DIABLO DOS

24 0 0
                                    

Hindi parin lubos maisip ni nicko kung bakit may hugis numero sa kanyang batok.

Kinapa-kapa niya ito pero talagang nakapagkit na ito sa kanyang braso. Ditong parte ang sumakit kanina nung kumakain siya pero nakapagtataka na ngayon ay damang-dama na niya ay wala namang bahid na sakit.

Kung titignan mo para siyang tatoo lang pero kung malapitan talagang parang balat na inborn.

Matapos tignan at suriin ang numero ay inayos niya na ang damit at tumuloy sa hapagkainan.

Akmang isusubo na niya ang pangalawang kutsara ay dumating naman ang kanyang ama na pasuray-suray sa paglalakad.

“Aba *hik*! Andito ka na pala *hik* hindi mo manlang ako *hik* tinawag. Kumain ka lang *hik* mag-isa!” galit at pasuray-suray itong lumapit sa kanya sabay hampas ng kamay sa ulo niya.

Napaigik naman siya sa ginawa nito. Ngayon niya lang naranasan na pinagbuhatan siya nito ng kamay.

“Tay! Lasing na po kayo. Magpahinga ka na po.” sagot niya dito at tumayo.

Akmang hahawakan niya ito na bigla nitong tabigin ang kamay niya.

“Hindi ako lasing *hik*” tanggi nito.

Napailing nalang siya.

Nagulat siya ng bigla nitong itapon ang bote na dala nito kanina.

“Tay! Ano ba naman kayo! Kalilinis ko lang tapos magkakalat na naman kayo! Ok lang sana kong tumutulong kayo kaya lang hindi!” sigaw niya sa ama.

Nauubos na ang kanyang pasensiya. Ah hindi pala. Ubos na ubos na. At sagad na sa buto ang galit niya.

Nakita niya ang pagbago ng ekspresyon ng ama bigla itong tumingin ng masama sa kanya.

“Hindi ko kasalanan iyon! Kasalanan iyon ng ina mo na iniwan nalang ako!” sigaw nito at biglang tumulo ang luha.

Nakita ni nicko ang lungkot sa mukha ng ama at ang pagtulo ng luha sa mata nito.

Ganun ba kahirap para sa ama nito na kalimutan ang asawa? Ganun niya ba ito kamahal na kahit siya na sariling dugo at laman ay hindi manlang bigyan ng katiting na pagmamahal?

Napaluha siya at sinabe ang matagal ng hinanakit sa ama.

“Tay, ganun niyo po ba kamahal ang inay na kahit ako na dugo at pawis niyo ay hindi niyo bigyan ni katiting na pagmamahal? Kung tratuhin niyo ako parang hindi ako bunga ng pagmamahalan niyo. Tay, tanggapin niyo na lang po ang katotohanan. Wala na si inay at kailanman hindi na babalik.”

Sa wakas ay nasabe na niya sa ama ang matagal na niyang gustong sabihin dito.

“Mahal na mahal ko ang inay mo icko, hindi ko kayang mabuhay na wala siya.” sabi pa ulit nito.

Dun na siya napamura sa galit.

“Eh p*t*ng*n* niyo pa la! Ayaw niyo pa lang mabuhay na wala ang inay dapat sa pagkamatay niya nagpatiwakal na din kayo! Ang tanga-tanga niyo! Yun lang solusyon dun bakit hindi niyo pa ginawa! Wala na din naman kayong silbi sakin dahil kayo na mismo ang nagtakwil sa akin bilang anak niyo!” galit na sigaw niya sa ama at pumasok sa sariling kwarto.

Iniwan niya sa ganong ayos ang ama. Nakalupasay sa sahig na animo nadulas dahil sa pagkakasalampak nito sa sahig.

“P*t*! Nakakainit ng dugo! Taena!”

Humiga siya sa banig na nakalatag sa papag na tanging higaan niya.

Kailangan niyang ipahinga ang katawan at isipan niya. Ayaw niyang masyadong painitin ang ulo niya dahil baka kong ano pa ang magawa niya.

Nakatulog ang binata na hindi pinansin ang matang pulang-pula na nakatingin at nakangisi sa kanya.

“Hihihihihi. Ganyan nga! Ilabas mo ang totoo mong anyo! Malapit na! Hihihihi.”

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Oh diba? 3 chapter in one day? Grabe kasipag kahit wala pa ni isang reads.

Kakasad naman. ;(

-jaicagabs

NICKO: ANG DIABLOحيث تعيش القصص. اكتشف الآن