CHAPTER 56 - Happy Birthday

Start from the beginning
                                    

"Tara." aya niya at nagwink pa.

Laglag panga ko sa pagkindat niya. Dali-dali kong pinatay ang Xbox at lumabas ng condo patungo sa parking lot. Nung nakarating na ako sa baba, nakita ko si Nicole na naka abang sa kotse. Ganda talaga ng Babe ko. At dahil gentledog ako, pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Thank you Babe."

"Ikaw pa." sabay wink ko pa.

Napa blush siya sa ginawa ko. Hahaha revenge. Pagpasok namin sa kotse, pinaandar ko ito at nagtungo na kami sa destinasyon namin. Nakaka excite naman :3

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Malalaman mo din yan mamaya." sabi ko at hinawakan yung kamay niya.

"You and your surprises Khym." she chuckled.

Naging tahimik ang biyahe pagkatapos nyang sabihin yun. Siguro inaantok pa siya, minsan kasi nakikita ko syang naka lean lang sa window glass. Pinindot ko yung on button at nagscan ng FM station sa radio para hindi medyo boring yung ambiance namin sa loob ng kotse. Ilang stations na ang lumipas pero napahinto ako nang marinig ko yung "Lucky" na kanta. Napalingon din siya sa akin at sabay kaming ngumiti sa isa't isa. Naalala ko tuloy yung nangyari sa amin nun.

Sabay sabay kaming kumanta sa lyrics nito at minsan sinusulyapan ko siya para tignan yung mukha niya. I can see that she really is smiling while reminiscing our moments. Lumingon ulit sha sa direksyon ko at ako rin sa kanya, then she mouthed the lyrics at sabay ngiti pa niya, "Lucky I'm in love with my best girlfriend."

Umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko. Napamura ako sa kilig nung ginawa niya iyon. She never fails to make me smile.

"Damn." mura ko at nag look away sa kanya. I cannot stop my cheeks from blushing.

"Cute." aniya at kinirot yung pisngi ko.

Paglipas ng ilang mga minuto, nakarating na kami sa lugar na kung saan ko susupresahin si Nicole. Syempre ready na ready na yung mga tao na nasa loob. Hindi niya alam na nasa loob na ang lahat ng pamilya at mga kaibigan namin. Sana nga magiging successful tong birthday surprise ko sa mahal kong Nicole.

Lumabas na kami ng kotse at nagtungo sa loob, pero bago pa kami makapasok sa loob, pinahinto ko muna siya sa paglalakad.

"Wait."

"Blindfold?" aniya at nakasmirk pa. Wow parang alam niya na ha.

"How'd you know?"

"Well obvious kasi may long handkerchief ka sa kamay mo." sagot niya naman.

Kaya pala. Akala ko alam na niya. Phew.

Tinakpan ko ang mga mata niya sa pamamagitan ng handkerchief na dala ko. I guided her sa paglakad at sa pagpasok sa loob ng restaurant.

Nakahanda na ang lahat, ang mga food, tables, cakes, gifts at syempre ang mga guests namin. Importante yun para sa kanya. Alam ko kasing gusto ni Nicole na makasama niya ang lahat sa kaarawan niya, that's why I invited everyone na malapit sa kanyang buhay.

Pagpasok naming sa main venue, nakaready na ang lahat ng bisita. Ang magpinsan na sina Jace at Zach ang nagdala ng poppers, papuputukin nila yan mamaya pag natanggal ko na iyong blindfold ni Nicole. Pinaupo ko muna siya kasi gusto ko ako yung magdadala ng malaki na cake niya. Inutusan kong si Jane ang magtanggal ng blindfold at pagkatapos nun...

Boom!

Surprise!

"Happy Birthday Nicole!" bati naming lahat sa kanya.

Kitang-kita sa mukha niya ang saya at gulat, 2-in-1 expression. Halatang naiiyak siya sa saya ng makita kaming lahat sa harapan niya. Yung ngiti niya na gusto mong makita araw-araw, ugh gosh my heart melts when she smiles like that. Turns out that my surprise succeeded. Humarap siya sa akin at agad niya akong niyakap ng mahigpit sa gilid, baka kasi mahulog yung cake.

Heart Lies (gxg)Where stories live. Discover now