Chapter 13 ( Sleepover )

207 7 0
                                    

" Siopao koooooo." Tumakbo ito at yumakap sa'kin.

" Zoey hindi ako makahinga gago." Saad ko at inalis naman nito ang pag kakayakap sa'kin.

" Akala ko patay kana." Natatawang saad nito at siniko ko lang.

" Btw, bakit ka andito akala ko may lakad kayo ni papa hottie?" Tanong nito at umakbay sa'kin.

" May emergency daw s'yang pupuntahan, hindi ko alam sa kanya parang si prof Kim lang." Saad ko at bumugtong hininga, nung huli naming pag uusap ay bigla na lamang itong nag sabing ihahatid n'ya na lang ako.

" Nasan si Harrison?" Tanong ko dito ng makaupo kami sa sala.

" Nag hahanda ng food, darating na sila maya maya e." Sagot nito at humiga sa lap ko. Nag taka naman ako sa sinabi nito.

" Huh? sila? sinong sila?" Takang tanong ko dito.

" Hindi ba nag text sa'yo si Kuya? o sila Axel? balak nilang mag sleepover dito." Sagot nito at syaka ito umupo. Kinapa ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng hoodie ko at sa pants ko pero wala ito.

" Shit, nawawala yung phone ko." Saad ko at tumayo.

" Gago? baka naiwan mo sa kotse ni sir Matthew?" Tanong nito at umiling lang ako.

" Tawagan mo cellphone ko bilis. Gago gift pa 'yun ni inay sa'kin." Kinakabahang saad ko at dali dali naman nitong kinuha ang cellphone n'ya.

"Nag r ring lang, walang sumasagot." Saad nito at kinuha ko naman ang phone n'ya.

" Hey, may problema ba?" Tanong ni Harrison at may dala dala itong juice. Hindi ko ito pinansin at nilagay na lamang n'ya ang juice sa mesa.

" Shit, pag walang sumag-" Saad ko ng biglang may nag salita sa kabilang linya.

" Stupid. " Malamig na saad ni miss Kim sa kabilang linya.

" Miss kim?" Gulat na saad ko at napatingin naman sa'kin ang dalawa.

" Bakit na sa'yo cellphone ko ma'am?" Takang tanong ko sa kabilang linya.

" Stubborn, you bumped into me earlier at school but you didn't even apologize. I called you earlier but you didn't even face me." May inis sa boses nito. Kahit hindi ko ito nakikita ay ramdam ko padin ang mga malalamig n'yang tingin at boses.

" M-miss, I'm sorry hindi ko naman sinasadya nag mamadali ho kasi ako kanina." Saad ko at napasapo nalang ako sa noo.

" Can you please take care of my cellphone, miss? I'll just get it from you tomorrow." Saad ko dito pero wala akong narinig na sagot.

" Miss?" Tanong ko pero wala padin.

" Miss, Kim??" Narinig ko naman itong bumugtong hininga bago mag salita.

" Let's just talk tomorrow." Saad nito at binaba ang tawag. What the heck? pero cellphone ko 'yun.

" Fuck, nakay miss Kim ang cellphone ko" Saad ko at inabot kay Zoey ang cp n'ya.

" Gago sino bang kinita mo kanina? si sir Matthew o si miss Kim?" Kunot noong tanong ni Zoey.

" Gago, si sir Matthew nga" Saad ko at inirapan ito.

" Bakit nakay miss Kim ang cellphone mo? " Tanong ni Harrison.

" Nabangga ko s'ya kanina sa school, siguro nalaglag ko." Saad ko at tumango lang ito.

" Kaya pala mas lalo s'yang naging dragon kanina." Natatawang saad ni Zoey at hinagisan ko lang ito ng unan.

" Arhhhhh, baka mamaya ayun pa ang maging dahilan para mapapayag n'yako sa gusto ni kath. The fudge." Saad ko at narinig ko lang na tumawa ang dalawa.

I'm into you, professor Where stories live. Discover now