DIABLO SAIS

19 0 0
                                    

Nakarating siya sa sakayan ng bus at dali-daling pumasok. Humanap siya ng mauupuan at nakita niya ang dalawang bakante na nasa may dulo. 

Umupo siya agad dun at huminga ng dalawang beses.

Yung nakita niya kanina parang totoo. Pero hindi naman pwedeng mangyare iyon dahil walang tao sa kanila.

Ipinilig nalang ni nicko ang kanyang ulo at iwinaglit ang nakita niya kanina.

Tumingin siya sa labas at nakita niyang unti-unti ng umaalis ito. Ngayon lang siya nakasakay ng bus na tulad nito dahil hindi naman siya mahilig bumiyahe. Traysikel palang ata ang nasasakyan niya kaya medyo naninibago lang siya sa loob nito.

Tinignan niya ang mga sakay at napansin niya na may tatlong upuan at yung iba ay pangdalawahan lang.

Naramdaman naman niyang may tumabi sa kanya kaya napatingin siya dito.

Isang babae na sa tingin niya ay nasa edad 20 pataas, mahaba at bagsak na bagsak ang buhok nito, maputi din at maamo ang mukha.

Nakaramdam naman ang katabi niya na may tumititig dito kaya nilingon siya nito.

“Bakit?” takang tanong nito sa kanya.

Nahihiya naman na yumuko siya at sumagot ng “Wala.”

Hindi na sumagot ang katabi niya at naglagay ito ng headset sa taenga nito.

Tumingin nalang si nicko sa labas ng bintana at tinignan ang magandang tanawin. Mga alas 2pm palang ata ng hapon dahil medyo mainit pa ang sinag ng araw at naalala niyang hindi pa siya nakapagtanghalian.

Kinapa niya ang kanyang tiyan na biglang kumalam.

“Nakalimutan ko pa lang kumain kanina.” bulong niya.

Napapailing nalang siya at nilingon ang katabi na ngayon ay nakapikit.

Hindi maiwasanh humanga sa kinis at puti nito. Ngayon lang kasi talaga siya nakatitig ng babae sa malapitan. Kahit naman kasi may kaibigan siya na si joan ay hindi niya pa nagawang titigan ang mukha nito sa malapitan.

Naalala niya tuloy ito.

'Ano kaya ang magiging reaksyon nun kapag nalaman niyang umalis na ako?' sa isip isip niya.

Hindi kasi siya nakapagpaalam dito dahil sa biglaan niyang desisyon saka kahit nakausap niya ang ama nito kanina ay hindi sumagi sa isip niya na ganun nga ang desisyon niya na umalis at lumuwas ng probinsiya.

Napatingin ulit siya sa labas ng bintana. Dumidilim na ang langit at kahit na isang pirasong biscuit ay hindi pa siya nakakain. Mas lalo tuloy kumalam ang tiyan niya.

Siguro ay titisin nalang niya ito hanggang sa mag-umaga.

Napansin naman ng babaeng katabi ni nicko na panay ang himas ng binatilyo sa sikmura nito.

'Hindi pa ata to kumakain. Kanina pa nagrereklamo ang tiyan niya. Hmm.'

Iniabot niya naman dito ang kinuha niyang skyflakes sa bag. Nakakaawa kasi ito kaya nagkusa na siyang magbigay dahil mukhang kailangan nito.

Napatingin naman si nicko sa katabi niya ng makitang meron itong inaabot na biscuit sa kanya. May pagtatakang iniabot niya ito sabay nagpasalamat.

Tumango lang ito bilang tugon.

Sinimulan na niyang buksan at kainin ang binigay nito.

Panay ang sulyap niya dito. Hindi kasi niya akalaing bibigyan siya nito ng pagkain. Napaisip siya. Bakit bibigyan siya nito ng pagkain? Hindi kaya nahalata siya nito na nagugutom? Ganun ba siya kahalata? Pero ipinagpasalamat niya na ganun nga ang nangyare hindi niya kasi malaman ang gagawin dahil gutom na talaga siya.

Nilunok niya ang panghuling laman ng biscuit na kinakain ngunit bumikig ito sa may lalamunan niya kung kaya napaubo siya.

Napatingin siya sa babae? Mukhang nasa musika ang konsentrasyon ng babae kung kaya hindi niya makuha ang pansin nito.

Umubo-ubo uliz siya. Nakabikig talaga iyon sa kanyang lalamunan. Kailangan niya ng pantulak at tubig iyon.

Kinalabit niya ang katabi at lumingon naman agad ito na may blangkong reaksyon.

Kahit nahihiya ay kinapalan na niya ang mukha.

“M-miss m-may t-tubig k-ka b-ba r-riyan?” nahihirapang tanong niya dahil sa bara ng lalamunan niya.

May kinuha naman itong bote sa bag at iniabot sa kanya. Dali-dali niya itong nilagok at nilunok. Nakahinga naman siya ng maluwag ng wala ng bikig sa lalamunan niya.

Ibabalik niya sana ang bote ng tubig ng umiling ang babae sa kanya.

Ngayon niya lang naisip na may laway niya na pala iyon.

“Hindi ko alam kung pano magpapasalamat sa kabutihang--”

Hindi pa man siya natatapos sa pagsasalita ay tumango-tango na agad ito.

Hindi na siya nakakibo at ibinaling nalang ang atensyon sa bintana.

“Maraming Salamat.” sabi niya saka pumikit.

Hanggang sa ginupo na siya ng antok.

NICKO: ANG DIABLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon