DIABLO UNO

26 0 0
                                    

“Joan! Hintay!” tawag ni Nicko sa kaibigang babae na ngayon ay lalabas na ng silid aralan.

Lumingon naman ang babae.

“Dali! Ang bagal mo naman Nickololo.” turan nito ng makitang nilalagay pa lamang ang gamit sa bag niya.

“Ikaw talaga! Palage mo nalang akong tinatawag na ganun. Ang ganda nga ng pangalan ko ginagawa mo namang kakaiba.” sabay akbay sa babae.

NICKOLOLO yan ang tawag sa kanya ng kaibigan dahil katulad niya ang matanda kong kumilos. Mabagal.

“Anjan ba sa inyo si Uncle Sebastian?” tukoy nito sa kanyang ama.

Umiling siya.

“Andun na naman siya sa kumpare niya.” tanging nasabi niya.

Nasanay na siya na wala ang ama sa bahay nila. Lasinggero ito, wala itong ginawang mabuti kundi makipagtukaan sa bote at makipag-inuman sa kapitbahay nila na kumpare naman nito. Lumaki siya na siya lang bumubuhay sa sarili niya, hindi niya alam kung bakit pero nagsimula ang pagiging ganun nito ng managinip ito tungkol sa asawa nito na ina niya.

Hindi naman ito ganun nung walong taong gulang palang siya. Sa katunayan nga inaalagaan pa siya nito na animo kahit pagpaligo niya ay ito pa ang gumagawa.

“hayy. Yang tatay mo wala pa rin bang pagbabago?” tanong nito.

Umiling-iling lang siya.

“Wala ng pag-asang magbago yun jo. Tignan mo disesais na nga ako wala pa rin diba?”

Tumango naman ito bilang pagsang-ayon sa kanya.

“Siguro, ganun nga ata kamahal ng tatay mo yung nanay mo. Biruin mo palageng kahalikan yung bote magdamag. Nakikita ata ng tatay mo dun sa alak yung mukha ng nanay mo.” natatawang sabi nito.

Imbes na matawa siya sa tinuran ng kaibigan ay bigla siyang nalungkot. Naalala niya ang nanay niya. Sabi kasi ng tatay niya namatay ang nanay niya sa pagluwal sa kanya. Malaki at malusog daw siya, siguro hindi daw siya nagkasya sa puerta ng ina kaya ganon. Yun yung naaalala niya na sinabe ng kanyang ama.

“Ay! Hindi manlang siya natawa sa joke ko. Hahaha. Oy, pero biro lang talaga yun. Wag mong dibdibin ha?” puna nito sa kanya.

Ngumiti lang siya dito na ok lang sa kanya.

Hindi niya namalayan na nasa tapat na sila ng bahay ni Joan. Masyado kasing malalim ang iniisip niya, mabuti na nga lang at hindi iyon napansin ng kaibigan dahil busy ito sa kakatalak at kakakwento sa kanya.

“Oh pano? Pasok na ako. Ingat!” paalam nito at kumaway bago isarado ang gate ng bahay.

Kumaway lang siya at nagtuloy-tuloy sa paglalakad pauwe.

Ilang minuto ang nakalipas at nandito na siya sa harapan ng bahay nila na ngayon ay sobrang dilim at napakatahimik na parang walang nakatira.

Binuksan niya ang switch ng ilaw pagkapasok sa kabahayan. Ganun parin ito walang pinagbago. Makalat. Yun ang palaging nabubungaran niya pagkakauwe niya galing sa skwelahan. Mga pinggan na nakakalat sa sahig, mga basag na bote, nakatumbang upuan at lamesa.

Napabuntong hininga siya ng malalim. Ito na lang ba palage? Hanggang dito na lang ba siya? Siya na lang palage ang nagpapakahirap. Imbes na ang ama niya ang mag-aalaga sa kanya kabaliktaran iyon dahil siya ang nag-aalaga dito. Matapos mag-inom ay siya ang magbubuhat, maglilinis at magpupunas ng suka nito. Hindi ba pwedeng siya naman ang paglingkuran? Pagod na pagod na siya. Dinaig niya pa ang isang may bahay.

Niligpit niya ang mga kalat at pumunta muna ng kwarto para magpalit ng damit.

Matapos magbihis ay inayos niya ang mesa at naghanda ng pagkain. Naglagay siya ng kanin sa plato at kumuha ng ulam na paksiw sa kaldero. Ganito ang buhay na nakagisnan niya na siya mismo ang bumubuhay sa sarili niya kahit nung nasa walong taon gulang pa lamang siya.

Natuto na siyang magtrabaho sa murang edad niyang yun. Sumasama siya sa mga jeepney driver at siya ang taga tawag ng mga pasahero. Binibigyan siya nito ng Bente pesos o di kaya kung maganda ang kita ay trenta. Pantawid gutom na sa kanya ang ganong pera. Sa trabaho niyang iyon sa murang edad ay masasabi niyang nakaraos siya sa estadong iyon.

Nagsimula na siyang kumain ng biglang sumakit ang batok niya. Parang may kung anong nakausli doon na hindi mawari.

Napatayo siya at pumunta sa harap ng salamin at tinignan ang batok.

Nagtaka siya ng makita ang isang itim na hugis numero sa kanyang batok.

“Sais?”

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maganda ba? Vote at comment naman jan. :)

-jaicagabs

NICKO: ANG DIABLOWhere stories live. Discover now