WA [DR] 35 - Stolen Memories

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit siya nasa labas? Mukha siyang bothered.

Aamba na sana akong aalis pero napatigil ako dahil sa pagtawag niya sa akin. "You're Nathalia Delacroix... Am I right?" Kaagad akong humarap sa kanya and only to find out that she's already standing right next to me. Napatitig ako sa mga mata niya. Her eyes are glowing.

I bit my lower lip. Hindi pa rin natatanggal ang tingin ko sa mga mata niyang parang nagkakaroon ng sariling ilaw. Her green eyes are brightly glowing. Nakakamangha.

"Hey," she snap-snapped in front of me.

Napabalik ako sa ulirat dahil sa ginawa niya. "W-what... what was that?"

Kahit madilim, kitang-kita ko ang pag ngiti niya. Now, it's not just her eyes that are glowing... Even her teeth. "Sorry..." Bigla na lang nawala ang ilaw na bumabalot sa mga mata niya as if it has its own button to shut it down. "Ikaw si Nathalia Delacroix, di ba? The challenger from Worthwood Academy."

There was a lump in my throat but I managed to speak, "Yes."

"I'm Kristelle. Nice to meet you," She said and offered me her hand.  Nag alinlangan akong tanggapin ang kamay niya. I was once being played on... Yung biglang paghawak ni Catherine sa balikat ko at nakuryente ako. "Don't worry, Light Imaclum ang meron ako." Nabasa niya ang nasa isip ko. Dahil sa sinabi niya, inabot ko ang kamay niya at nakipagkamay ako.

Tinuro niya ang kahoy na upuan kung nasaan siya nakaupo kanina. "I have something to tell you... Pwede bang maupo muna tayo doon?" Her tone became soft and calming.

Napaisip ako... Wait if I'll ask her about Daph? May alam kaya siya? Isn't that a bold move?

Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta sa upuan. Naupo ako, saka siya humarap sa akin. Napatitig lang ako sa kanya dahil panay ang buntong hininga niya.

"Uh..." Simula ko. "Anong sasabihin mo sa akin? Is this about the quest or anything else? May problema ka?" panay tanong ko. Kahit kating-kati na ang dila ko sa pagtatanong ng tungkol kay Daphne, hindi ko magawa. Ayoko namang isipin niyang pinagsasamatalahan ko ang maganda niyang approach sa akin. Dahil ba pinansin niya ako, eh close na kami? Hindi naman.

Umiling siya sa mga tanong ko. "I know you're also curious." She spat out.

Para akong nabigla dahil sa sinabi niya. "What do you mean, Kristelle?" Tanong ko habang pinapakalma ang sarili. I am sure that I closed my mind... sinugurado kong walang makakalabas na kahit ano. Does she have an idea already?

"It's about Marla Daphne Wilson..."

Fuck!

"... alam kong kilala mo siya. Alam mo rin kung sino siya sa buhay ni Uryll Hutchinson." Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkasabi niya noon. Alam niya! "Nathalia..." mas lalo lang akong kinabahan dahil sa emosyon na pinapakita niya sa akin. I can see pain in her green eyes. The different aura, even the way she speaks. Mahahalata talagang may iba siyang nararamdaman.

"Hindi kita maintindihan!" I said. "Pero hindi ko itatangging kilala ko si Daphne."

Ngumiti siya, "I know."

"What about her?"

"May mga tanong ka." Sabi niya. Alam niya nga! Lumapit pa siya lalo sa akin at bumuntong hininga. "I can answer some of your questions, Nathalia... But some will be left unaswered. Wala ako sa posisyon para sa mga iyon." Sincerity is obvious in her tone.

Nagdadalawang isip pa rin ako. Gaya nga ng sabi nila, curiousity kills the cat. "Bakit mo ginagawa 'to kung alam mong wala kang karapatan?"

"Dahil alam kong may maitutulong ka kung sakaling malaman mo ang totoo." Her voice became stoic. Totoo? Anong totoo? She heard my silent plea, "Do you know their history, Nathalia? Do you know why Daphne left Uryll and never bothered to come back?"

Umiling ako. Of course! Paano ko malalaman kung sa tuwing magtatanong ako, isang malutong na mura ang sinasagot sa akin ni Uryll? It's not healthy anymore. Kaya sa tuwing nangangati ang dila ko, pinapabayaan ko na lang. I would rather think alone than have a feast of cussing words.

