Chapter 5 ( The truth )

353 7 3
                                    

Nakahiga ako ngayun sa kama ko dahil iniisip ko kung ano ba talaga ang pag katao ng mga magulang ko. Mag se-seven na nang gabi at nag chat si Zoey.

Zoey Dawson

" Bakla, sunduin na lang pala kita."

" Malapit lang din naman bahay n'yo sa bahay ko. HAHAHAHA"

" Ngayun ko lang naalala gago ka."

     

                      Yxidee Xian Andersen

                    "Punta nalang kaya ako dyan, tapos dyan nalang tayo usap?"

Zoey Dawson

" Wag na, sunduin na  kita."

Hindi nako nag reply kay Zoey at nag bihis na'ko. Nakasuot lang ako ng black hoodie at cargo pants. maya maya din ay dumating nasi Zoey.

" Nay, aalis po muna ako kakain lang kami ni zoey sa labas." Paalam ko kay inay nag luluto ito ng ulam.

" Hindi kaba kakain dito nak?" Tanong nito.

" Hindi po nay" Ngumiti ako dito at hinalikan ito sa pisngi.

Bakit hindi ito nag taka kung bakit ako aalis? hindi naman ako lumalabas ng gabi e.

" Nak, bat ang pogi mo sa suot mo?" Ngumiti pa ito ng napakalawak.

" Nay, maganda ako." Sabi ko dito at tumawa naman ito.

" Mag iingat kayo nak" Sigaw ni inay.

" Good evening bakla." Masayang bati ni Zoey at binuksan ang pinto.

" Nice, gentlewoman ang peg?" Natatawa kong sabi dito.

" Gago ka, ang pogi mo sa suot mo para kang masc. Mag m mukha n'yan tayong mag girlfriend e." Natawa nalang din ako sa sinabi nito.

Nakasuot ito ng white dress at naka sandals lang.

" Zoey, pwede bang umpisahan mo nang mag kwento?." Natatawa kong sabi dito ng makasakay na ito sa kotse.

" Excited? Exited?." Natatawang saad nito.

" Gago hindi, gusto ko lang talaga malaman kung ano talagang pag katao ng magulang ko." Saad ko.

" Okay, but promise me wag na wag mong sasabihin na sinabi ko okay? wag na wag mo k kwento ito kahit kanino masasapak kita" Natatawang sabi nito at tumango lang ako.

" Wag kang magugulat ah. Bakasyon nun at nag karoon ng party sa bahay tapos nakita ko ang magulang mo kausap si daddy at mommy." Panimula nito at tumango lang ako.

" Tapos pinakilala ako ni daddy sa dad at mom mo. Masaya ang party nun btw nangyari lang 'to last year, pero pinag tataka ko bakit hindi ako nakilala ng nanay mo." Zoey said.

"Tapos?." Tanong ko.

" Tapos nung kakain na, may bigla nalang kaming narinig ng putok ng baril, tapos si mommy pinapasok n'ya kami sa bahay kasama ang step brother ko tapos nakita ko ang magulang mo may hawak ng baril at nakikipag putukan din." Saad nito at kinabahan ako.

" Ng matapos ang gabing 'yun kinabukasan ay pinadala ako ni dad dito. pero ang step brother ko ay naiwan sa kanila."

" Tapos tinanong ko si daddy kung ano ba nangyayari at tinanong ko mga magulang mo. Ang sabi ni dad ay ang mga taong nag paputok sa bahay ay kaaway ng mga magulang natin. isang agent ang mommy ko at ganun din ang mom mo. si dad naman ay isang assassin ganun din daddy mo." Saad nito na ikinalaki ng mata ko.

I'm into you, professor Where stories live. Discover now