Chapter 1 ( crush ako ni pres)

539 7 0
                                    

" Yxideeeeeee Xian Anderson" Gising na ma lelate kana sa school. Hay jusko kang bata ka pupuya-" pag gising sa akin ni inay. Ngunit pinutol ko ang sasabihin nito, mas maingay pa sa manok e.

" Opo na, bababa na. Ang aga aga nay sumisigaw ka, abot kabilang barangay boses mo e." Natatawa kong sabi habang kinukusot ang mga mata ko. Papuntang kusina

" Mag mumog kana muna nak, ang baho ng hininga mo amoy imburnal." Nakangising sabi ni inay. 

" Mamaaaaaaaaaa" sigaw ko sa kanya ngunit sinalaksakan n'ya lang ng pandesal ang bunganga ko.

" Ayt least majunda." Sabi ko kay inay habang nginunguya ang pandesal.

" Ang pangit mo nak, mas mukha kapang nanay saakin e." Sinamaan ko naman s'ya ng tingin. Habang s'ya ay humahalaklak ng tawa. masira n'ya lang araw ko parang nanalo na s'ya sa lotto sa sobrang tuwa.

Araw araw kaming ganito ni inay. Asaran duon asaran dito, mapa umaga o mapa gabi man. same vibes kami e habang si itay naman ay seryoso sa buhay.

"Ma, alam mo ba? Tanong ko sa kanya habang nag huhugas s'ya ng mga pinag kainan.

" Na pangit ka, oo nak matagal na namin yan alam." Humarap ito sa'kin habang naka ngisi. Bumusangot naman ako

" Wag kang ngumuso nak, mas lalong hindi mo bagay, para kang bibe na hindi naka kain e." Sinamaan ko s'ya ng tingin habang s'ya naman ay tuwang tuwa. Sa ganda kong ito? Mukhang bibe?

" Mamaaaaaaaaaa, sainyo lang ako nag mana. Kung ako bibe ikaw naman pato" Napuno ng tawanan namin ang kusina, at naalala kong late na pala ako.

Tumakbo ako sa cr at muntik pa'kong masubsub at narinig ko si inay na mas lalong lumakas ang tawa. Ang aga aga sira na ang araw ko dahil sa pang aasar n'ya. At least nakakaganti ako sa kanya.

" Inay kung mahal, aalis napo ako" Sigaw ko mula sa labas, hindi kuna hinintay ang sasabihin n'ya at dali dali na akong  tumakbo at nag para na ng tricycle. May kalayuan ang skwelahan mula sa'min, kung mag Jjeep ako mahuhulo ako lalo.

_______

" Yxide Xian Anderson. late kana naman sa class ko" Sigaw sa'kin ni sir panot este sir. Jomar

" Sir, sorry po late po kasi akong nagising e." Pag sisinungaling ko dito. 15 minutes na'kong late sa klase n'ya.

" Palagi mo nalang yan dahilan. Absent kasa klase ko. isa pang late at papapuntahin ko na mga magulang mo.""

Nagulat ako sa sinabi nito at bumalik na ulit s'ya sa pag tuturo.

" Panot " Bulong ko dito pero parang narinig n'ya dahil tinawag n'ya ang apelyido ko.

" Anderson, may sinasabi ka? "

" Ahh sir? ako po? wala po ah " kagat labi kong sabi sa kanya. Nakita ko naman ang mga kaklase kong nag pipigil ng tawa. Mga baliw.

Pumunta muna ako sa favorite place ko dito sa school. Dahil isang oras ang pag tuturo ni sir panot sa amin. Nakaupo ako ngayun sa ilalim ng malaking puno, habang nag c cellphone. Pag late ako o di kaya'y masama ang loob ko ay dito ako pumupunta.

" Yxidee" Pag tawag sa'kin ng kung sino.

" Sino ka? " Taas kilay kong tanong sa kanya

" Ay sht ang ganda mo pala sa malapitan. Btw Kathleen Sanchez " sabay baba ng kamay nito.

Matangkat ito, mahaba ang buhok, maputi at matangos ang ilong. May mapupulang labi, para s'yang model. Nakasuot 'to ng pang gr.10 uniform.

" Yxidee xian " pretty gorgeous " Anderson". Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang kamay n'ya. Nakita ko naman na namula ang pisngi nito.

I'm into you, professor Where stories live. Discover now