ENTRY #46 - [The Pictures]

6.1K 124 1
                                    

ENTRY #46 - [The Pictures]

Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Dahan dahan akong bumangon sa kamang pinaghihigaan ko pero parang tinakasan ng lakas ang buong katawan ko ng makitang wala ako ni isang saplot sa katawan. I felt my body froze. What happened to me? 

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwartong 'to. Wala akong matandaan. Bakit ako hubo't hubad? Bakit wala akong matandaan?

Ang huling naaalala ko lang, pumasok ako sa condo ni... Nate! Oh my God. Anong nangyari? Did he... raped me? No! Hindi pwede.. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala namang ibang masakit sakin bukod sa ulo ko. 

Nothing happened, right? Sigurado akong wala dahil hindi naman masakit yung 'ano' ko. Sabi kasi nila, kapag daw first time mong makipag-'ano'... alam niyo na, masakit daw yung 'ano' niyo. Pero hindi naman masakit yung akin e, kaya sigurado akong walang nangyari. Pero bakit ako nakahubad? bumangon na ako sa kama at ibinalot yung kumot sa katawan ko.

Inalala ko yung mga nangyari kanina pagkadating ko dito sa condo ni Nate.


Pagkapasok ko, pinaupo niya ako sa sofa tapos siya dumaretso sa kitchen habang naka-topless parin. Medyo naasiwa ako sa itsura niya. Ewan ko ba., hindi kasi ako sanay na naka-ganon lang siya.

Pagbalik niya may dala na siyang orange juice at ibinigay sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat bago ko mabilis na ininom yung juice. Pakiramdam ko kasi nanunuyo yung lalamunan ko sa sobrang kaba. 


"Uhm... Thank you for coming, Xhyril." malawak ang ngiting sabi niya sakin habang tinititigan ako ng mataman. Pinangalahati ko muna yung juice na iniinom ko bago sumagot.

"Wala yon. Tinupad ko lang yung promise ko. And Nate... sana tuparin mo rin yung promise mo. Ayoko kasing magkasira kami ni Xander. We've been through a lot, Nate, you know that.. kaya ayoko nang may makasira pa." Daretsong sabi ko.

I saw his lips curve into a small smile habang pinaglipat-lipat ang tingin sakin at doon sa baso ng  juice na ininom ko kanina. Napakunot-noo ako.


"Don't worry, Xhyril. I can keep my promise. This will be the last.. then after this wala nang makakagulo sa inyo ni Xander." makahulugan niyang sabi pero hindi ko nalang pinansin.

Yon na yung huling sinabi niya na naintindihan ko. Meron pa kasi siyang ibang sinabi pero hindi ko na matandaan dahil unti-unti nang namigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.


Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa pinaghalong takot at galit. Napakawalanghiya niya! Anong ginawa niya sakin? I treat him as a very good friend, halos parang kapatid na nga ang turing ko sa kanya tapos ito lang ang gagawin niya sakin?


I know nothing happened between us and I'm very thankful for that but still... ang hindi ko matanggap na ginawa niya sakin 'to. Pakiramdam ko binaboy niya ako. Pinagkatiwalaan ko siya tapos ito lang yung napala ko? hayup siya!


Isa-isa kong pinulot yung mga damit ko na nagkalat sa sahig saka ko ito nagmamadaling sinuot at lumabas na doon sa kwarto.

Hinanap ko si Nate sa buong condo pero wala siya. Ako lang mag-isa ang naiwan dito. Medyo mas napanatag ako na wala siya dito dahil kung hindi? Hindi ko na alam kung anong pwede kong magawa sa kanya.

Nilapitan ko yung sofang inupuan ko kanina. Gabi na. Sobrang tagal ko rin pakang nakatulog. Naabutan ko parin doon sa mesa yung halos kalahating juice nalang na ininom ko. Kinuha ko 'yon at tiningnang mabuti. Halos mabitawan ko na yung baso ng makita ko yung mga puting gamot na tumining doon sa juice na ininom ko! Pero bakit? Pano niya nagawa sakin 'to?!

Ugly Princess turns to be a Pretty DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon