Dice Game - PART XXI

Start from the beginning
                                        

NICO: Remember yung unknown number na nagtext kina Nancy nung first day of school? It is actually the same phone number na nagtitext sa'ten ngayon.

Bigkas nya, halo-halo ang naramdaman ni Joanna ng marinig nya ito. Nagulat, kinabahan at nagtaka.

JOANNA: Teka, pano mangyayari yun e di ba ikaw nga yung umamin na may gawa nun. Paano ka magtitext ng parehong number ngayon e kung kasama kita at gumagawa ka ng assignment tapos nasa akin pa yung phone mo, pano ka nakapagtext sa number ko at sarili mong number ngayon?

Nagkatinginang muli si Nico at Alfie.

ALFIE: Ang totoo kasi nyan, hindi naman talaga si Nico yung nagsend ng mga messages na yun kila Norman e.

Pag-amin nito. Tumindi ang kabang nararamdaman ni Joanna.

JOANNA: P-pero inamin mo.. So, niloko mo lang kami?? Ganun ba?

NICO: Hindi ko naman ginustong lokohin kayo e. Wala lang talaga akong ibang maisip na paraan nung araw na yun kung paano tayo makakalusot sa sitwasyon na yun.

JOANNA: Anong ibig mong sabihin?

ALFIE: Yung totoo, kaya inamin ni Nico na sya yung nagtext nung araw na yun kasi alam nya na naiipit na tayo sa sitwasyon at hindi natatapos yung mga tanong nila Norman nung araw na yun, naisip ni Nico na baka lalo pa tayong mahalata at mayroong madulas sa atin at maikwento pa sikreto natin. Kaya umamin na si Nico para lang matapos na yung usapan.

JOANNA: E kung ganun, sino yung nagtitext na yan.

NICO: Hindi rin namin sya kilala pero may kutob kami na madalas lang natin syang kasama.

JOANNA: Bakit?

Ikinuwento ni Nico ang lahat ng mga naging karanasan nya.

NICO: Nung araw na yun na umamin ako, nakatanggap ako ng text message mula sa unknown number...

"Nice move, sige. Pakabayani ka"

...Nung araw na yun kinabahan ako para sa sarili ko. At hindi lang yun, nung araw na nagkaayos na kami ni Maricar tapos nagpunta tayo sa Central Mall. Maaga akong umuwi nung araw na yon tapos ang sinabi kong dahilan may emergency na nangyari sa lolo ko. Actually kasinungalingan lang din ang lahat ng yun, nakareceive ako ulit ng text galing sa unknown number nung araw na yun.

"Secrets are still hidden. Everyone is safe again, but how about your own family, are they safe?"

Agad akong nagpanic at umuwi nung mabasa ko na parang pinagbabantaan nya yung family ko.

Paliwanag ni Nico. Nakaramdam ng awa si Joanna ng marinig nya ang kwento nito. Sobra sobra pala ang pinagdaanan nya para lang pagtakpan ang sikreto nilang lahat at nagawa pa nilang pagdudahan at magalit sa kanya kahit na hindi naman ito ang may tunay na kagagawan.

JOANNA: Bakit di mo agad kinuwento samin 'to? Bakit mo nililihim?

NICO: Ayoko lang na magpanic ulit kayong lahat. Gusto ko lang na maging normal ulit yung buhay natin.

JOANNA: E pano ka? Ikaw ang sumasalo ng lahat. Dapat malaman 'to ng iba.

NICO: Please wag!

Agad na pagmamakaawa ni Nico.

NICO: Ipapaalala lang ulit natin sa kanila lahat at ayokong mamroblema ulit yung tropa.

JOANNA: Pero, malaking problema 'to, kailangan tayong magtulungan para matukoy kung sino yung gumagawa ng mga pantitrip na 'to.

NICO: Please Joanna! Kaya ko to.

JOANNA: Pero-

Tinitigan sya ni Nico na para bang sinasabi na Just trust me. Walang nagawa si Joanna kundi ang sumang-ayon na lamang kay Nico.

JULY 16, 2013.
TUESDAY 02:21PM

Papunta sina Hiko at Julian sa work park upang puntahan doon sina Joanna. Habang papunta sila doon ay kanilang nakasalubong si Marco na mag-isa at papalabas pa lamang ng library.

JULIAN: Oh, anong ginagawa mo dyan?

MARCO: Huh? A-ano, hinahanap ko kasi sila Nico, nasa kanila kasi yung assignment ko sa Math akala ko naman nandito sila sa library.

JULIAN: Nasa work park daw sila e, kasama si Alfie at Joanna, actually papunta rin kami sa kanila, gusto mo sumama?

Yaya ni Julian hindi naman nagdalawang isip si Marco.

Seryoso pa ring nag-uusap sina Joanna tungkol sa sikretong ibinunyag sa kanya ni Nico. Gusto ni Nico na maging lihim ito sa kanilang tatlo ni Alfie ngunit hindi mapalagay si Joanna sapagkat hindi kayang makita si Nico na nahihirapan.

JOANNA: Sigurado ka bang ililihim mo lang 'to sa kanila?

Tumango lamang si Nico bilang pagtugon.

JOANNA: Sigurado ka bang ayos ka lang?

NICO: Oo naman, ayos lang ako. Wag kang mag-alala sakin.

Tugon nya, pero alam ni Joanna na sinabi nya lamang ito para lamang papanatagin ang loob nya.

Habang seryoso silang nag-uusap ay napansin ni Alfie na papalapit sa pwesto nila sina Julian.

ALFIE: Shh.. Andyan sila Julian.

Bigkas nya at saka sila nagkunwaring abala.

JULIAN: Joanna.

Tawag nito habang papalapit.

JOANNA: Uy! Bakit? Ano yun Julian?

Tanong nya ng makalapit na ito sa kanila.

JULIAN: Ah, kukunin ko labg yung activity ko sa physics. Di ba sa'yo ko pinalagay yun?

Habang nag-uusap ang dalawa ay nilapitan naman ni Marco si Nico para alamin kung tapos na silang mangopya at gamitin ang assignment nya.

NICO: Umm.. Malapit na 'to Marco, saglit na lang.

Bigkas ni Nico at Alfie sa kanya. Samantala, isang bagay naman ang napansin ni Hiko.

HIKO: Teka, bakit parang ang puputla nyong tatlo?

Agad na nagkatinginan ang tatlo at lalong tumindi ang kabang tinatago. Mabuti na lamang at agad na nakaisip ng paraan si Joanna.

JOANNA: Ah, wala lang. Ang totoo kasi nyan itong si Alfie may chinichika tungkol sa'yo Hiko.

Bigkas ni Joanna at napatingin ang lahat kay Alfie.

AlFIE: Anong ako?!

Gulat nyang reaksyon at sinenyasan na lamang siya ni Joanna.

HIKO: Tungkol saan?

ALFIE: Wala, wag kang maniwala dyan Hiko. Boka lang yan.

Nagturuan ng nagturuan ang dalawa hanggang sa hindi na naging intiresadong makinig sina Julian. Natapos ang araw na iyon na nalaman ni Joanna ang buong nangyari.

ΦΦΦ END OF PART XXI ΦΦΦ

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now