DIABLO TRISE....

24 0 0
                                    

Hindi na bumalik sa pagtulog ang dalawa bagkus ay inabala ang isa't-isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kwento sa buhay nila. Nalaman ng binata na isa talagang anak mayaman ang kinakasamang babae sa iisang bubong, nasabi din nito na kaya ito umupa sa isang ordinaryong bahay at hindi sa hotel ay dahil nais nitong maging independent. Binigyan lang daw ito ng malaking pera ng mga magulang para sa pagsisimula nito na hindi naman tinanggihan ng dalaga. Katulad niya ay maghahanap din daw ito ng trabaho kahit wala itong experience na sinang-ayonan niya dahil kapareho niya itong wala ding alam na pwedeng pasukang trabaho bukod sa pagkokonduktor. Kinwento niya din sa dalaga ang naranasang kahirapan simula ng kabataan niya hanggang sa magbinata.

Nakita niya ang lungkot na rumihestro sa mukha nito ng maikwento niya ang yumaong ama, maging siya ay ganun rin dahil sa nangyare dito na hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ang sarili. Iniba niya ang paksa at kinwento naman ang matalik na kaibigan. Tuwang-tuwa ito ng malaman ang pagkakwela ng kaibigan niya. Namiss niya tuloy ito.

'Kumusta ka na kaya jean? Galit ka ba sa akin?'

"I would love to see her icko, like you meron din akong friend but not an opposite sex ha? Babae ang kaibigan ko, kaya lang wala siya dito sa pinas. Nasa ibang bansa siya, at hindi ko alam kung kailan ang balik ng lukaret. Ang bruha talagang iyon hindi na nagparamdam. Porke nakaapak na sa bagong siyudad ay nakalimutan na agad ako." nagtatampo parin ang dalaga dahil sa pinaparamdam ng kaibigan niya sa kanya.

Naiinis siya dito dahil ni hindi manlang nito tinupad ang sinabeng magpaparamdam sa kanya kung sakaling nakarating na ito sa paroroonan nito.

"Baka nawala ang cp niya?" agad na sagot ng binata.

"Kahit naman mawala ang cp nun ay magpaparamdam pa rin iyon kung gusto niya. What's the use of Modern Technology diba?" nakabusangot na sabe niya.

Napatawa naman bigla ang kausap niya kaya nilingon niya ito.

"Haha. Eh, bakit ako? Moderno na ang panahon wala paring nahawakan kahit anong gadget? Ni kahit pudpod na keypad ng model ng Nokia ay wala pa akong nahawakan." biro nito.

Bigla namang nasamid ang dila niya sa narinig dito. Pakiwari niya'y inapakan niya ito dahil sinabe niyang iyon. Napatingin siya dito ng makitang malungkot ang mga mata nito sa kabila ng ngiting ipinapakita nito sa kanya. Naawa siya bigla. Siya na halos itapon ang lilibohing pera sa daan dahil sa pagkasawa ay ito nama'y halos maupos ang katawan kakasabak ng trabaho makalikom lang ng pera sa panggastos nito sa araw-araw. Napayuko siya, ang ginagasta niya sa pambili ng pocketbook ay isa ng malaking halaga para dito. Ngayon pa lang niya naintindihan na hindi talaga pantay ang mayaman dahil sa kaangatan ng mga ito sa isang dukha lamang.

"Natahimik ka? May problema ba?"

Kanina'y sinabe nito ang dahilan ng pagsigaw nito, napanaginipan daw nito ang ama. Napatingin siya sa binatang kaharap at duon niya nakita ng malapitan ang mukha nito, kakikitaan ng hirap ang mukha dahil sa pinagdaanan nito. Ang manipis at patpating katawan nito ay dahil sa hindi ito makakain ng mabuti kung kaya walang laman niyon kahit na taba. Napatingin ulit siya sa mukha nito pero natigilan siya ng biglang mag-iba ang kulay nito na sinabayan ng ngiti nito sa labi. Halos mahulog siya sa kinauupuan dahil sa nakita.

"Gwapo ako diba?" bigla'y sabe nito saka ngumisi ulit.

Hindi na nakaimik pa ang dalaga sa sinabe nito at tinitigan lang ang kaharap na ngayo'y nakangiti lamang. Hindi niya mawari kung namalikmata lang siya o ano. Itim na kasi ulit bilog ng mata ng binata na kanina'y ibang kulay ang lumabas. Nag-iba talaga ang mata nito kanina nung ngumiti ito naging pula ang itim nitong bilog sa gitna ng eyeball. Umiling-iling nalang ang dalaga at ipinilig ang ulo siguro'y inaantok lang siya kung kaya iba na ang kanyang nakikita. Muli niya ulit tinitigan ang kaharap na ngayo'y nakatitig na sa kanya at walang kangiti-ngiti sa labi. Nailang siya sa paraan ng pagtitig nito. Para siyang saging na gustong hubaran at kainin nito.

"May problema ba icko?" tanong niya na ikinayuko nito agad.

Sinabe niya dito na icko nalang ang itatawag niya dito, nung una ay umayaw ito dahil naaalala niya daw ang yumaong ama pero pinagpilitan niya pa rin sa kadahilanang yun ang bagay na gusto niyang itawag dito at unique pa.

"W-wala, kala ko kasi may dumi yung mukha mo." utal na sabe nito.

Tumahimik ulit ang dalaga at hindi na tumugon pa pero maya-maya ay biglang may sumage sa isip niya.

"Icko, naghapunan ka na ba?"

Tumingin ito sa kanya saka umiling ng ilang beses. Tumayo siya sa pagkakaupo sa sahig na nilalatagan ng banig nito.

"Tumayo ka jan. Ipaghahanda kita ng makakain mo."

Tumalima naman ang binata at tumayo agad. Sa katunayan ay kanina pa nagririgodon ang kanyang mga alaga sa tiyan na hindi halata dahil buto't balat nalang ang kanyang katawan. Nahihiya siya kanina na itanong kung kumain na ito, kahit naman kasi nakapag-usap na sila ng mga ilang bagay bagay sa kanilang nakagisnan ay naiilang parin siya dito. Pero ng binanggit nito agad na ipaghahanda siya ng pagkain ay laking pasasalamat niya sa diyos kung kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

****

Naghahanda na ng plato at baso si faye ng dumulog naman si nicko sa hapagkainan. Inihanda na din ng dalaga ang kanin at ulam. Kanina'y namalengke siya mag-isa dahil ayaw na niyang gisingin ang binata sa mahimbing na tulog nito. Muntik na din siyang maligaw kung hindi lang dahil sa pagtatanong niya baka hindi na siya nakabalik sa inuupahan niya. Nakalimutan kasi niyang magtanong-tanong nung umalis siya at nagtuloy lang sa paglakad na parang kabisado ang daan.

"Nagutom tuloy ako lalo dahil sa hinain mo." hindi napigilang sambit ng binata.

"Pasensya ka na. Hindi na kita ginising kanina dahil ang himbing ng tulog mo at ayaw kitang isturbuhin."

"Ano ka ba. Ok lang yun. Nakakahiya nga dahil ikaw pa ang naghanda." nahihiyang sabe ng binata.

NICKO: ANG DIABLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon