ENTRY #22 - [Kiss]

6.9K 232 7
                                    

ENTRY #22 - [Kiss]

After 2 days...

"Halika Isay daliiiii! May practice daw sina Nate sa soccer field ngayon! Come on, I'll introduce you to him." Sabay hatak na sakin ni Sherine paalis. Tatanggi sana ako pero hindi niya na ako hinayaan.

Actually kilala ko na naman si Nate eh, matagal na, sikat din naman siya dito sa school kasi gwapo siya at captain pa ng soccer team. (A/C: May captain ba talaga ang soccer? Diko alam. Hahaha. XD)

He's NATHAN ELISALDE. Certified playboy! Usap-usapan nga dito sa school na sila daw ni Tanya ngayon or naging sila. Ewan ko. Bahala sila, pero tingin ko nagkamali yata ako sa desisyon ko. Oo nga naiwasan ko si Xander pero si Tanya naman yata ang makakalaban ko in return because of Nate. Hayyy! Ang laki pa naman ng galit ni Tanya sakin.

Speaking of Xander. Two days ko na siyang naiiwasan. Medyo effective naman yung plano ko kasi di ko na siya masyadong nakikita, because of my duty in the library.

Late narin ako nakakauwi kaya pagdating ko sa mansion nila, nasa kwarto na siya. Sa umaga naman sinasadya kong maaga gumising para di niya ako maabutan. Kinausap ko narin naman si Sir Alex about this issue. Sinabi kong two weeks lang naman ang ganitong set up namin ni Xander because of some school matters, pumayag naman siya.

Ilang beses din akong tinetext ni Xander kapag may kailangan siya. Halimbawa kapag may ipapabili siya or something. Sinusunod ko naman siya eh kasi sempre trabaho ko yon diba? Kaya lang ipinapakiusap ko naman kay Sherine na kung pwede siya na ang magdala kay Xander. Willing naman siya.

Maybe it's better if we just stay like this. Yung ganitong set-up. At least hindi ko na siya nakakasama araw-araw, may tendency na mawala narin yung feelings ko sa kanya.

May time pa nga na kapag makakasalubong ko siya umiiwas ako para lang hindi kami magkita o di kaya sa library nalang ako nag-iistay para lang sigurado na wala siya. It's very hard for me, of course. But I don't have a choice.

"NATE!" Napapitlag ako ng marinig kong tinawag ni Sherine si Nate. Nandito na pala kami sa field. WAAAAA! ISAY! Ano ba 'tong pinasok mo?!

Lumingon samin si Nate. Ang dumi niya. Medyo maputik kasi sa field ngayon dahil umulan kahapon. Nakangiti siyang lumapit samin ni Sherine. Akmang hahawakan ni Nate si Sherine pero mabilis na nakaiwas ang huli.

"Don't you dare touch me Nathan Elisalde, kung hindi lagot ka sakin. Ang dumi-dumi mo 'no!" She warned sabay ingos sa kanya. Humalakhak lang si Nate sa naging reaksyon ni Sherine.

Ako?

Eto narrator lang ampeg. XDD psh!

"By the way. Nate this is Isay, siya na yung bagong mag-iinterview sayo because I will be featuring the Basketball team now." Proud at malawak ang ngiti ni Sherine habang sinasabi yon.

Nakangiti namang binalingan ako ni Nate. I smiled back, he even offered his hand for a handshake, tinanggap ko naman.

"Hello Isay. Is that true? Ikaw na daw mag-iinterview sakin?"

Bakit ayaw mo? Gusto mo maganda, ganon? TSSS! Pare-pareho talaga kayong mga lalaki. May bitter side of my mind said.

I raised my chin up. "Yes, ako na nga." Matatag na sagot ko. Pero mas namangha ako ng biglang umaliwalas yung mukha niya dahil sa sinabi ko. Problema ng lalaking 'to? Weird huh.

"Really?? YES! Finally, hindi narin 'tong masungit na 'to ang mang-iistorbo sakin. I'm so lucky!" Natatawa-tawang sabi ni Nate. Nag-pout naman si Sherine. Cute nila. XD

Ugly Princess turns to be a Pretty DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon