanging gazed with me.
Hindi fake ang dating ng ngiti niya. It looked genuine proving the last lines Sir Abella told me. “I've been observing you this whole time. From the first day you came pero mukhang na-out of place ka.”
Ngumiti naman ako saka umiling-iling. “Hindi naman gano'n. Medyo busy lang din kasi ako.”
That was true na na-out of place nga ako pero hindi naman nila kasalanan 'yon. Stranger lang ako and the type that shouldn't be trusted.
He nodded at saka sinulyapan ang iba naming kaklase. I did the same only to find out na nasa 'kin na pala ang spotlight ngayon.
“Sorry for not entertaining you. We're busy kasi for the upcoming ranking contests. A lot of students will challenge us dahil kakasimula pa lang ng elimination round. But, if you may, shall we start from the beginning?” he continued kaya napatigil ako ng bahagya.
Section five is the kindest so try. I gave up the thought of leaving the classroom this early again. Wala naman sigurong mawawala sa 'kin kung makikipagkaibigan din ako rito.
I gave him a nod kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya. “So, miss. Why not introduce yourself first? Tell us what your hobbies, talents, likes, hates are. . . and why are you here in our section. Hindi kasi kami na-inform na may bago kaming kaklase.”
I gathered all the courage I had at nilibot ng tingin ang buong klase. There were 20 of us. 15 are boys and the rest are girls. Kaunti lang kaya dapat, hindi ako kabahan. Iba kasi 'to sa public school na pinapasukan ko dati.
“Hello, sa inyong lahat.” I bowed a bit saka nagpatuloy. “I'm Lybralle Sphere Rondilla. Everyone loves calling me Sphere. I'm 17. Transferee nga pala ako from public school. I don't know if I have a talent but there is something I love to do. Sa former school ko, mahilig akong mag-kick out ng mga pasaway na estudyante. I was a student council vice president back then, kaya abala ako sa pagpapatupad ng peace and order dahil busy sa mga paper works ang president namin.
“At tungkol naman sa dahilan ko kung bakit ako nandito, ever since, dream school ko na talaga ang Altersky. Lahat ng comments ng mga alumni ay positive kaya sigurado akong maganda ang learning environment dito. When I got the chance, nag-take ako ng scholarship examination and I passed. Base siguro sa face to face interview kaya napunta ako sa section na 'to.”
I kept displaying a smile on my lips. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na isa ako sa mga napili bilang judges. The reason why I didn't accepted all the offers is kailangang isipin ng lahat na pinaghirapan ko ang pagpasok dito which became true.
“Nice to meet you, Sphere!”
“Welcome to Section V!”
“Let's get along. . .”
Nagaw naman ng lalaking nagbabasa lang ng libro ang paningin ko nang isinara niya ang binabasa niya. Wala ring ni isa sa kanila ang nagtangka pang i-welcome ako. Not that they were intimidated. Instead, parang respect.
Naka-chin up siya kaya highlight ang matangos niyang ilong pero halos matakpan na ng magulo niyang buhok ang mga mata niya. Tumayo naman siya saka inayos ang kanyang coat.
Airconditioned naman ang silid kaya hindi siya naiinitan pero bakit parang ang bigat ng tingin niya sa 'kin? Kung games 'to, siya na siguro ang final boss. At kung teleserye man 'to, siya na 'yong gang lider.
He cleared his throat. “You're in the right section. Dahil bago ka pa lang at gaya ng sabi mo, hindi mo alam kung may talent ka o wala, let me offer you a help. You'll be taking an exam na kami mismo ang gumawa para malaman kung ano ang magiging specialty mo sa section na 'to.”
I waited for him to continue what he was saying pero ginulo niya lang ang kanyang buhok saka tumawa mag-isa na parang baliw. Mukhang may nasiraan na dahil sa sobrang katalinuhan sa section na 'to.
“How rude of me,” bulong niya sa sarili niya na rinig na rinig naman ng buong klase bago niya ibinalik ang atensyon sa 'kin. “I'm the founder of this section. I'm Drayven Ignia Villamiel. My specialty? Arts and Mathematics. Let me formally welcome you to the Code Violet Class.”
YOU ARE READING
SECTION 5: The Code Violet Class
Teen FictionLybralle Sphere Rondilla, the clever and resourceful Vice President of the Student Council of Stellar NHS, is offered a once-in-a-lifetime chance to be a secret judge in Altersky Private High School's prestigious ranking contest. The task is simple:...
Code Violet I. Judge
Start from the beginning
