Chapter 2 ( laugh trip)

287 5 1
                                    

" Yxidee nak, samahan m'ko mamili ng hapunan sa bayan " Sigaw ni inay mula sa labas ng kwarto ko.

"Hmmm, 5 minutes inaantok pa'ko. Masyado pang tanghali para dyan nay" Mahina kong sagot dahil antok na antok pa'ko.

" Gaga ka nak, anong tanghali mag aala-sais na ng gabi nak. Bumangon kana at baka mag sarado na ang palengke." Nagulat ako sa sinabi ni inay at agad na bumangon para tignan ang oras.

" Wait lang nay, nariyan na ho" Sigaw ko dito at syaka na ako nag ayos.

" Bagong gising kalang nak, pero yung itsura mo para kang bagong panganak " Bungad sa'kin ni inay pag kalabas ko ng kwarto ko.

" Tama kana muna nay, kakagising ko lang baka diko matansya sarili k-" Pinutol n'ya ang sasabihin ko.

" Hoy nak, nanay m'ko. Bunganga mo" Masama ako nitong tinignan

" Baka hindi ko matansya ang sarili ko, sumbong kita kay itay."  Nakangisi kong sagot dito at nag peace sign

Last time kasi nung ginising n'yako, at inasar ang nasabi ko sa kanya. Wag nyakong maaasar asar at baka hindi ko matansya sarili ko masapak ko s'ya. Ayun nabatukan ako, kakagising ko lang nun at nakalimutan kong nanay ko pala ang kausap ko. Sabi nga nila mag biro kana sa taong lasing. Wag lang sa taong bagong gising.

_______

" Yxidee, baby koooo "

" Hoy nak, may naririnig kaba? Yxidee baby ko daw." Natatawang sabi ni inay habang namimili kami ng gulay.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang kapatid ni pres na papalapit sa'kin.

" Ano? Kapal naman ng mukha mo para tawagin ako n'yan." Inirap ko lang 'to

" Hoy nak, sungit mo naman malay mo crush ka n'ya diba. At least may nag kaka gusto sa'yo kahit mukha kang bibe." Sabi ni inay at tumawa, kahit ang mga nakarinig ay tumawa din. Lalo natong nasa harapan ko na akala mo kinulang sa hangin kung makatawa.

" Ma, ano ba. Wag mo ngang ginaganyan ang nag iisa mong anak." Sabay irap ko dito.

" Btw po tita, ako po si Kathleen, Kath nalang po." Nakangiti itong nag pakilala kay inay sabay baba ng kamay nito.

" Elizabeth nak, tita Liza nalang. " Nakangiting sambit ni inay at tinanggap ang kamay ni kath.

" Btw ano palang ginagawa mo dito kath?" Tanong ni inay dito pag katapos nitong mag pakilala.

" Wow nay, close kayo? Close kayo?" Tinaasan ko ito ng kilay habang naka pamewang.

" Wag kana mag selos nak, nag tatanong lang e. Shota mo ba 'to nak? ang ganda." Sabi ni inay habang nakaturo sa babaeng nasa harap ko, nakita ko naman itong namula.

" A-ah, hindi po ma, este tita. Same school lang po kasi kami ng pinapasukan syaka po ang ate ko ang may gusto sa anak n'yo " nakangiti nitong sagot kay inay. Kita ko naman ang gulat ni inay sa mukha nito.

" T-talaga? Tomboy kaba nak? " Sabay harap sa'kin ni inay, tinapik ko naman ang balikat nito.

" Maaaaa, ano kaba hindi ha. Sa ganda kong 'to magiging tomboy ako?" pag turo ko sa sarili ko at nag ayos pa ng buhok. Nakita ko naman na natawa ang dalawa.

" Let's go, kath. Hinahanap kana ni dad. " Sabay sabay kaming napatingin sa likod ng may mag salita, laking gulat ko ng nakatingin ito ng sobrang lamig sa'kin. Akala ko ba crush ako nito?

" Ah sige po, una na kami. Bye baby ko." Nag flying kiss pa ito sa'kin. Tumingin ako kay pres at mas lalong naging cold ang tingin nito sa'kin, sabay irap bago tumalikod.

I'm into you, professor Where stories live. Discover now