Dice Game - PART XXII

Start from the beginning
                                        

NICO: To be honest, I don't know. I-I don't know what to do? I don't know who to trust? I don't know! I just want to get out of here. Hindi ko rin ine-expect na lahat ng sinakripisyo ko para sa tropa mapupunta rin pala sa wala.

Nagiging paranoid na si Nico habang sinasambit nya ang mga salitang iyon kaya't niyakap nya ito. Nakita iyon ni Candice at hindi sya naging komportable sa mga nakita nya.

JOANNA: Nico! Calm down, calm down.

Paulit-ulit nyang bigkas hanggang sa tumigil na si Nico sa kanyang mga ginagawa.

NICO: I just want to get fuckin' outta here!! That's all.

Bigkas nya habang papatulo na ang mga luha sa mata nya.

JOANNA: Your right. We might not know yet what to do, but I can assure that there is someone you can trust.. And that's me.

Napatingin si Nico sa mga mata niya at saka nya ito nginitian ng kanyang matamis na ngiti. Nakatitig lamang si Nico sa kanya at naghahanap ng sinseridad kanyang mga sinabi.

NICO: S-salamat.

Ang tanging bigkas ni Nico sa kanya at nakahanap ito ng kasiguraduhan sa piling ni Joanna. Samantala, pinagmamasdan lamang ni Candice ang dalawa at mabigat ang kanyang loob sa mga nakikita. Hindi niya napigilan ang sarili kaya't pumasok na rin sya sa kusina para matigil ang dalawa. Nagulat ang dalawa ng makita syang pumasok sa loob at agad na naghiwalay ang dalawa.

JOANNA: Uy! C-Candice, andyan ka pala.

CANDICE: Kanina pa.

Diretsa nyang sagot dahilan upang magkatinginan si Nico at Joanna. Its a long silence and an awkward moment for three of them. Para mapigilan ang nararamdamang awkwardness ay bigla na lamang pumasok sa isip ni Joanna ang magtanong.

JOANNA: A-ano palang ginagawa mo dito Candice?

CANDICE: Kakain! Di ba kusina 'to?

Napatikom na lamang ng bibig si Joanna dahil sa malamig na mga sagot nya. Maya-maya naman ay si Nico naman ang nagsalita.

NICO: Umm.. Candice...

CANDICE: Bakit?

Agad na nagbago ang tono ng boses nya nang sumagot sya kay Nico.

NICO: Salamat kanina.. Kasi kung hindi mo pinigilan si Randy, baka nawalan na ako ng buhay. Salamat talaga.

CANDICE: Ah-ayos lang yun.

Mahinahong bigkas nito.

CANDICE: Ayoko lang na tayo-tayo mismo yung nagpapatayan, at kung meron man tayong pagkakaisahang patayin, mas maganda na yung sigurado, para worth it ang pagpatay.

Nang binigkas nya ang mga salitang yun ay tinitigan nya sa mga mata si Joanna na medyo kinabahan.

CANDICE: Hindi lang talaga nag-iisip ng matino si Randy.

Dugtong niya.

NICO: Pero salamat talaga.

Sambit ni Nico at hinawakan nya sa balikat si Candice.

CANDICE: Wala yun.

Bigkas niya at kanyang iniwas ang kanyang balikat at nagtungo sa refridgerator upang kumuha ng mansanas.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 02:36AM

Nagpapahinga ang lahat sa sala, sina Justin, Maricar, Randy, Julian at Hiko. Matamlay pa rin sila at nagkaka-ilangan.

Samantala, hindi naman mapakali sa isang tabi si Justin, iniisip pa rin nya kung bakit narinig nya ang kanyang pangalan na pinag-uusapan nina Jerry kanina ng bumalik sya at kunin ang mga flashlight. Dahil dun, hindi na nya napigilan ang sarili at nagtanong na lamang kay Maricar.

JUSTIN: Umm.. Maricar.

Tawag nya, lumingon si Maricar at maging sina Julian ay napalingon din.

MARICAR: Ano yun?

JUSTIN: D-di ba.. I-inaalam nyo kanina nila Jerry k-kung sino yung tinutukoy ng clue?

Nauutal nyang tanong. Agad na naghinala si Maricar dahil nakita nya sa mukha ni Justin na kinakabahan ito. Nagpanggap na lamang sya na hindi ito nahalata.

MARICAR: Ah, Oo bakit?

JUSTIN: M-meron na ba kayong lead kung sino yung Game Maker?

MARICAR: Umm.. Wala pa naman, limited lang kasi yung information natin para matukoy yung Game Maker.

Nakita nya na nakahinga ng malalim si Justin sa sinagot nya at nagtaka ito sa pagiging kampante ni Justin.

JUSTIN: Umm.. Ano ba yung clue na binigay nya pwede bang tignan.

Bigkas niya, si Maricar ang may hawak ng maliit na papel kung nasaan nakasulat ang clue. Kinuha nya ito sa bulsa ng kanyang palda, nang kanya na itong iaabot kay Justin ay biglaan namang bumalik si Jessica sa sala na pinagpapawisan at takot na takot.

HIKO: Oh, Jessica.. Anong nangyari sa'yo?

JESSICA: Guys..

Hindi nya mabigkas ng tuloy-tuloy ang kanyang sasabihin dahil hinahabol nya ang kanyang paghinga.

RANDY: Ano yun? Bakit?

JESSICA: Guys... S-si Alfie...

Agad na nagkatinginan ang mga ito.

ΦΦΦ END OF PART XXII ΦΦΦ


The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now