Prologue

14.7K 392 17
                                    

“Asher Calleja. Sino naman sya?” tanong ko kay Bernadette habang tinitingnan ang profile ng lalaking binigay nya sa akin.

“4th year level mula sa College of Engineering. Sya yung napili ko para maging bagong writer natin.” Nakangiti nyang sagot.

Tinaasan ko sya ng kilay. “Lalaki talaga? Sigurado kang lalaki ang gusto mong maging bagong writer natin na galing pa sa COE? Marami namang literature students na gustong sumali nung nakita ko yung lists ah. Mga babae pa. Paltan mo yan.” Utos ko kasabay ng pag abot kong muli sa kanya ng papel.

Ngumiti si Bernadette. Isang ngiting naglalaman ng kung anong mapaglarong ideya. Saka nya inabot ang papel gamit ang makulay nyang kanang kamay. Pinagsalit salit na kulay red at yellow kasi ang nail polish nya.

“I’m sure gugustuhin mong kunin ang lalaking to kapag nakita mo kung pano nya sinulat yung pina assignment mo. Talong talo nya yung sandamakmak na literature students na gustong sumali.” Puno ng confidence nyang sagot kasabay ng pag flip ng reddish nyang buhok.

“Hm..I’m sure hindi.” Nakataas na kilay kong sagot. Basta may involvement ng mga lalaki, ayoko talaga. Hindi ko lang sila maiwasan sa mundo dahil laganap na ang virus nila pero kung sakaling kaya, iiwasan ko talaga.

“Doubt it.” Malokong mga ngiti nya muling sagot. “Basahin mo kung pano nya ginawa and I’m sure, magbabago ang isip mo.” Dagdag pa nya kasabay ng pag abot nya sa akin ng isang piraso ng papel. Inabot ko naman yun at kinuha. “Text mo nalang ako ha kung kukunin na natin sya officially.” Kinuha nya ang bag nya saka sya lumabas ng studio.

Isang assignment ang binigay ko para sa lahat ng mga estudyanteng gustong sumali sa Radio Broadcasting Studio ng school. Simple lang naman, dahil writer ang hinahanap namin, kailangan lang nilang gumawa ng maikling statement about the topic What is Love? At dahil parte si Bernadette ng hiring team namin, sya ang naatasang salain ang lahat ng gustong sumali. Pero, sa akin parin ang final decision.

Tiningnan ko ang papel na binigay nya sa akin. Nakasulat sa pinaka taas na bahagi ng papel ang title nito.

What is Love?

By: Asher Calleja

Tingnan nga natin kung ano tong sinasabi ni Bernadette na ikaiimpress ko daw.

**

Hello Awesome readers!

New story from me. Sana mag enjoy kayo sa bagong storya kong ito.

Medyo bitchy lang ito katulad ng A Hidden Bitch kong kwento pero trust me, sobrang iba to. If you have read that story, for sure, makikita nyo ang difference.

Anyways, have a blessed Tuesday and I will upload the first chapter in just a few days.

Thank you sa pagbabasa!

Please VOTE kung nagustuhan moa ng chapter na ito.

Please COMMENT for any thought about the story.

Love and Peace.x.

MsRedMonster

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon