DIABLO NUEBE

16 0 0
                                    

Nagising si nicko dahil sa malakas na tilaok ng manok na nanggagaling sa labas. Tumayo na siya at sinimulang tupiin at ligpitin ang hinigaan. Pagkatapos magligpit ay lumabas siya ng silid at lumapit siya sa lababo upang maghilamos.

Bumalik ulit siya sa silid tulugan at kinuha ang tuwalya saka pinunas sa mukha niya. Kinuha din niya ang katamtamang relo sa bag niya na hindi pa niya nasasabit sa dingding dahil sa nalimutan niya.

Kumuha siya ng babaryang pera sa pitaka dahil pambili ng kape at pandesal. Lumabas na siya ng bahay at tinaklob ang tuwalya sa ulo niya. Naalala niyang alas singko trenta pa lang ng umaga kaya konti pa lang ang mga taong gising kasama siya. Hinanap niya ang katabing tindahan ng pinagbilhan niya ng pagkain kahapon. Mabuti't hindi malayo ang tindahan sa bahay nila dahil kung nagkataon ay baka maligaw pa siya ng wala sa oras. Hindi pa niya kabisado ang buong lugar dahil bagong salta pa lamang siya.

Matapos makabili ng pandesal at kapeng creamy white ay nagsimula ng magpakulo ng mainit na tubig si nicko. Habang hindi pa kumukulo ang tubig ay nilagay muna ni nicko ang tuwalya sa CR, binuksan din niya ang gripo para mag-ipon ng tubig pangpaligo. Maya-maya lamang ay narinig na niya ang pagkulo ng pinainit niyang tubig. Nagsalin na siya sa cup na may kape at nilagay ang natitirang tubig sa lalagyan nito.

Nagsimula na din siyang magkape at kumain ng pandesal. Parang ang sarap ng buhay niyang iyon. Pangalawa pa lang ata siyang nakakakape sa umaga minsan kasi nung nag-aral pa siya ay wala siyang oras magkape o mag-almusal manlang dahil sa maaga ang pasok niya, at kung minsan din ay kung gusto naman niyang magkape ay wala siyang perang pambili kaya swerte niya ngayon ay nakapagkape ulit siya.

Matapos magkapagkape ay tumungo na si nicko sa banyo at nagsimulang maligo.

Maya-maya lamang ay may kumakatok sa pinto ng kabahayan. Ng walang sumagot rito ay bigla nitong binuksan ang nakasarang pinto at tuluyang pumasok sa loob.

Pinagsadhan nito ng tingin ang buong bahay saka binaba ang dalang bag.

"Not bad huh? Malinis na ang bahay at mukhang minaintain ng may-ari" komento nito matapos pagsadhan ng tingin ang loob saka kinuha ang camera nito sa backpack at kinuhaan ng litrato ang loob.

Hindi pa man siya natatapos manguha ng litrato ay napahinto siya at napatingin sa gawi ng pasilyo sa banyo kung saan narinig niya ang ingay na animo naglalakad.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. At hindi niya napigilang mapatawa kung kaya napansin siya nito.

"Akala ko pa naman hunk ang makikita ko yun pala kapatid ni kuya bangke sa forevermore." natatawang bulong niya at pinagsadhan ulit ng tingin ang lalaking kalalabas lang ng banyo.

Kalalabas lang ni nicko ng banyo at medyo tumutulo pa ang basa niyang buhok ng may marinig siyang parang bumubungisngis.

At ganun nalang ang gulat niya ng makitang ang isang kaliitang babae na nakasuot ng loose shirt na kulay pink na may nakatatak 'I'm small but i'm sexy and yummy' at maikling short na dirty white, mahaba ang kulot at itim nitong buhok na kung hindi nakabraid ay lampas pwetan, cute din ito kung tutuusin, katamtaman din lang ang kaputian nito. Nanlaki ang mata niya ng maalalang estranghera pala ito.

"S-sino ka?" nauutal na tanong niya at tinakpan ang katawang wala tapis ng tuwalya.

Nakita naman niyang bumungisngis ulit ito. Imbes na sagutin siya ay nagtanong din ito.

"Umuupa ka din ba dito?"

"Sino ka muna?" tanong niya ulit.

"Oh! I'm sorry! By the way, Eshel Faye Alvida. Uupa din ako sa bahay na to. Umuupa ka din ba dito?" maya-maya'y tanong nito matapos magpakilala.

"Ah, teka lang. Magbihis lang ako." nag-excuse siya at pumasok sa kwarto.

"Chooos! Kahit hindi na siya magdamit ok lang." bumungisngis ulit siya pagkatapos makitang pumasok na ito sa silid ata nito.

Napatingin ulit siya sa kabahayan. Nasabe na sa kanya ng may-ari na may makakasama siya sa bahay na inuupahan niya. Yun na sigurong kapatid ni bangke ang sinasabe nito. Akala pa naman niya babae yun pala lalaki at ang masaklap pa hindi kagandahan ang katawan. Ni wala manlang kamuscle muscle ang braso nito, at mukhang totoy pa. Maganda sana kung hunk ang makakasama niya kasi pabor sa kanya iyon. Mahilig kasi talaga siya sa gwapo at mala adonis ang pangangatawan. Yung malaki ang biceps at six pack ang abs. Napahinto siya sa pagmumuni-muni ng makitang lumabas na ang kausap niya kanina sa kwarto nito saka umupo sa may sala.

"Maupo ka miss. Hindi ka na tataas kahit tumayo kapa ng buong araw jan." puna nito.

Sumimangot naman siya. 'Mapang-asar nga payatot naman.' anang isip niya.

"I have a name and it's Eshel Faye. E-S-H-E-L F-A-Y-E. Gets mo? Saka i want to stand. Bakit ba?"

Bagkus na sumagot si nicko ay nagpakilala siya dito. Naaaliw siyang tignan ang mukha nito.

'Cute siya. Ang kinis pa ng balat.' naisaisip niya.

"I'm Nicko. Saka tama ka, umuupa rin ako kahapon lang ako dumating dito." sabi niya habang nakatitig parin sa mukha nito na nakabusangot.

"Ah. Ganun ba?" sagot lamang nito.

'Gwapo naman pala siya.' anang isip ni Eshel.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Pavote and comment naman. :). Hindi naman masama kung sasabihin mo ang nais mong iparating pagkabasa nito. ^^

-jaicagabs :*

NICKO: ANG DIABLOWhere stories live. Discover now