DIABLO KATORSE....

20 0 0
                                    

Mga bandang alas tres ng umaga naisipan ng dalawa na matulog kung kaya bandang alas nuebe na din sila ng umaga nagising.

“Grabe! Puyat pa ata ako eh. Pumipikit-pikit pa isa kong mata.” sabe ni eshel kay nicko.

Nagsimula ng magpakulo ng tubig si nicko habang lumabas naman ng bahay si eshel para bumili ng tinapay at kape.

Mga ilang minuto lang ang nakaraan ay nakabalik na agad ang dalaga na dala-dala ang mga binili.

“Icko, bakit may patay na pusa sa may tapat ng bintana mo?” bungad ng dalaga sa binata na abala sa ginagawa.

Napalingon agad si nicko sa tinuran nito.

“Ha? Anong ibig mong sabihin?” takang tanong niya.

“Nung pabalik na ako dito ay nakita ko yung patay na pusa diyan sa tapat ng bintana mo. Napasigaw pa nga ako ng konti eh.”

“Sigurado ka ba jan sa sinasabe mo?” hindi kumbinsidong sagot niya.

Tumango-tango naman ang dalaga. “Oo no. Yan ata ang yung naaamoy ko kagabe pa.”

Bigla namang lumabas ng bahay ang binata at sinigurado kung totoo nga ang sinasabe ng kasama.

Hindi nga nagkakamali si faye dahil kita niya ngayon ang isang pusa na labas ang mga lamang loob at wala ng buhay. Karumal-dumal ang nangyare dito. Napaduwal siya ng masuri ang itsura nito. Pero nagulat siya ng makita ang kulay ng balahibo nito.

Ito yung pusang nakita niya na kumakain ng karne sa kusina kagabe. Pero bakit namatay ito?

Napatakip siya ng ilong habang nakatingin sa patay na pusa.

“Nakita mo--yuck! Grabe naman talaga. Labas yung lamang loob niya ah.”

Napatingin siya sa dalaga na ngayon ay nasa tabi niya at nakatakip ang kamay sa ilong nito.

“Sino naman kaya ang gagawa nito?” tanong niya.

“Naku! Baka mga tambayers lang sa labas at napagtripan ang pusang yan. Pero nakakaawa siya.”

“Pero wala na tayong magagawa, wala naman tayong super powers para buhayin pa yan. Mabuti pa ilibing nalang natin yan.” dugtong pa nito.

Bumalik sa loob ang binata at kumuha ng plastic bag at ibinalot ito sa kamay.

“Oy! Ano yang suot mo? Plastic bag? Kakamayin mo lang yang dead cat na yan?” hindi makapaniwalang turan ng dalaga matapos makita ang itsura ng binata.

“Oo naman, bakit may extra gloves ka ba jan? Saka ito ang madaling paraan no. Pwede naman akong maghugas ng kamay pagkatapos kong pulutin yan.”

“Fine! Pero siguraduhin mo lang na lilinisan mo ng mabuti yang kamay mo. Nagkakamay ka pa naman pagkumakain.”

Hindi na sumagot ang binata at pinulot agad ang patay na pusa saka medyo nilapit pa ito sa kasama. Nagtitili naman ito saka tumakbo papunta sa loob ng bahay.

Napangiti nalang siya.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa loob ng gubat. Gubat kasi ang kaharap ng bintana ng kwarto niya. Hindi niya pa napupuntahan ito kaya hindi na siya lumayo pa at basta nalang itinapon sa malayo ang patay na pusa.

Tumalikod na siya at magsisimula na sanang maglakad ng makaramdam siya na parang may ibang tao na naroon at nakatingin sa kanya. Ipagsasawalang bahala nalang sana ng binata ng biglang may bumato sa kanya. Napalingon siya kung saan nanggaling iyon pero wala siyang narinig na kaluskos o bulto ng tao bagkus ay punong kahoy at halaman lang ang makikita.

“May tao ba diyan?” lakas loob na sigaw niya.

Wala siyang narinig na sagot kaya tumalikod na siya at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Hihihihihihihihi."

Nangilabot siya ng makarinig ng hagikhik.

'Hindi ba't guni-guni ko lang to? Pero bakit parang totoo?'

"Niiicccckkkooo! Ikaw ang Diablo! Hahahahahahaha."

Biglang nagtaasan ang balahibo niya sa katawan. Hinanap niya kung saan nanggagaling ang kakilakilabot na tinig na iyon.

"Nalalapit na Nicko. Nalalapit na. Hahahahahahahahaha"

Biglang kumaripas ng takbo si Nicko palabas ng kagubatan.

----------------------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NICKO: ANG DIABLOWhere stories live. Discover now