Chapter 17 ( bar )

193 7 0
                                    

" Napagod kaba? mukhang hindi e. Ang bilis mo naman matuto, parang wala lang sa'yo yung baril." Saad ni Nash at napakamot sa batok, natapos ang gabing pag tuturo nito sa'kin pero marunong na ako agad.

" Congrats Dee." Nakangiting saad ni Harrison ng makalabas kami sa room na 'yon.

" Magaling ka lang talaga mag turo Nash" Saad ko habang minamasahe ang mga kamay ko.

" Akala ko ba mag papaturo din ang mga 'yan, pero tignan mo tulog na tulog." Natatawang saad ko at pinuntahan sila Zoey.

" Para silang mga batang nakatulog dahil sa sobrang pagod" Natatawang saad ni Nash. Si Kizeah ay nakaupo sa sofa habang si Zoey ay natutulog sa lap nito, si Tasia naman ay sa baba ng sofa habang ang dalawang kamay nito ay nasa tyan at lap ni Zoey.

" Para silang mga batang yagit na nakatulog sa kalsada." Saad ni Axel habang nakatingin sa mga natutulog. Kinuha ko ang cellphone ni Kizeah at tinignan ang message ni miss Kim.

" Bakit alam ni miss Kim ang number ni Kizeah?" Takang tanong ko at humarap kila Axel.

" I don't know, alam ko iniisip mo pero wala naman sigurong connection si Kizeah kay miss Kim." Saad ni Harrison.

" Wow, hindi ko knows marunong ka pala bumasa ng isipan. Dahan dahan Baka ma diskubre mong gusto kita." Natatawang saad ko at nakita ko itong namula. Tumalikod ako dito at tinignan ulit ang message ni miss Kim, hindi naman nawala sa isipan ko kung bakit alam ni miss Kim ang number ni Kizeah.

" Ehemm ehmm, kinilig ka naman." Natatawang pang asar ni Nash dito.

" Akala ko ba bading ka?" Natatawang saad ni Axel. Narinig ko naman ang pag smirk ni Harrison.

" Inom tayo?" Saad ko at inilapag ang cellphone ni Kizeah at humarap sa mga ito.

" I thought yo-" Pinutol ni Nash ang sasabihin ni Harrison. " Sa bar tayo, maraming mga babae dun." Saad ni Nash at ngumisi.

" Maraming babae, sasama ako." Saad ni Zoey habang kinukusot ang mata. Tanginang 'yan.

" Gising na'ko. Tara na" Saad naman ni Tasia at nauna itong nag lakad, hindi pa kami nakakainom pero para na itong lasing.

" Bar pala 'yan e, syempre hindi ako mawawala dyan." Saad ni Kizeah at tumayo.

" Wow, basta sa babae kahit natutulog n'yong mga diwa, magigising at magigising." Natatawang saad ko at natawa din ang mga ito.

" Natulog ba talaga kayo o ayaw n'yo lang mag paturo sa'kin." Natatawang saad ni Nash.



" Ayaw namin." Natatawang saad ng tatlo at sabay sabay nang nag lakad papaalis. Natawa naman ako at tumingin kay Nash na nakabusangot.

" Papaputok, pero kay Yxidee." Sigaw ni Kizeah at narinig kong tumawa ang dalawa. Natawa nalang din sila Harrison.

" Let's go, talo tayo kay Yxidee bro." Saad ni Axel at tinapik si Nash. Sumunod nadin kami kila Zoey.



" Pasensya na, ayaw talaga nila sa may itlog." Saad ko na ikinagulat ni Nash, na tawa naman sila Axel at napa iling iling.

______

" Nashville bar?" Takang tanong ko sa nakabasang pangalan ng bar. Dalawang palapag ito at akala mo'y papuntang langit dahil maraming pailaw.

" I'm the owner, kaya Let's dr-" Nahinto sa pag sasalita ito dahil kumaripas ng lakad sila Zoey at naunang pumasok.



I'm into you, professor Where stories live. Discover now