Wee-Wee

34.8K 517 81
                                    

"Daddy, sasama na lang ako sa'yo, please."
Naka-pout na sabi ng 6 years old na si Feliza habang nakakapit sa hita ng kanyang amang si Adolfo.

"As much as I want to, hindi talaga puwede, princess. Hindi safe para sayo ang sumama sa akin sa construction site. Hindi bale, babalik din ako after 3 hours. Magbehave ka kay Tita Ninang mo, alright?"

"I'm a good girl po. Si Manjoe lang po ang bad, Daddy. Kasi lagi siyang binubulongan ni Taning para awayin po ako."

"Sinong 'Taning' princess?" Pigil ang tawang tanong ni Adolfo.

"Palayaw po ni Satanas, Daddy. Sabi po ng teacher ko, dalawang angels po ang
nagga-guard sa mga kids. Isang good angel at isang bad angel. Si good angel po ang bumubulong ng good things. Si bad Angel naman po ang bumubulong ng bad things. Sa case po ni Manjoe Daddy, sobrang naughty po niya kaya yung boss po ni bad angel ang nakabantay sa kanya. Si Taning po."

Bumunghalit ng tawa si Adolfo sa tinuran ng anak.

"Since you're a good girl princess, huwag mo na lang patulan si Manjoe. Be nice to him. You two should be friends like me and his Daddy. Best of friends kami. Makipaglaro ka sa kanya, okay? No fights so that Daddy will give you a reward after."

"Reward?"
Nagningning ang bilugang mga mata ni Feliza.

"Bibilhan mo ako ng toblerone, Daddy?"
Excited na tanong ni Feliza sa ama.

Paulit-ulit na tumango si Adolfo.
"Yaaaay! I love toblerone!
I love tobleron!
I love toblerone!
Thank you Daddy."
Hinalikan niya ng malutong ang pisngi ng ama.

"Anything for you princess. Let's go, kanina ka pa hinihintay ni Tita Ninang mo." Akay ni Adolfo sa anak.

Mahigpit na kumapit si Feliza sa slacks ng kanyang ama. Ang lakas ng pagkakanta ng sintonadong boses na iyon sa gawa-gawang lyrics ng hindi malamang title ng napakapangit na kanta.

"May isang bata akong nakitaMapayat, mabungi ang bataNgunit ang tiyan kaylaki, parang buteteAng pangit na bata pag umiyak parang bibeKwak kwak!Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"May isang bata akong nakita
Mapayat, mabungi ang bata
Ngunit ang tiyan kaylaki, parang butete
Ang pangit na bata pag umiyak parang bibe
Kwak kwak!
Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak!

Tayo na sa loob kasama ang batang lampa
Na favorite toy niya yung manikang Dora!
Kendeng kendeng! Halika Feliza
Katawan mong palito
Kay pangit mo
Wanted ka sa diyaryo
Dahil tumakaw ka ng bra sa inyo
Eto ka na naman oh
Ang tulad mo tinatapon sa disyerto
Kwak! Kwak!
Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak!

MINK (SOFT & WILD)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon