CHAPTER 1

45 8 35
                                    

Chapter 1 : Mistreated

"Anong gusto n'yong pasalubong pag-uwi mga anak?"

Natigil ang nais n'yang paghawak sa door knob nang marinig n'ya ang boses ng tatay n'ya. Napayuko s'ya dahil ni-minsan ay hindi naging malumanay ang pag kausap nito sakan'ya.

"Kahit ano po saakin, Tay!" Sagot ni Ciara, ang pangalawa sa magkakapatid.

"Pagkain sa akin, Tay. 'Yong tinuturo ko po sainyo sa TV!" Excited na sagot naman ni Melissa, ang pangatlo sakanila.

"Raruan po sakin, Tatay ko." Singit naman ng pinakabunso sakanila, si Xia.

Narinig n'ya ang tawa ng kaniyang Tatay, "Sige, susubukan kong hanapin ang mga gusto n'yo pag-uwi. Magpapakabait lang kayo sa Mama n'yo, ha?"

"Opo, Tatay." Sabay na sagot ni Melissa at Xia.

How lucky they are. Dahil sa buong buhay n'ya hindi n'ya naramdaman ang pagmamahal ng isang Ama, dahil puros nalang ito pasakit sakan'ya. Kailan kaya n'ya mararanasan ang kaginhawahan ng buhay? Kailan kaya n'ya mararanasan ang pagmamahal ng isang pamilya? Kailan kaya s'ya makakaranas ng pasalubong nila pag-uwi, ng yakap nila pagmasasayang sandali?

Natigil ang kaniyang pag-iisip ng marinig n'ya ang yabag ng Tatay n'ya, senyales na papalapit ito sa pintong nasa harap n'ya. Dali-dali n'yang pinunasan ang luhang kanina pa pala tumulo sa mga mata n'ya, nadala nanaman s'ya ng emosyon. At hindi iyon nakabubuti para sakan'ya.

Tumalikod s'ya sa pinto ngunit gano'n nalang ang gulat n'ya ng bumungad sakan'ya ang mukha ng Nanay n'ya. Nakita kaya nito ang pag-dadrama n'ya? Sana hindi dahil baka isumbong s'ya nito sa Tatay n'ya.

Tinignan lang s'ya ng Nanay n'ya bago ito naglakad para buksan ang pinto.

"Oh, mahal, nakauwi ka na pala." Salubong ng Tatay n'ya sa Nanay n'ya. Nakangiti pa ito ngunit nang bumaling ito sakan'ya ay nawala ang saya sa mata nito. "Kumain ka na ba?" Tanong ni Fayre kay Briz.

Tumango naman ito, "Tapos na, mahal."

"Mabuti naman, wala nang tirang pagkain, e." Sagot ng Tatay n'ya saka iginiya ang Nanay n'ya patungo sa loob ng bahay.

Kailan n'ya din kaya mararanasang salubungin ng magandang ngiti kapag nakakauwi s'ya ng bahay?

Napabuntong hininga si Noriashna bago pumasok, nakita n'yang nagkakatuwaan ang mga kapatid n'ya at nang makita s'ya nito ay bigla na lamang naglaho ang tuwa sa mukha nila.

S'ya ang panganay sa magkakapatid, ngunit ni-minsan ay hindi s'ya tinuring na kapatid ng mga ito. They hate her too, at hindi n'ya din alam kung bakit.

Kailan n'ya din kaya mararanasan na salubungin ng kapatid n'ya na may tsismis na dala?

Inakyat n'ya nalang ang hagdan para tumungo sa kaniyang silid. Ngunit pagbukas n'ya pa lamang ng pinto ay bumungad na sakan'ya ang nagkalat na damit sa kaniyang drawer, mga libro na nahulog galing sa book shelves, basag na salamin na nagkalat sa sahig at kaniyang mga mahahalagang gamit na tipong may magnanakaw na nais makuha kung anong gusto.

Napasapo na lamang s'ya sa kaniyang ulo at napasalampak sa sahig dahil sa panghihina. Natulala s'ya dahil hindi n'ya kaya ang nakikita n'ya. Bakit kailangan pa nilang gawin 'to.

Kaya pala parang pamilyar sakan'ya ang suot-suot ng mga kapatid n'ya, dahil ang totoo ay sakan'ya pala 'yon lahat.

Napakagat s'ya sa labi upang pigilan ang mga luhang gustong bumagsak sa mata n'ya.

Kailangan lang naman nilang magpaalam sakan'ya, hindi n'ya naman pagdadamutan ang mga kapatid n'ya. Bakit kailangan pang kuhanin ng walang paalam?

Dahan-dahan s'yang naglakad patungo sa vanity mirror n'yang basag, tinignan n'ya ang mukha n'ya doon at napangiti s'ya ng mapait. This mirror looked exactly like her. Broken. Piece. Of. Shit.

Tumingala s'ya para pigilan ang luha sa pagtulo saka huminga ng malalim. Dali-dali s'yang bumaba para kausapin ang mga kapatid n'ya.

At natagpuan n'ya ang mga kapatid n'ya sa sala ng bahay habang hawak-hawak ang sarili nilang mga cellphone.