Bumuntong hininga ulit siya, "Nathalia... Daphne's family was in trouble. She was also in great trouble." She sighs and looks at me straight in the eyes. As if it's hypnotizing me and bringing me to the different world. "Umalis sila dahil 'yon ang mas nakakabuting gawin. They don't want to make another family suffer like they did. Hindi ko alam ang buong istorya pero... her family was killed the day they left. She was the only one who survived that night."

"P-paanong... paanong nangyari 'yon?"

Ngumiwi siya, "Hindi namin alam." Suminghap siya at tinapik ako sa kamay, "Midnight. It was heavily raining... one of our professor came in to our dorm. Buhat-buhat niya si Daphne, pareho silang basa ng ulan. Ang sabi niya sa amin, he was at the gate to roam the perimeter. Lahat kami nagulantang dahil sa biglang pangyayari na 'yon. Ilang linggo siyang walang malay. We thought she won't ever make it, pero nagising siya kalaunan. No one dared to speak up when she woke up. Lahat kami walang magawa dahil sa pagkabalisa niya..." Natigilan ako at mariing nakinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "The only thing that she remembered was her name."

Hindi ko alam na possible pala ang ganoon. Mahirap nga. I thought Uryll was the one who's hurt big time... hindi ko man lang inisip ang side ni Daphne. I was also rude.

"Alam kong kinausap ka ni Catherine... She gave the both of you a warning. She's not that bad, maybe she cares too much for Daphne that's why she became rude to the both of you."

"Paano niyo nalamang may koneksyon si Uryll kay Daphne. Alam niya bang magkababata sila?" Hindi dapat ako ang nasa ganitong posisyon. Si Uryll. Pero alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan kung sakaling sila ni Kristelle ang mag-usap.

Umiling siya. "Walang siyang alam, Nathalia." She sighed heavily, "The council tried to help her by locating her family... kaya rin napag-alaman naming namatay sila sa mismong gabi ng pagdating niya sa amin."

"Bakit hindi niya alam? Hindi niyo ba sinabi sa kanya? O hindi niyo magawang masabi sa kanya dahil..." Dahil bakit nga ba? Bakit ko naisip 'yon? Wala naman sigurong dahilan kung bakit hindi nila nasabi.

She smiled bitterly. "Yes Nathalia... It's the latter. Hindi nga namin magawang masabi sa kanya dahil sa tuwing pinipilit naming sabihin... may nangyayaring hindi maganda."

"Ano?" hindi ko mapigilang hindi mapagtaasan ng boses si Kristelle dahil sa gulat. "Bakit?"

"Kapag may pinapaalala sa kanyang isang bagay, nagkakaroon siya ng breakdown. Isang linggo siyang mawawalan ng malay at parang patay sa sobrang lamig ng katawan." Nanigas ako sa kinauupuan ko. Dire-diretcho ang pagkakasabi ni Kristelle... Na para bang, wala akong choice kung hindi ang i-sapak lahat sa akin ang mga impormasyong hindi ko inakalang malalaman ko sa gabing 'to.

"Wala bang ibang paraan para malaman niya ang totoo? Wala bang makakatulong sa kanya para hindi mangyari ang ganoon?" Panay ang tanong ko. Umiiling lang siya habang patuloy ako sa mga walang kasagutang tanong ko. Damn it! Hindi lang sila ang nahihirapan. I've been friends with Uryll kaya nahihirapan ako. "Will she stay like that forever?" huli kong tanong.

"I don't know, Nathalia." tumingin siya sa ibang direksyon. "I need your help. Catherine is against my plan, pero wala nang makakapigil sa akin. Ayokong makita si Daph na ganoon na lang hanggang sa huli. Please... convince Uryll. Sabihin mo rin sa kanya ang mga sinabi ko. I'm sure, maiintindihan niya."

I tried to paint a smile... Pero kaagad na nawala 'yon dahil sa paglitaw ng isang anino na hindi ko man lang namalayan na nasa gilid lang pala namin.

His voice was hard as rock. "I heard everything."

Halos manigas kaming dalawa ni Kristelle dahil sa tigas ng boses niya. But when I saw him, a tear escaped from his eyes. Kaagad niyang pinunasan iyon. He acted as if hindi ko nakita ang luhang pumatak galing sa mga mata niya. He's hurting again.

"Paanong nangyari 'yon?" Walang buhay niyang tanong.

Hindi na ako nakapagsalita. Napatitig lang ako sa kanya habang papalapit siya sa amin. Napatingin siya sa akin pero kaagad niya rin iniwas.

Kristelle sighed and said... "Her memories wasn't wiped out." As if on cue, bumalik ang tingin ko sa kanya. She looked so serious. "It was stolen from her."

What? Her memories was stolen?

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon