CHAPTER 12

19 2 3
                                    

Chapter 12: Blunt

Sivanah Allison Estrera

"Hindi ba pati si Noriashna hinikayat niyo din? Kung gano'n, sasali lang ako kapag sasali din siya, Dean Leigh."

Totoo iyon, gusto kong pumunta sa lugar kung nasaan si Noriashna. Kapag nandyaan kasi siya sa tabi ko, kailangan ko lang  siyang titigan sa mata para mawala ang halo-halong nararamdaman ko galing sa mga tao.

I have always aimed to understand Noriashna's feelings, but there appears to be a barrier. O sadyang effortlessly emotionless na talaga siya.

Nasaktan ako sa biglaang pamamrangka niya saakin kahapon, hindi ko tinake consideration ang kung anong ayaw niya. Hindi ko naman titigilan ang pagiging madaldal, pero siguro kapag nagtagal matatanggap niya na din ako.

Hindi niya gusto ang madadaldal na tao, then I'll make her like it.

Makukuha din kita, Noriashna ko. Maghintay ka lang.

"Oh. Mukhang mahihirapan ako sa isang iyon." Biglang sagot ni Dean Leigh sanhi upang maputol ang iniisip ko.

"Halata nga po," Sagot ko saka tumawa.

Napaka hard to get ni ate mo, kahit ako nga hindi ko magawang kaibiganin agad, e. Ang taas-taas ng bakod, pasalamat siya magaan kaagad pakiramdam ko nung unang kita ko palang sakaniya.

But i am more confused kung bakit ganoon nalang ang personalidad niya, dahil ba sa past niya or since birth na siyang ganiyan?

"Alam mo naman pala, bakit tinanong mo pa?" Siring naman ni Maxxea na nasa tabi ko lang.

"Ikaw minsan may pagka shunga ka din, e, 'no?"

"Luh, ako pa 'tong shunga. Ewan ko sa iyo, 'teh, hanap ka kausap mo."

Hindi ko nalang siya pinansin dahil shunga siya, madaldal kami, syempre kadalasan talagang nonsense ang mga salitang lumalabas sa bibig namin.

"Don't worry, Dean Leigh. Magtulungan tayo para maging interesado siyang maging isa sa mga Alpha Students," Hinarap ko si Dean Leigh habang may malaking ngiti sa labi.

"That'll be challenging," Singit nanaman ni Maxxea.

Ewan ko ba. Napakaraming estudyante rito tapos iilan lang ang nagsasalita, mga pipi ba ang ilan sakanila?

"Hindi sila mga pipi, they are simply unwilling to talk right now." Nagsalita si Dean Leigh na para bang nabasa niya ang iniisip ko, nanlalaki ang mata kong napatingin sakaniya.

"Did she just say we're deaf?" Narinig ko pang tanong ng isang babae ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil kay Dean Leigh lang ang tingin ko.

"O to the M to the G, Dean Leigh. You are able to read minds!" Hindi ko na inabala pa kung gaano kalakas ang tono ko, basta ang alam ko lang ay kung gaano nanlalaki ang mata ko ay ganon rin ang ngiti kong nakatingin kay Dean Leigh.

She has an ability to read people's minds, and coincidentally I am interested in that kind of gift. I always wanted to have that gift since I met my Mother's new companion.

Narinig ko pang napabuntong-hininga si Maxxea dahil sa reaksyong ipinakita ko. Ngumiti naman sa akin si Dean Leigh at nagsalita.

"You're right, Sivanah, and I can sense your thoughts right now. They're so chaotic — please stop." Panunuyaw nito sa akin, kaya naman mas lalo pa akong napangiti.

"So, are you able to read Noriashna's mind? What does her mind look like, Dean Leigh? Is it full of words? Is it full of emotions? or full of unsaid words?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Gifted Ones Where stories live. Discover now