Ang Nakaraan....

42 0 0
                                    

Kabuwanan ni felisa ngayong Abril sa ipinagbubuntis niyang panganay na nasa sinapupunan.

Nasa balkonahe siya ng kanila barong-barong na bahay at nagpapahinga dahil sa katatapos niya lang magburda ng panghuling damit ng kanyang iluluwal na sanggol.

Si Sebastian ang kanyang kabiyak ay nasa bayan at namimili sa palengke ng pagkain para sa hapunan nila mamaya. Gusto niya sana na siya na lang ang gumawa nun dahil trabaho yun ng isang may bahay pero pinigilan siya nito at sinabing pumirme nalang siya sa kanilang tahanan.

Dahil sa labis na kabagutan ay nagburda ulit siya ng panghuling damit ng kanyang anak.

Nasa ganong ayos siya ng may mapansing isang itim na tao na parang isang anino sa matataas na damu malapit sa kanyang kinaroroonan.

Nagtaka siya dahil sa pagkakaalam niya sila lang ang nakatira malapit sa kagubatan. Panong merong tao dito? Malayo ang kabayanan mula sa kanilang kinaroroonan at mahigit isang oras ang ibabiyahe mo papunta dito.

Napansin niyang parang titig na titig ito sa kanya. Nanindig ang kanyang balahibo ng mapadako ang tingin nito sa sinapupunan niya para itong isang mabangis na hayop na animo gustong sakmalin ang tiyan niya.

Nagulat nalang siya at napakurap ng dalawang beses dahil bigla itong nawala.

Nagtataka man at nangangamba ay pinagsawalang bahala na lang niya iyon. Ngunit maya-maya pa ay biglang humilab ang kanyang tiyan parang may kong anong bagay ang pumutok sa loob ng kanyang tiyan. Ganun nalang ang kanyang kaba ng may maramdamang likido na dumadaloy sa kanyang binti. Pumutok na ang kanyang panubigan!

Napasigaw siya ng makaramdam ng hilab sa tiyan.

"Aaaahhhh! Seeebbaassstttiiaann!" tawag niya sa kabiyak na animo nasa malapit lang.

Naramdaman niyang parang napunit ang parte ng kanyang pagkababae.

"aaaaaahhhhhh!" sigaw niya ulit.

May narinig siyang yabag na nanggagaling sa loob ng kanilang bahay.

"aaaaahhh! Sebastian! Manganganak na ako!" tawag niya sa asawa sa pag-aakalang ito ang pumasok.

Pero laking gulat niya ng makitang hindi ito ang asawa niya.

Ito ay isang DIABLO!

Napaatras siya ng mabilis na hindi iniinda ang sakit ng katawan dahil unti-unti itong lumalapit sa kanya.

"Akin na ang anak mo!" utos nito na ang boses ay galing sa ilalim ng lupa.

Napairit ulit si Felisa ng maramdamang ang sakit ng tiyan.

"P-parang a-awa mo na. Wag mong kukunin ang anak ko." nahihirapang pakiusap niya sa diablo.

Ngunit hindi lang siya nito pinansin at biglang tumakbo sa harapan niya.

Nakakatakot ang itsura nito sa malapitan. Kahindik-hindik ang anyo, isang demonyo na dalawa ang sungay na matutulis sa noo at matang pulang-pula, buntot na kasing haba ng latigo, matutulis na ngipin na isang kagat lang ay patay agad ang biktima.

"P-parang a-awa mo n-wag!!"

Naramdaman niya ang paggapang ng matinding sakit sa kanyang kaibuturan ng sakmalin nito ang bilugang tiyan niya.

"aaaaaahhhhhh! T-tulong!" sigaw niya.

Kitang-kita niya kung pano wakwakin ng diablo ang kanyang tiyan at ang paglabasan ng kanyang mga laman. Hinang-hina na siya, unti-unting nawawalan ng lakas hanggang sa malagutan siya ng hininga....

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Yuhooo! New story again! Yes! Haha.

Hi. :*. Vote and comment naman kung nagustuhan. Demanding na ako kung demanding. Yun lang nakapagpapasaya sakin. Ok lang ba kong maibibigay mo ang kasiyahan ko sa simpleng vote o comment lang? Puhhhllleeaaassse. Chalamat. :)

-jaicagabs

NICKO: ANG DIABLOWhere stories live. Discover now