CHAPTER 56 - Happy Birthday

Magsimula sa umpisa
                                    

"Awwwwwww" sabay banggit ng mga tao na nakapalibot sa amin.

"Thank you Khym." kumikislap ang mata niya habang sinabi niya yun, tears of joy eh.

"Happy Birthday babe, make your wish." nakangiting bati ko.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inihipan ang mga kandila sa ibabaw ng cake. Nagpalakpakan ang lahat ng tao pagkatapos nun at nagsimula ng tumugtog yung music. Bumungad sa amin ang kanyang tatay at nanay na sina papa Ramon at mama Kristina.

"Salamat Khym sa pag-alaga ng aming minamahal na anak." pagpapasalamat ni papa Ramon.

"Walang anuman po." sabi ko at sabay nagmano sa kanilang dalawa.

Niyakap naman ni Nicole ang kanyang mga magulang. Sobrang namiss niya talaga sila, lalo na ngayon na hindi na sila masyadong nagkikita kasi nga nakilala na ni Nicole ang kanyang totoong mga magulang. Binigyan ko muna sila ng oras para makapagbonding sa isa't isa. Lumabas ako sa restaurant at nagpasya na umupo sa table. Siguro nga napagod ako sa kakahanda ng lahat ng 'to, wala pa nga akong tulog eh, pero okay lang naman kasi para kay Nicole naman ginagawa ko.

Nakita ko si Nicole na nakikipag-usap sa mga bisita, nakikipagsayawan at minsan nagkukuwentuhan, lalo na sa mga college friends niya nun na inimbita ni Angela. Nga pala, peace na sila ngayon ni Angela, nakita ko kasi sila kanina na nag-uusap at nagyayakapan kaya okay na siguro sila. Sabi pa nga ni Angela sa akin nung isang araw na dinededma niya raw si Nicole kasi balak niya na sa birthday na siya makikipag-ayos kaya ayun, nagdrama muna siya, adik talaga 'tong babae na 'to. Malipas na ang isang oras, tumabi si Nicole sa akin sa lamesa at nag-aya na sumayaw. Syempre pumayag agad ako, babes ko eh *wink*

Nung pumwesto na kami sa maliit na dance floor, biglang nagbago ang tugtog, "'Til There Was You" by The Beatles kaso nga lang medyo slow siya at naging classical na.

"Tandang-tanda ko pa nung college ako, lagi akong inaaya ng mga classmates kong lalaki na maging partner sa prom." biglang kwento ni Nicole. Medyo out of the blue pero nakikinig pa rin ako sa kanya.

Nagpatuloy siya, "Ilang beses ko na silang tinanggihan, minsan nga ang kukulit nila eh. Di pa naman ako mahilig sa mga ganyang bagay." natatawang pagkukuwento niya sakin. Ang cute niya talaga, lalo na pag nakikita ko yung malalim na dimples pag ngumingiti siya.

"Pero di naman talaga yung dahilan kung bakit ko sila tinatanggihan eh..." putol niya.

"Hmm eh ano Babe?" curious na tanong ko.

"Matagal ko ng pinangarap 'to. Gusto ko kasi na ikaw yung first dance ko, at masaya ako dahil natupad yun, lalo na nung surprise mo sa yacht." nahihiyang pag-aalala niya.

"Tanda ko nga, Ms. Carbonara." tukso ko sa kanya.

"Che." tawa niya sabay hampas niya sa balikat ko. "Pati ba naman yun naalala mo pa?" tanong niya.

"Oo naman, naging paborito mo nga iyon, diba?"

"Oo, cge na. Ikaw na si Ms. Know-It-All." at inisnoban pa ako.

"Ikaw talaga." sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit at ipinagpatuloy ang pagsayaw.

"Ang saya ko ngayon ng dahil sa'yo Mik. You never fail to surprise me and make this lips of mine curve into a smile." aniya.

"I always do it for you. Anything that'll make you happy."

She showed me her brightest smile at pagkatapos nun, hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo palabas ng restaurant.

"T-teka, saan tayo pupunta?" pagtataka ko. Ngumiti lang siya at binalewala yung tanong ko.

Dun lang siya huminto nung medyo malayo na kami sa restaurant. Nandito kami naglalakad sa maputing buhangin na medyo malapit na sa dagat. Umupo siya sa isang maliit na bangka habang hinihintay niya akong lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa natin dito?" hinihingal na tanong ko.

"Gusto ko kasi ng tahimik na lugar at may itatanong din ako sa'yo Mik." sagot niya.

"Ha? Ano yun?"

"Marami na tayong pinagdadaanan Khym, masaya man o malungkot, di ka pa rin sumusuko. Nandito ka pa rin para sa akin kahit minsan ang dami ko ng kasalanan sa'yo."

"Ah—ba't mo pa ba—" tangka ko sanang magtanong kaso nagpatuloy pa din siya sa pagsasalita.

"Akala ko huli na nating pagsasama iyon pero laking pasasalamat ko sa Diyos na hindi tayo naghiwalay. Bumalik pa rin tayo sa isa't isa. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya sa mga oras na yun. At salamat din Khym, sa lahat ng mga surpresa mo sa akin. Masaya din ako dahil ikaw ang kasama ko ngayon, sa kaarawan ko."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya, ang seryoso niya kasi at saka ang lalim ng mga titig niya sa mga mata ko. Ano kayang ibig sabihin nito?

"Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako ngumingiti, ikaw ang dahilang kung bakit ako masaya. At sana ngayon ako na naman ang magbibigay sayo ng kasiyahan Khym."

"Hindi kita naiintindihan. Sapat ka na para sa kaligayahan ko Nicole." bigkas ko.

Ngumiti lang siya sakin, tumayo at humakbang palapit sa akin. "Diba gusto mo makita ang ngiti kong 'to?" tanong niya at agad naman akong tumango. Syempre naman.

"Pwes, sana tanggapin mo ang buong pagmamahal ko sa'yo..."

"Teka, ano bang pinagsasabi m—" huli na ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hawak niya yung singsing na ibibigay ko sana nung magpr-propose ako sa kanya.

"Sa pamamagitan ng singsing na ito." pagtatapos niya.

Hindi ako makapagsalita at talagang napatunga-nga ako sa harap niya. Parang maiiyak ako sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Napahawak ako sa baba ko at talagang nagulat sa nangyayari ngayon. Nananaginip ba ako? Kinirot ko yung tagiliran ko pero walang epek, hindi nga ako nananaginip! Totoo nga!

"Kaya ito ang tanong ko sa'yo ngayon Mik..."


Eto na talaga.

"Will you marry me and be my wife?"


Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon