6.1

77 16 3
                                    

hi sis ! dedicate ko pala sayo to ! hahahha kasi mahal kita :)))))

kamusta kana sa Jupiter? buhay kapa ba? hahaha, ! akala ko kasi nawala kana. XD di na kasi ako nakadalaw sayo !

missyou

chariiiing bakla ko na.. hahhahahha 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"eh totoo naman Troy lahat ng sinasabi ko ah, bakit ba? porket ba na nakita mo akong sasapalin na si Daisy ako na agad ang may kasalanan? ganun? di mo pa nga alam ang buong storya, bakit ganun Troy? pakiramdam ko bale wala lang ako sayo? mag bestfriend tayo diba? di ko naman hinihingi na mahalin mo ko pabalik eh, alam ko naman na hindi mo ko kayang mahalin , pero pabayaan mo naman akong iparamdam sayo kong ganu ako ka alala sayo bilang bestfriend mo. alam mo naman ako diba? kilala mo naman ako diba? sabihin mong oo Troy , please" kahit na sa tingin ko iiyak na ako , pinigilan ko talaga ang mga luhang sa tingin ko ay papatak na. ayaw ko kasing ipakita na nahihirapan ako. 

"alam mo Abbie, di sa lahat ng oras dapat my mga paliwanag lahat ng nakikita mo. oo, di ko nga alam kung anong nangyari, pero Abbie kilala ko si Daisy di niya magagawang ipagpalit ako sa iba, ramdam kong mahal niya ako kaya ganun din ako sa kanya. alam ko namang ginagawa mo to kasi diba? mahal mo ako? pero sorry talaga Abbie, di kita kayang mahalin, sana  naman maintindihan mo? hanggang bestfriend lang talaga ang tingin ko sayo, oo alam ko namang nagmamalasakit ka sakin pero sa ginagawa mong yan pinapakita mo na nagseselos ka kay Daisy , na gusto mo lang kaming sirain para mapunta ako sayo, at dyan ka nagkakamali Abbie, oo kilala nga kita nung una kasi ang alam ko ganun rin ang tingin mo sakin, pero ngayon? ibang Abbie na ang nakikita ko, makasarili at di iniisip ang damdamin ng ibang tao." shemay ! kahit na ako di makapaniwala nasasabihin lahat ng to ni Troy, kalma lang Abbie, nadala lang sa galit si Troy. di niya kayang gawin yan sayo diba? kasi mag bestfriend kayo. pero bakit sa lahat ata ng masasakit na salita . ito ang pinaka TAGOS! parang unti unti akong nanlalambot, grabe ako na nga ang nagmamalasakit ako pa ngayun ang di pinapaniwalaan? kaya di ko na kaya napaluhod ako, alam kong iiyak na ako kaya lang my sumalo sakin, pagtingin ko si Jessie pala akala ko naman si Troy, alam ko namang di niya gagawin sakin yun, kasi akala niya ako ang may kasalanan lahat.

"uy! Abbie teka lang? ba't ka ba umalis? mabuti nalang na abutan kita, at anung nangyari sayo? oh, ba't andito kayo Troy at Daisy? may ginawa ba kayong masama kay Abbie?" sabi ni Jessie na parang nalilito sa nangyari,

"Jessie, pagsabihan mo nga yang bestfriend mo. di mo ba alam na muntik na akong sampalin niyan?" pagmamataray na sabi ni Daisy,

"oh? at bakit ko naman siya pagsasabihan ha? mabuti nga kong tinuloy niya ang pagsampal sayo eh,"

"what? Troy ! bat ba ganun sila sakin? alam mo Jessie ! go to hell parehas lang kayo ng bestfriend mong masasama ang ugali !"

"thanks for the compliment bitch ! tama lang yan sayo. at aasa ka kay Troy? wala kabang sariling panindigan kundi magsumbong lang ng kasinungalingan kay Troy? at ikaw nman Troy? ba't napapaniwala ka ng babaeng ganyan? di mo ba alam na nakikipaghalikan yan dito sa bar?"

