Hater 16: Boys VS Girls

5.2K 131 12
                                    

"Jess, sino ba dyan? Parang wala naman." Palinga lingang bulong ni Mikaela habang pabalik balik ang tingin nya sa isang litratong binigay nung si Calleigh at sa loob naman ng classroom ng girlfriend nyang si Charity.

"Antayin nalang kasi natin. Matatapos na yang quiz nila." Sagot ko sa kanya. Hindi ko rin kasi naman makita kung nasa bay un sinasabing si Charity. Mga nakayuko naman kasi sila. Nag ququiz pa nga.

Matapos ang limang minuto, tumunog ang bell ng school. Hudyat na tapos na ang isa't kalahating oras na period. Sabay sabay namang tumingala ang mga nakayukong ulo.

"O ayan, abangan mo sa pinto lahat ng lumalabas." Utos ko kay Mikaela.

"Eeh parang di ko nga makilala eh." para bang medyo nagpapanic pa nyang sagot habang palinga linga parin sa litrato at sa mga baabeng tao sa classroom. Naligaw pa tuloy kami dito sa College of Arts. European studies kasi tong si Charity.

"Makikilala natin yan kapag malapit na." sagot ko sa kanya habang patingin tingin din sa loob ng classroom.

"Eh pano kung masungit. Hindi natin mahila?" tanong ni Mikaela.

"1st year lang yon. 4th year ka na. Ibig sabihin, matanda ka na. Kaya mo na yan." Paroll eyes kong sagot sa kanya.

"Alam mo namang hindi ako war freak tulad mo." Bulong nya.

"Ano?" tanong ko sa kanya ng may panlalaki ng mata.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo kaso bingi ka." Natatawa pa nyang sagot.

Whatever. Pinansingkitan ko nalang sya ng mata ko.

Isang babaeng naka floral dress at grey cardigan na may itim at medyo kulot sa babang buhok ang nakapukaw sa paningin ko. Mukhang sya na yon.

"Mikaela. Yun ata." Turo ko dun sa babaeng naka floral.

"Ha? Saan?" tanong nya sabay pagpapahaba ng leeg. Saka sya napangiti. "Oo nga." Tingin sa picture sabay tingin muli dun sa babae. "Mukhang sya na nga." Ngisi ulit ni Mikaela.

Hinintay naming maipasa nung babae yung papel nya. Mukhang nahirapan pa ata sa quiz. Nakasimangot eh. Ano kayang subject to?

Maya maya pa. Kinuha na nya ang bag nya at palabas na ng pinto ng harangin ni Mikaela.

"Charity Francisco?" tanong ni Mikaela ng may malalaking ngiti. Yung ngiting nakakatakot. Yung mukhang pang kidnapper.

Nag aalangang tumingin yung babae kay Mikaela, tapos sa akin.

"Ako nga. Bakit? Sino kayo?" tanong nya,

"Ah, kaibigan kami ng boyfriend mo. Si Calleigh Gonzales." Sagot naman ni Mikaela. "Kasi-"

"Correction lang Ms. Hindi ko pa boyfriend yung ugok na yun." Pagsingit ni Charity sa pagsasalita ni Mikaela.

Agad namang napatingin sa akin si Mikaela ng may mga mapaglarong ngiti. Tong babaeng to, akala ba nya gagana sa akin yang mga ngisi nyang gumagana kay Bernadette. Hindi naman ako manghuhula para hulaan ang nasa isip nya.

"O bakit?" tanong ko kay Mikaela.

"Kayo kasi ang magkakasundo. O ayan, ikaw na kumausap." Sagot nya sakin. "Sya si Jessica Misteryo. Sya kakausap sayo." Pagpapakilala ni Mikaela sa akin.

Napalipat naman ang tingin sa akin ni Charity.

"Jessica Misteryo ng advices on air." Pagpapakilala ko.

The Ultimate Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon