Chapter 11 ( Slowly discovering the truth )

209 7 1
                                    

" Hoy, ano pinag usapan n'yo ni Kuya kagabi?" Kunot noong tanong ni Zoey ng buksan ko ang pinto ng kwarto ko.

" Hindi ako papasok sa first sub kaya mauna na kayo ni Harrison." Saad ko at nag lakad na pababa ng hagdan.

" Ehhh, ang layo naman ng tanong ko sa sagot mo siopao ko" Natatawang saad nito at sumunod sa'kin, ayoko lang makita si miss kim dahil kumukulo padin ang dugo ko sa kanya.

" Oh Yxidee, hindi kaba papasok?" Tanong ni Harrison ng makita akong umupo sa kusina.

" Hindi, sa subject lang naman ni miss Kim. Kaya mauna na kayo ni Zoey mamaya nalang ako aalis." Saad ko at may pag tataka naman sa mukha nito.

" Mag tataxi ka nalang ba?" Tanong nito at Tumango nalang ako. " Here's your coffee good morning btw" Nakangiti itong inabot sa'kin ang isang tasang kape.

" Sabihin mo sa'kin, may ginawa ba sa'yo si miss kim?" Kunot noong tanong ni Zoey at nakapamewang pa.

" Ikaw, ang chissmosa mo let's go na" Hinawakan naman ni Harrison ang uniform ni Zoey at kinaladkad ito paalis ng kusina.

" You brother devil, ano ba bitawan m'ko kung ayaw mo sipain ko 'yang itlog mo." Saad ni Zoey habang pinipilit alisin ang kamay ni Harrison sa damit n'ya.

" Byebye siopao ko, text mo nalang kami nitong demonyo na'to kung may kailangan ka loveee youuu" Sigaw ni Zoey bago ko narinig ang pag sara ng pintuan sa labas.

Inubos ko na ang binigay na kape sa akin ni Harrison bago ako umakyat sa kwarto ko at naligo.

" If I was dying on my knees, you would be the one to rescue me and if you were drowned at sea I'd give you my lungs so you could breathe." Pag kanta ko habang palabas ng cr, sakto naman na tumunog ang cellphone ko.

0927************

" Why didn't you come to my class?"

" Katapos ng ginawa mo itatanong mo 'yan? Pambihirang nilalang ka miss Kim." Saad ko sa sarili ko at binaba ang cellphone ko at inayos ng buhok ko.

Sinuot ko lang ang black hoodie jacket ko at black pants.

" Mag motor nalang kaya ako?" Saad ko sa sarili ko ng makalabas ako ng mansion.

" Pahiram ako ng motor mo dad" Inalis ko ang itim na nakabalot dito at ang nakabalot na susi.

" Gags, ang ganda black na black para sa'kin ba'to dad." Black motor bike ito at sobrang ganda. Marunong ako mag motor hindi lang ang pag p piano ang naituro sa'kin ni itay kundi pati ang pag m motor.

" Gabayan n'yoko tay, baka mamaya maaga tayong mag kita sa langit." Natawa naman ako sa sarili ko at pinaharurot ang motor. 30 minutes lang ang nakalipas ay nakarating nadin ako dito sa university.

" Wow, ang ganda ng motor mo." Saad ng kung sino ng maipark ko ang motor ko sa parking lot ng school.

" Thank you miss." Ngumiti ito sa'kin at parang kinikilig.

" Pwede po ba mag pa picture? Ang gwapo mopo." Saad nito na ikinatango ko lang.

" Thank you so much, I'm sashi and you?" Nilahad nito ang kamay n'ya at malawak na ngumiti. Maliit lang ito at maiksi din ang kanyang buhok. Nakasuot ito ng Jacket at pants ng university.

" Yxidee Xian Anderson" Kinuha ko ang kamay nito at sabay na kaming nag lakad.

" Saang building ka?" Tanong nito habang papunta kami ng elevator.

" Sa law building, ikaw?" Nagulat ito sa sinabi at mukhang hindi naniniwala.

" Wow, bachelor of music ako, sa second floor lang." Napakamot lang ito sa ulo at tila nahihiya. Bumukas naman ang elevator at bumungad ang magandang mukha ni miss na walang emosyon.

I'm into you, professor Where stories live. Discover now