DIABLO SINGKO

14 0 0
                                    

Araw ng Biyernes...

Ngayon ang araw ng libing ng ama ni nicko.

Madame ang naroroon para makilibing. Hindi niya maiwasan ang mapaluha ng makitang muli ang ama sa huling pagkakataon.

Matapos bendisyonan ng pari ay isa-isa nang lumapit ang mga malalapit sa buhay ng kanyang ama para magsipaalam at kabilang siya na unang lumapit sa libingan para mag-iwan ng bulaklak at magpaalam.

“Tay, kung nasaan ka man ngayon sana malaman niyo na minahal ko kayo kahit hindi niyo ako tinuring na iyo. Patawarin niyo ako sa mga nasabe ko. Alam ko ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Patawad po itay.” muli siyang napaluha.

Matapos makapagpaalam ay bumalik siya sa kanyang pwesto at patuloy na lumuha.

Sumunod naman ang mga magulang ni joan na naging kaibigan ng kanyang ama.

Napatingin siya sa matalik na kaibigan. Nakikita niya na malungkot din ito dahil tinuring din nitong pangalawang ama ang itay niya.

Ng tumingin ito sa gawi niya ay nag-iwas siya ng tingin dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap ng matino. Simula kasi ng gabing hinanap siya nito ay hindi siya nagpakita magdamag. Naroon lang siya sa kanyang pwesto sa puno ng mangga at nakaupo. Hindi siya nagpakita rito dahil alam niyang hindi sila magkakaintindihan lalo na't parehong mainit ang kanilang ulo.

Natapos ang libing na matiwasay at walang anumang nangyare. Unti-unti ng nagsisiuwian ang mga dumalo sa libing.

Nilapitan siya ng mga magulang ni joan.

Iho dun ka lang muna sa amin tumira. Papag-aralin ka namin ng asawa ko para hindi masayang ang pinag-aralan mo.” suhestiyon nito.

Umiling lang siya dito. Madame ng tulong ang ginawa nito para sa kanya at ayaw na niyang dagdagan pa iyon.

“Wag na lang po. Madame na kayong naitulong at sapat na iyon. Lumaki akong ako lang ang bumubuhay sa sarili ko kaya makakaya ko din yun ngayon. Salamat na lang ho.” magalang na sagot niya dito.

“Pero iho, pano ang pag-aaral mo?” may panghihinayang sa mukha nito.

Ngumiti lang siya at sinagot ito.

“Hindi naman po siguro masama kung mag-iipon muna ako at magtatrabaho ng sa gayon ay makapag-aral na ako?”

Napailing nalang ito dahil sa tinuran niya.

“Kung ganun hihinto ka muna sa pag-aaral at magtatrabaho muna? Pero iho napakabata mo pa para sumabak sa trabaho. Wala ka pang karanasan.” may pag-aalala sa boses nito.

Napakabait nito. Kung siguro ito ang ama niya sigurado siyang hindi niya mararanasan ang naranasan niya noon hanggang ngayon.

“Sanay na po ako dahil bata pa lang ako ay nasabak na ako sa trabaho. Wag po kayong mag-alala. Kaya ko pong buhayin ang sarili ko.”

Napilitan itong sumuko at tumango na lamang.

“Wala akong magagawa. Pero kung kailangan mo ng tulong namin kontakin mo lang si joan at tutulong kami.” saka ito naglakad palayo at sumabay sa mag-ina nito.

“Napakabait niyo po.” tanging naibulong niya.

Nagsimula na siyang maglakad papalayo at tinungo ang daan papunta sa kanila.

Pagkatapos ng limang minutong paglalakad ay nakarating siya sa bahay nila.

Pumasok siya sa barong-barong na bahay nila. Pagkapasok ay napalingon siya sa may sala kung saan nagbigti ang kanyang ama. Napapikit siya ng maalala ang tagpong iyon. Naglakad siya ng dahan-dahan at tinungo ang kanyang silid.

Nakita niya ang mga natitirang gamit niya lalo na ang bag niya na lalagyan niya ng mga libro niya sa skwelahan.

Napailing nalang siya at sinimulan ng ayusin ang mga gamit niya. Napagdesisyunan niyang lumuwas papuntang maynila para makipagsapalaran. Lilisanin niya ang lugar kung saan madaming mga alaala na nagdala ng dagok sa buhay niya pero hindi niya makakalimutin na dito umusbong ang pagiging ganap na binata niya at lalong lalo na ang mga naging kaklase niya pati matalik na kaibigan na si Joan. Napangiti siya ng maalala kung pano nagsimula ang pagkakaibigan nila.

Matapos mag-impake ng kanyang mga damit ay pumunta siya sa silid ng kanyang ama at tinignan ito sa huling pagkakataon.

Pumasok siya dito at linibot ang buong silid. Napadako siya isang tela na nakaipit sa gilid ng isang lumang dyaryo.

Nilapitan niya ito at kinuha para tignan.

Ng makuha ay tinignan niya ito ng maigi at napansin niya ang burda nito sa gitna.

Nicko

Yan ang nakaburda. Siguro binurda ito ng kanyang nanay para sa kanya nung nasa sinapupunan pa lamang siya nito.

Tinago niya ito at nilagay sa loob ng bag.

Nagsimula na siyang maglakad papuntang pintuan ng may marinig siyang kumalabog.

Napalingon siya sa pinanggalingan ng ingay.

Nakita niya ang krus ni jesus na nakabaliktad at nakalapag sa sahig.

Nanindig ang kanyang balahibo at dali-daling lumabas ng bahay at kinandado iyon.

Naglakad na siya paalis at muling nilingon ang bahay nila ng may makita siyang itim na anino na nakangiti sa kanya.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nagsisimula pa lang. :)

NICKO: ANG DIABLODonde viven las historias. Descúbrelo ahora