Chapter 16 ( Intuition )

201 6 1
                                    

" Bakit kaya wala pa si miss Kim?" Tanong ni Kizeah, andito kami sa harap ng office ni miss Kim dahil kukunin namin ang mga ipapagawa n'ya.

" Sure kabang dito ang office n'ya?" Tanong nito ulit, tumango nalang ako

" She's here" Saad ko ng makita kong nag lalakad sila miss Kim, kasama nito ang lalaking nakita namin dun sa restaurant pero nasa likod ito ni miss Kim.

" Miss, naiwan n'yo po ata yung boyfriend n'yo." Natatawang saad ni Kizeah at tinuro ang lalaki sa likod, para s'yang buntot na sunod ng sunod kay miss Kim.

" He's not my boyfriend." Malamig na saad nito at binuksan na ang pintuan ng office n'ya.

" Awwwwwkeeey" Saad ni Kizeah at siniko ko lang ito.

"Pass it tomorrow." Saad ni miss Kim at binigay sa'min ng lalaki ang mga papers.

" Assistant mo ba miss, masyado naman s'yang pog-" Tinakpan ko ang bibig ni Kizeah at sinamaan ito ng tingin dahil pakiramdam ko ay nandidilim na ang paningin ni miss Kim sa'min.

" HAHAHAH it's fine, I'm Ranz Kimberly's suitor." Saad nito na ikinagulat ko kahit si Kizeah.

" Thank you sir, mauuna napo kami." Saad ko at hinila si Kizeah. Wala sila Tasia at Zoey dahil nasa room na ang mga ito.

" Ang lalim ng boses n'ya, katulad nila sir Matthew tapos yung katawan ang sar-" Sinamaan ko lang ulit ito ng tingin at nag zip mouth ito. Animal amputa.

" Akala ko ba ayaw n'yo sa may itlog" Saad ko na ikinatawa n'ya.



" Bakit ang tagal n'yo?" Tanong ni Tasia ng makapasok kami sa room.

" Bakit ganyan itsura mo siopao ko?galit na galit?" Tanong ni Zoey pero inirapan ko lang ito.

" Woiiii, nag seselos siguro" Saad ni Kizeah at tumawa, iniwan ko ang mga ito at padabog na umupo. Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito.

" HAHAHAH may gusto ka kay miss Kim no? Wala talo ka may manliligaw na ang bebeloves mo." Natatawang pang aasar sa'kin ni Zoey ng makaupo ang mga ito.

" Wala akong gusto kay miss Kim, bigla ko lang naisip ang mga pumatay kila inay." Malamig na saad ko habang sinasagutan ang isang activity paper sa subject ni miss Kim. Inuna ko ito kasi madali lang ang mga tanong.

" Andyan na si prof jasmine." Saad ni Kizeah at napatingin ako sa nag lalakad na professor, maganda naman si miss Jasmine maputi, matangos ang ilong at para din s'yang model, lahat naman ata ng professor dito sa university ay mga mukhang model, masyado nga lang terror. Labas na si miss Kim dyan.

_______

" Masyadong mahirap ang binigay sa'tin na mga activities, tangina nakakatuyo ng utak." Saad ni Kizeah ng makapasok kami sa cafeteria. It's lunch time.

" Pero yung binigay ni miss Kim satin madali lang." Saad ko. Tumango nalang si Zoey at Tasia.

" Ano pong order n'yo?" Tanong ni kaye. Si Kaye ang babaeng inasar nila nuon dito sa cafeteria.

" Yung katulad ng dati naming inoorder" Sagot ko at ngumiti ito.

" Btw miss, nahuli napo ba yung gumawa nun sa magulang n'yo?" Tanong nito na ipinag taka ko.

" Wdym?" Tanong ko at tinitigan ito.

" Kayo po yung anak ni Elizabeth Anderson at Jerome Anderson diba po? yung magaling na assassin at agent?." Tanong ni Kaye at maraming nakarinig, tumingin naman ang mga ito sa gawi ko.

" Yes." Malamig na saad ko at umiwas ng tingin dito.

" Kunin mo nalang ang order namin kaye, wag kana mag tanong." Sabat ni Tasia at may pang gigigil sa boses nito, ngayun ko lang ito nakitang ganito. Umalis naman agad si Faye na parang natakot.

I'm into you, professor Where stories live. Discover now