DIABLO ONSE....

17 0 0
                                    

Lumabas siya ng bahay at tinignan ang mga taong nagkakagulo sa ilalim ng mainit na tanghale. Nakita niya ang pagpasok ng madameng tao sa loob ng masukal na kagubatan. Nakita rin niya ang pagpasok ng mga pulis na noo'y kararating lang.

“Anong meron?” tanong niya sa isang ale na nakikiusyuso din.

“Ay! Naku! May natagpuan daw na dalawang katawan sa kagubatan na puro dugo at wala ng mga ulo.” sagot ng ale at pumunta rin sa loob ng gubat.

Nanindig ang balahibo niya sa narinig. Patay na walang ulo? Sino naman kaya ang gagawa ng karumaldumal na krimen? At dahil sa naintriga siya nalaman ay gumaya rin siya sa mga taong nakiusyuso roon.

Pagpasok niya ay hinawi niya ang isang sanga na bumalandra sa tinitignan niya. Pagkarating niya ay nakita niya ang nagkukumpulang tao sa isang parte ng gubat. Hinahawi rin ng mga pulis ang iba sa mga ito. Bigla siya lumapit roon at nakita niya ang may takip na itim na tela sa baba at pinapalibutan ng mga pulis. Pilit namang nakikiusyuso ang mga tao roon kabilang siya. Gusto niyang makita ang sinasabe ng ale kanina. Pero pano niya makikita gayong may telang nakatabing doon.

Gusto niya talagang makita. At dahil sa maliit na katawan niya ay sumiksik siya sa kumpulan at lumuhod papunta malapit sa isang pulis na kaharap sa nakatakip na tela. Hinintay niya ang pag-alis nito pero makalipas ang ilang minuto ay hindi parin umaalis ang pulis. Nangangawit na siya kakaluhod sa pwesto niyang iyon. Pero maya-maya lamang ay biglang tumayo ang pulis at lumapit sa iba pang kasamahan nito malayo sa bangkay kaya pagkakataon na nicko iyon. Lumapit siya kaagad sa nakatakip na tela at bigla iyong hinawe.

Napaatras siya pagkakita sa bangkay. Halos maduwal siya sa nasaksihan.

“Hoy! Bata bawal ka jan!” sigaw ng pulis na nakakita sa kanya.

Bigla naman siyang napaatras pagkarinig sa pulis.

“S-sorry po.” sabe niya at lumayo roon.

Hindi pa rin siya nakahuma sa nakita niya. Hindi rin niya masikmura ng maalala ang itsura ng bangkay na labas ang mga lamang loob, nahagip rin ng tingin niya ang itaas na parte ng katawan nito na walang ulo. Tuyo na din ang mga dugong lumabas doon. At dahil sa hindi na niya nasikmura ang ganung eksena ay bigla siyang kumaripas ng takbo palabas ng kagubatan. Halos mapatid din siya sa isang malaking ugat na dinaanan niyang puno ng sampalok.

“Anong nangyare? Bakit nagkakagulo ang mga tao?” tanong ni eshel sa kanya.

Hindi agad siya nakasagot dahil sa traumang nakuha niya kanina. Pero nagising siya bigla ng may tumapik sa pisngi niya.

“Oy! Ano bang nangyayare? Saka bakit namumutla ka?” tanong ulit nito matapos tapikin ang pisngi niya.

“Ha? A--ano--may ano--may patay daw.” kandautal na sabe niya.

“Hala! Talaga? Bakit daw?”

“Hindi ko din alam.” tangeng nasabe niya saka dumiretso sa silid niya.

*****

Naiwan namang nagtataka si eshel at puro katanungan ang nasa isip niya.

“Ano kaya nangyare dun?” tanong niya sa sarili.

Napatingin nalang siya dun sa bintana kung saan kita ang mga taong nakikiusyuso sa isang ewan at hindi din niya alam. Pumasok siya kwarto niya at kinuha sa drawer ang bagong bili niyang collection ng pocketbook at bumalik sa sala. Umupo siya sa bandang bintana ng sala at sinimulang basahin ang libro. Taimtim ang pagbabasa niya sa libro ng mapatalon siya sa kinauupuan ng biglang may kumatok sa pinto. Napapansin niyang magugulatin na siya, hindi naman siya umiinom ng kape kaya bakit madale siyang magulat? Siguro ay dahil masyado siyang nagfofocus at nakakalimutan niyang nandito parin siya sa mundong ibabaw.

Tumayo na siya at binaba muna ang binabasa sa mesa. Pumunta siya sa pintuan at binuksan iyon.

“Magandang tanghale iha, kumusta kayo dito?” bungad ng may ari sa kanya.

“Kayo po pala. Pasok po muna kayo.” alok niya dito saka tumagilid para bigyan ng daan ito.

Pumasok naman ang ginang saka dumiretso sa sala at umupo roon.

“Ok lang naman po kame. Bakit po ba?” balik na tanong niya.

“Ah, nabalitaan ko kasi ang nangyare dun sa gubat. Yung pinagkukumpulan ng mga tao roon. May dalawang patay raw na natagpuan at halos wala ng lamang loob.” sabi nito na animo naduduwal.

“Ok lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong niya.

“Oo, hindi ko lang kasi masikmura yung itsura ng patay. Para itong kinain ng mabangis na hayop. Kakaiba ang pagpaslang dito. Nga pala asan ang kasama mo dito?” pang-iiba ng usapan nito.

Naalala niya tuloy si nicko dahil sa itsura nito kanina, namumutla ito at parang maduduwal na ewan, para din itong lalagnatin.

“Andun sa kwarto niya. Nagpapahinga po ata.”

“Ah. Ganun ba? O sige iha, aalis na ako. Kinamusta ko lang naman kayo.” sabe nito saka tumayo at dumiretso sa pintuan.

Tumango lamang siya rito bilang sagot. Nagpaalam ulit ito bago lumabas.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa at kinuha ang libro, pero ng magsisimula ulit siyang magbasa ay nawalan na siya ng gana. Kaya tumayo na lamang siya at naglakad papunta sa kwarto niya. Pero hindi pa man siya nakakarating doon ay napahinto siya sa silid ni nicko na nakaawang ang pinto. Napatingin siya sa hubad nitong katawan, pero hindi ang katawan nito ang pumukaw sa pansin niya kundi sa isang marka sa bandang batok nito. Sa tantiya niya ay tattoo iyon, pero napagtanto niyang isa itong numero.

“Six? Why would he put some tattoo in his skin with just a simple number? That's weird.” kausap niya sa sarili saka nagdiretso sa silid niya.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

NICKO: ANG DIABLOWhere stories live. Discover now