Code Violet I. Judge

Start from the beginning
                                        

“If you want, kahit isa kang judge you can apply as a player at kung qualified ka, pwede kang sumali.”

I shook my head. “Hindi ako interested. What I'm interested in is your class advisory. Bakit gano'n ang section five? Mostly sa gano'ng section, kilala bilang end class o mga pasaway at bullies but they didn't care when I first arrived here.”

Nabuhayan naman ang mga mata ni Sir Abella ng natanong ko 'yon. Ipinatong niya ang mga siko niya sa lamesa saka in-intertwin ang mga daliri. His fearful gaze turned into an intimidating one. Gano'n siguro siya ka-proud sa mga estudyante niya.

“Section five is more known as the Code Violet Class,” panimula niya pero napataas naman ang kilay ko.

“Hospital ba 'yan?” Sa ospital lang kasi ako nakakarinig ng may mga codes. Code blue, halimbawa.

“No. It's basically a threat and warning. Dati, may mga estudyante na kasing galing ng mga elites na nasa ranking pero hindi sila interesadong sumali. They proposed to revive the end class. Then, they made their own rules and lessons.”

Napalunok ako sa sinabi niya. Nalalasahan ko pa ang grass aftertaste ng tsaa. But, wait. . . Students who make their own rules? Kahit no'ng naging Vice President ako, wala akong kapangyarihang gano'n.

Naipaliwanag na ni Sir Abella sa 'kin na lahat ng sumasali sa ranking contest ay nagsa-submit ng forms. Tsini-check kung sino ang qualified. Ibig sabihin, hindi mandatory ang pagsali sa contest na 'yon. Sabi rin niya, may mga magagaling na estudyanteng wala sa ranking pero hindi ba't sobra naman yata ang ginawa ng mga estudyanteng 'yon kahit na matalino sila?

Posible pa talaga 'yon?

“Hindi ba sila pinarusahan ng Head? They're like trying to overpower the school's system.”

A smirk formed on Sir Neil's lips. Akala ko matatakutin lang siya. “Wala namang sinabi sa school handbook na bawal 'yon. Plus, they're really capable enough kaya pinayagan sila.”

“Hindi kaya dinaan nila sa threat ang Head?”

Tama. Posible 'yon. Baka nahanapan nila ng weakness ang head at ginamit nila 'yon laban sa kanya. I did use some of those tactics to some of the Stellar High students na ayaw makinig sa mga warnings ko. Well! Warning 'yon! Hindi threat.

Sir Abella shook his head. “No. They didn't. Sadyang matalino lang talaga sila.”

Tumango na lang ako dahil kung may ginawa man ang class advisory niya, maaaring hindi niya 'yon sasabihin sa 'kin o wala talaga siyang alam. That's up to me to unveil.

Pero, may kulang yata ang story niya. “E, ano namang kinalaman ng Code Violet do'n?”

Napasandal siya sa upuan niya saka mainit na ngumiti sa 'kin. “Ibig sabihin, huwag silang hamunin kung hindi naman kaya.”

Nasabi nga rin niya sa 'kin na pwedeng maghamon ang mga kasali sa ranking contest ng matatalinong mga estudyante dahil hindi nila alam kung sino-sino ang mga judges. One might be observing them, kahit kumakain lang sila sa canteen. Dati raw kasi, no'ng obvious pa kung sino ang mga judges, nababayaran nila ang mga ito.

Now that they don't know our appearance nor names, gaining points in a duel, publicly, isn't a bad strategy at all.

“Are they that wise enough? Gaano ba kasi talaga sila katalino?”

SECTION 5: The Code Violet ClassWhere stories live. Discover now