sasabunutan na sana ni Daisy si Jessie ng bigla akong magsalita. "tama na ! please Jess, let me handle this, Daisy kong di kanaman aamin sa ginawa mo okay wala na akong magagawa sayo, alam kong alam mo kong sino satin ang nagsasabi ng katotohanan. karma strikes kong baga, at liningon ko si Troy sabay sabing grabe no? ganyan na ba ka kitid ang utak mo Troy? nabulag ka sa pag ibig, pati ang sarili mong bestfriend pinagkamalan mo pang sinungaling? oo , mahal nga kita , eh ano naman? lahat tayo my pakiramdam kaya di maiiwasan na mahuhulog tayo sa taong di naman tayo mahal. pero di ibig sabihin nun eh gagawin mo lahat ng kasamaan para lang ikw ang mahalin pabalik ng taong yun. hindi ako ganung klaseng babae Troy. mahal nga kita pero marunong ang mag let go, kasi alam ko magiging masaya ka sa piling ni Daisy, alam mo ba bakit andito ako sa bar? para i set ang sarili ko na mag move on na, at bukas sana hihingi na ako ng tawad sa inyo ni Daisy, kaya lang sa di inaasahang pagkakataon, nakita ko yang girlfriend mo na may kahalikang ibang lalaki , akala ko nga nung una ikaw kaya nga nasasaktan nanaman ako pero di pala kaya nagulat ako. kaya ko dito dinala si Daisy to explain everthing at ayun nga nung nalaman kong di ka pala niya mahal at isa kalang sa mga flings niya, sumakit ang puso ko kasi mahal din kita ayoko kong masakatan ang taong mahal ko. pero eto ako naman pala ang mali ngayon, sorry ha? kasi nangengealam pa ako sa buhay mo. wag kang mag alala di nayan mauulit, tayo na Jess, umuwi na tayo" at pagkatapos kong sabihin yun tsaka ako umiyak ng todo kay Jessie, 

"shhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.. Abbie, shhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, sabi ko na nga ba eh napakasinungaling talaga ng babae yun sarap itapon sa impyerno. at itong kumag mo namang bestfriend eh naniwala pa sa bruhang yun? grabe lang." habang tinatapik tapik ni Jessie ang likod ko,

"*sobs* bakit *sobs* ganun? nagmahal *sobs* lang naman ako ah? *sobs*"

"sssssshhhhhhhhhhhhh tahan na bestfriend, sige hahatid na kita muna sa inyo para makapaghinga kana. bukas na natin sulitin ang hinanakit mong yan, hayy" 

at ayun hinatid nga ako ni Jessie sa bahay namin, mabuti nalang tulog na sina mom at dad dahil kong hindi tapos talaga ako namamaga na kasi ang mga mata ko sa kakaiyak, at si Jessie naman ewan ko kong babalik pa siya sa bar kasi iniwan nya dun si Kevin eh, 

grabe lahat ng plano ko, palpak lahat. lahat ng inakala ko mali pala lahat? pero bahala na matutulog na muna ako pagod na ang puso ko pati utak ko lutang nadin, last na talaga to bukas , i have to decide na talaga. ayoko nang masaktan ulit,

His Pov "Troy"

pagkatapos lahat ng sinabi ni Abbie sakin , para akong natauhan ... ang tanga tanga ko naman ! bakit ba ganun? bakit di ko man lang pinaniwalaan si Abbie? di ko naman alam tama pala lahat ang sinabi ni Abbie , all this time may malasakit lang pala siya sakin kaya ginawa niya akong protektahan? shiiiiiiiiiiiit!!

nandito ako ngayon sa bar, tama kayo nagpakalasing ako ! takte ! alam ko na ang lahat , kasi nung pagka alis nila Abbie at Jessie, my pumuntang lalaki sa kay Daisy , Cedrick ata ang pangalan ng gag*ng yun ! sinabi lahat ni Cedrick na naghahalikan nga sila ni Daisy at ako naman ang tanga ! naniwala sa babaeng ito. di ko na napigilan ang sarili sa mga nangyari na paamin din si Daisy na di pala siya ang ka chat ko sa mood.com? ang tanga ko lang ano? ang laki kong G*GO! inamin ya din na isa ako sa mga fling niya at di lang yun inamin niya din na walang kasalanan si Abbie sa lahat.

kong di lang talaga babae to, kanina ko pa sinuntok to! 

"napakalaki mong GAG* TRoy!" yan nalang nasambit ko ,

oo aaminin ko, mahal ko naman talaga si Abbie matagal na. ang tanga ko no? malaking katangahan ! di ko kayang aminin sa kanya kasi di ko gustong masira ang pagka bestfriend namin pero ito na nga sirang sira na ! nasaktan ko na siya ng sobra , di ko man lang siya pinaniwalaan? akala ko kasi, punyetang akala na yan ! sana ako na lang lahat ang makakaramdam ng sakit na nararamdaman ni Abbie, sa ako nalang ! sana ako nalang!

Abbie, please sana di pa ako huli! sana mapatawad mo pa ako! 

Abbie, mahal kita

mahal

na

mahal

kita,

handa na akong sabihin sayo,

kong ganu kita ka mahal!

sana, mapatawad mo pa ako...

sana,

...........................

AYON ! HAHAHAHAHA, MALAPIT NA TALAGANG MATAPOS TO  :))) 

If.You.And.Me (short story) ongoingWhere stories live. Discover now