Bigkas nya at umalis sya ng sala, muli na namang natahimik ang lahat at napagtanto ang lahat ng mga sinabi ni Nico. Tama sya, sa sitwasyon ngayon na alam na nilang isa sa kanila ang Game Maker ay wala na silang maaaring pagkatiwalaan kundi ang sarili nila. Maya-maya pa ay sinundan ni Joanna si Nico kung saan man ito nagtungo.
JUSTIN: Tama si Nico, wala tayong ibang mapagkakatiwalaan kundi sarili lang natin. Pero guys, please! wag tayong padalos-dalos sa kilos natin.
Bigkas niya, matapos nyang sabihin ito ay walang tumugon o sumang-ayon man lamang, sa halip ay kanya-kanyang alisan ang lahat na parang tinatamad at matamlay. Alam nila sa kanilang sarili na mahirap ang pinapagawa ni Justin dahil sa pagkakataong magkaroon ka na ng matibay na ebidensya sa suspetsa mo, hindi mo na mapipigilan ang galit na mararamdaman mo.
Nagsiupo ang lahat at sumandal sa pader. Ang dating dikit dikit na magkakaibigan ay nagkaroon ng puwang sa bawat isa, nakaramdam ng ilangan at nawalan ng tiwala.
Umalis ng magkakasunod sina Alfie, Candice at Jessica na hindi nila pinapaalam kung saan sila pupunta hindi tulad kanina na binabantayan nila ang isa't isa. Ngayon ay wala na silang pakialam sa iba at nagkakanya-kanya na sila, siguro dahil sa pag-iisip na wala na silang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang kanila lamang sarili.
JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 02:29AM
Naglalakad si Candice sa hallway patungong kusina at habang papalapit sya sa pinto ay naririnig nya ang boses nina Joanna at Nico na nag-uusap. Tama ang hinala nya na dito nya matatagpuan ang dalawa. Lumapit sya sa pinto upang marinig ng maigi ang pinag-uusapan ng dalawa.
NICO: Medyo naging hard ata ako sa kanila kanina.
Bigkas niya kay Joanna.
JOANNA: Hindi, ayos lang yung ginawa mo. Kami nga 'tong dapat na mahiya sa'yo kasi kung hindi dahil sa'yo buong year naming pagdudusahan ang pinagdudusahan mo. Bilib ako sa'yo kasi nakakaya mo yung mga ganung text message na pinapadala sa'yo.
NICO: S-s-salamat.
Tanging salitang lumabas sa kanyang bibig.
JOANNA: Wag kang mag-alala, makakalabas din tayo dito.
Ngumiti ng kaunti si Nico.
JOANNA: Saglit, kung isa talaga sa sa'tin yung Game Maker. Hindi ko makuha yung point kung bakit nya ginagawa 'to. I mean, pare-pareho naman nating napag-usapan na ililihim natin at pagtutulungan natin 'to.
NICO: Anong ibig mong sabihin dun?
JOANNA: Sigurado naman kasing hindi 'to gagawin ng Game Maker ng walang mabigat na dahilan. Kung ginagawa nya 'to dahil nakokonsensya sya, ganun din naman tayo e, pare-pareho tayong nakokonsensya kaya parang napakababaw ng magiging dahilan kung dahil lang dun, di ba?
Napaisip ng sabay ang dalawa maging si Candice na nakikinig din sa labas. Mahabang katahimikan ang nangyari. Maya-maya pa ay isang seryosong tanong ang tinanong ni Joanna.
JOANNA: N-Nico, totoo ba yung sinabi mo kanina?
Nahihoyang sambit ni Joanna habang si Nico naman ay lumingon sa kanya.
NICO: Ang alin?
JOANNA: Na wala ka nang pinagkakatiwalaan na kahit isa sa amin?
Hindi agad na nakaimik si Nico kaya't diniretsa na ito ni Joanna.
JOANNA: Ako Nico, may tiwala ka pa ba sa'kin?
Tanong nya. Huminga muna ng malalim si Nico bago nya ito sinagot.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XXII
Start from the beginning