Malinaw sakan'ya ang nakikita n'ya. Suot ni Ciara ang kwintas na may pendant na ruby, hindi n'ya alam kung sino ang nagbigay no'n pero pakiramdam n'ya mahalaga pa 'yon kesa sa buhay n'ya. Suot ni Melissa ang bagong biling mamahaling dress na binili n'ya sa mismong perang pinaghirapan n'ya, susuutin n'ya sana mismo ito sa paparating na kaarawan n'ya. At suot ng kan'yang inosenteng bunso ang bracelet na ibinigay sakan'ya ng Nanay n'ya nung panahong mahal n'ya pa ito.

Ayan nanaman ang luha na sumisilip sa mata n'ya. Napakahina n'ya pagdating sa mga kapatid n'ya. She tried clearing her throat.

"Pumasok ba kayo sa kwarto ko?" Dahan-dahang tanong n'ya dito, takot na baka mabigla ito at magsumbong sa Tatay nila.

Napakunot ang noo ni Melissa. "Nakita mo ba?" Pabalang na sagot nito.

"Kaya nga tinatanong ko kasi hindi ko nakita—"

"Tatay oh!" Naputol na lamang ang sinasabi n'ya nang biglang sumigaw si Ciara.

Napasinghal naman s'ya dahil sa biglaang pagsumbong nito.

Narinig n'ya ang nagmamadaling yabag ng Tatay at Nanay n'ya, ngunit hindi n'ya pinahalata ang panginginig ng kalamnan n'ya.

"Anong nangyari?" Nababahalang tanong nito sa mga kapatid n'ya, hindi man lang s'ya tinapunan ng tingin.

"Si Noriashna po kasi, nangbibintang. Kinuha daw po namin mga gamit n'ya, e, hindi naman."

Napangisi si Noriashna sabay umiwas ng tingin.

Tinatanong n'ya lang naman kung pumasok sila sa kwarto n'ya, wala naman s'yang sinabing may kinuha sila sa kwarto n'ya. Nagpapahuli naman masyado.

Napa-igik s'ya ng mahigpit s'yang hinawakan ng Tatay n'ya sa braso at kinaladkad patungo sa basement ng bahay na 'to. Itinulak s'ya nito pagkabukas pa lamang ng pinto sanhi ng pagtama ng kaniyang balakang sa isang matigas na bakal. Ngunit hindi pa nakaraan ang ilang minuto ay bigla na lamang nawala ang sakit na kanina lang ay nandyaan.

"Anong karapatan mong bintangan ang mga kapatid mo ng gan'yan? Anong klasing kapatid ka?" Singhal nito sakan'ya bago hinawakan ng mahigpit ang pisnge n'ya.

"Tinatanong ko lang na—" at nakatanggap nanaman s'ya ng isang sapak sa Tatay n'ya dahilam para mauntog ang ulo n'ya sa isang matigas na kahon.

"Aba, sumasagot ka pa. Tandaan mo, wala kang pag mamay-ari sa bahay na ito. Wala kang karapatang angkinin ang lahat ng nasa kwarto mo dahil hindi 'yon galing sa'yo. Ako ang pumasok sa kwarto mo para mabigyan ng magagandang bagay ang mga anak ko. Hindi ikaw ang karapat-dapat na maging pagmamay-ari no'n dahil kailanman ay hindi kita tinuring na anak." Ayon lang saka padabog na sinara n'ya ang pinto sabay narinig n'ya ang paglock nito.

Thank God it was dark, kung hindi ay baka kanina pa nakita ng Tatay n'ya na umiiyak s'ya. May ilaw naman na nanggagaling sa maliit na bintana ngunit hindi sapat 'yon para makita s'ya. Kinapkap n'ya ang ulo n'yang tumama sa matigas na kahon, naramdaman n'yang may likido doon at pagtingin n'ya ay dugo. Ngunit wala s'yang makapkap na sugat mula doon.

She started to looked pale... and terrified. How could that happen? Itinapat n'ya ang kamay na hinawakan ng mahigpit ng Tatay n'ya, alam n'yang nag-iwan 'yon ng marka ngunit pagkatingin n'ya dito ay wala itong marka napara bang hindi ito hinawakan ng mahigpit. Sunod n'yang hinawakan ang balakang n'yang tumama sa bakal, pinindot-pindot n'ya pa ito para maramdaman ang sakit ngunit wala talaga s'yang maramdaman.

Napagtanto n'ya ang isang bagay. Magmula bata ay hindi s'ya nagkakaroon ng mga sugat at pasa kahit na madalas s'yang saktan ng Tatay n'ya dahil naghihilom din ito kaagad. Pero hindi n'ya 'yon gusto, hindi n'ya gustong naiiba s'ya sa mga tao.

Napailing-iling s'ya, inilinga n'ya ang paningin para maghanap ng matulis na bagay. She just need to do something. At nang makita n'ya ang isang pirasong basag na salamin sa isa sa mga kahon ay ka agad n'ya itong kinuha. Nanginginig ang mga kamay n'yang itinutok ito sa kan'yang pulso para subukan kung tama nga ang hinala n'ya. Napapikit s'ya ng maramdaman ang kakaibang sakit na dulot ng tumatarak na salamin sa pulso n'ya, dumugo ito ng dumugo ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay unti-unti itong naglaho. Tanging dugo lang ang makikita mo ngunit walang kahit na anong sugat.

Napa-upo nanaman sya sa sahig dahil sa lubos na panghihina. Itinanong n'ya sa sarili kung anong klaseng tao s'ya. Kung tao pa ba s'ya at kung bakit ganito s'ya.

"Nababaliw na ata ako."

The Gifted Ones Where stories live. Discover now