CHAPTER 3

27 8 12
                                    

Chapter 3 : Diabolos

BRIZ POV (Her Mother)

BREAKING NEWS: A man named Hadel Salazar found dead after being stabbed multiple times in different parts of his body at his own Salon at exactly 11:06pm.

Pagbasa ko sa bagong headline ng balita ngayong araw. Hindi lang basta ordinaryong babae ang pinatay, kundi isa din s'yang tulad ko. A gifted one. At sinadya iyong gawin, Iniisa-isa nila ang mga katulad namin. Maski ako ay hindi alam kung sino nga ba ang nasa likod ng patayan na ito.


Nagagawa nitong patayin ang isang tulad ko. At natatakot ako na kapag nalaman nito na ang anak kong si Noriashna ay isa ding taong may espesyal na abilidad ay baka isama din ito sa listahan ng papatayin nila.


“Kanina ka pa nakatutok sa TV, anong meron sa balita ngayon?”


Naputol ang pag-iisip ko nang sumulpot sa tabi ko si Fayre — ang asawa ko. Nginitian ko muna ito bago nagsalita.


“May natagpuan nanamang patay sa mismong loob ng bahay nila.”


“Ba't napapadalas naman ata ang patayan ngayon? Lagi nalang ‘yan ang laman ng balita.” Pansin ni Fayre dito. Napatango ako dahil totoo nga ang sinabi n'ya.


“Kaya ‘wag kang lalabas-labas ng bahay, baka mapagtripan ka d'yan sa labas.” Pagpapa-alala ko dito, ngumiti naman ito saakin bago ako hinila upang yakapin.


Bahagya akong tumingin sa may pintuan, umaaasang magbubukas ‘yon at iluwa ang anak kong pinalayas ng asawa ko. Gustuhin ko man itong pigilan, ngunit mas makabubuti na turuan s'yang buhayin mag-isa ang sarili n'ya. She is a smart and independent girl after all.


“Mama, pwede mo ba ako bilhan ng bagong cellphone? Basag na kasi ‘yong sa'kin, nakakahiya ipakita sa mga friends ko.” Sumulpot ang pangalawang anak ko na si Melissa, habang pinapakita ang hindi masyadong basag na cellphone nito. More likely a scratch, pwedeng pwede pang gamitin.


“Pero anak, kabibili lang natin ng gan'yan, hindi ba?” Singit naman ng asawa ko habang nakakunot ang noo.


“Pero, Pa, nagsabi ako sa mga kaibigan ko na bibilhan n'yo ‘ko ng bago. Nakakahiya naman.” Padabog na sagot pa nito sa Ama.


“Anak, wala tayong pera—”


“Meron, Ma. Nakita ko sa drawer mo, madami.” Pinutol ni Ciara ang sinasabi ko, nagulat pa ako sa tinuran nito.


“Ano?! Pinakialaman mo ang gamit ko?” Hindi ko mapigilang pag taasan ng boses si Ciara nang malaman ko ‘yon. Napaigtad pa ito dahil sa biglaang pagsigaw ko.


“Mahal, kumalma ka. ‘Wag mo namang pag taasan ng boses ang bata.” Awat saakin ni Fayre, kaya napaupo ako.


“Alam n'yo namang pangbayad ‘yon sa mga gastusin natin dito sa bahay—sa kuryente, tubig, pagkain at sa upa.” Paliwanag ko sa mga anak kong natahimik dahil sa naging reaksyon ko kanina.


Pero hindi totoong pangbayad ‘yon sa gastusin dito sa bahay. Itinago ko ‘yon dahil gusto kong palitan at bilhan ng isang mamahaling damit si Noriashna dahil malapit na ang kaarawan nito. Nalaman ko kasing kaya pala ito marahas na bumaba ay dahil sa mga gamit n'ya na nawala. I would like to see her mad, just once. Ngunit kahit anong pasakit ang iginagawad sakan'ya ni Fayre ay hindi ko ito nakikitaan ng galit. Hindi na din s'ya sobrang takot katulad ng dati. And I think, it was a good start.


“Pero, Ma…”


“Paano kung magtrabaho ka para makabili ka ng bagong cellphone at matustusan ang mga luho mo? Gusto mo bang maging katulad ng ate n'yo? Wala na ngang ambag, hingi pa ng hingi?” Nakangiting saad ko sakanila. “Minsan, mga anak, ‘wag feeling mayaman, ha? Hindi tayo tumatae ng pera.” I said with a low but gentle voice. Hindi ko na inalintana ang gulat at sakit sa mukha nila. Dahil kailangan din nilang maramdaman ang araw-araw na nararamdaman ng ate nila.


The Gifted Ones Où les histoires vivent. Découvrez maintenant